Kabilang na sa blended family ng showbiz ang sitwasyon nina Kylie Padilla at AJ Raval.
Si Kylie ay estranged wife ni Aljur Abrenica, na kasalukuyang partner ni AJ.
May dalawang anak sina Kylie at Aljur: Alas at Axl.
Tatlo naman ang anak nina AJ at Aljur: Alkina, Aljur Jr., at Abraham.
May dalawa pang naunang anak si AJ sa hindi pinangalanang dating karelasyon: Ariana, 7, at Aaron, na pumanaw noong isang taong gulang pa lamang ito.
Read: Emma Mary Tiglao, nakaranas ng pambabastos sa Miss Universe 2025
KYLIE PADILLA ON SONS ALAS AND AXL PLAYING WITH SISTER ALKINA
Sa Instagram kahapon, November 23, 2025, nag-upload si AJ ng Reel kung saan makikitang nagbabasaan sina Alas, Axl, at Alkina.
Halatang enjoy na enjoy ang mga bata sa kanilang ginagawa.
Sabi ni AJ sa caption: "She’s growing up with kuyas who adore her… and that’s a blessing I’ll forever be grateful for."
View this post on Instagram
Naka-tag dito sina Aljur at Kylie.
Komento ni Kylie: "Sarap panoorin [heart emoji]"

Read: PBBM on Imee: "The lady you see talking on TV is not my sister."
NETIZENS REACT
Aprubado naman sa netizens ang bonding ng magkakapatid.
Karamihan sa kanila ay pinusuan ang post ni AJ.

Pinuri naman ng ilan si Kylie sa pagpapalaki raw nito nang tama sa mga anak niya.

Masaya naman ang ibang nakikitang ang saya-saya ng magkakapatid.

May nagsabi ring mag-move on na dahil tanggap na ng magkabilang kampo ang sitwasyon nila.

Noong November 12, 2025, sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si AJ at inaming may lima na siyang anak.
Ang unang dalawang anak ni AJ ay mula sa dati niyang karelasyong walang kinalaman sa showbiz.
At ang tatlo ay kay Aljur.
Aniya, “Aaminin ko na para matapos na."
Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica
