Nagluluksa ngayon ang Philippine film industry dahil sa pagpanaw ng veteran character actor na si Dido dela Paz at ng award-winning film editor na si Jesus "Jess" Navarro.
Parehong pumanaw ang dalawa kahapon, November 22, 2025.
Binawian ng buhay si Dido matapos ang pitong taong pakikipaglaban sa adenoid cancer. Siya ay 69.
Kinumpirma ng kanyang pamilya ang malungkot na balita sa pamamagitan ng social media post.
Read: Atty. Sandy Coronel passes away at 56
Nakasaad dito: "Dear family and friends,
"It is with great sadness that we inform you of the passing of Dido de la Paz. A father, a brother, and a friend to many.
"Further details regarding the wake will be posted on Monday. Thank you and God bless."

Hindi naman tinukoy ng pamilya ni Jess Navarro ang sanhi ng kanyang kamatayan nang ianunsiyo nila sa publiko ang malungkot na balita.
Nakasaad sa kanilang social media post: "It is with deep sadness that we share the passing of our beloved father, Jesus “Jess” Navarro, who peacefully joined our Creator on November 22, 2025.
"He will forever be remembered for his gentle heart, his stories, his passion for films, and the love he gave so freely to everyone around him."
Ibinahagi rin ng pamilya ng pumanaw ng veteran film editor ang detalye ng kanyang burol.
Si Jess ay pumanaw sa edad na 77.
Read: Ivan Cezar Ronquillo, boyfriend of Gina Lima, found dead at his home

DIDO DELA PAZ
Nagsimula ang acting career ni Dido dela Paz noong 1976 sa pamamagitan ng paglabas sa mga stage play ng Repertory Philippines Theater, Gantimpala, Teatro Pilipino, PETA, at iba't ibang theatre groups.
“First TV exposure ko sa Kahapon Lamang ni Eddie Ilarde noong 1978 bilang lover ni Odette Khan na pinatay ni Lito Legaspi,” kuwento ni Dido sa ekskusibong panayam sa kanya ni Jerry Olea ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 9, 2024.
“Nagkaroon ako ng commercial noon na ROYCO Chef sa Royco noodle soup, na nagkaroon ng cooking demo portion sa Eat Bulaga.”
Sa Cinemalaya 2017 indie filmfest ay itinanghal si Dido na best supporting actor para sa pelikulang Respeto, kung saan gumanap siya bilang Doc na mentor ng karakter ng rapper na si Abra.
Nagwagi rin siyang best supporting actor sa Asia-Pacific Film Festival 2018 para sa nasabing pelikula.
Pinuri rin ang kanyang pagganap sa Cinemalaya 2019 film na Edward bilang isang lolo na nakaratay sa ospital dahil sa tuberculosis.
Kabilang pa sa mga pelikulang nilabasan niya ang Moro (2022), Leonor Will Never Die (2022) The Heiress (2019), Oda Sa Wala (2018), Nilalang (2015), Amok (2011), Birdshot (2016), Serbis (2008), Sukob (2006), at marami pang iba.
Nakagawa rin si Dido ng foreign films.
Huli siyang napanood sa Cinemalaya film na Ginhawa noong 2022.
Read: Character actor Dido dela Paz pleads for financial support as he battles cancer
JESS NAVARRO
Si Jess Navarro ang isa sa most awarded film editors sa kasaysayan ng Pelikulang Pilipino.
Kabilang sa award-winning films na siya ang nag-edit ay ang Kisapmata (1981), Oro, Plata, Mata (1982), Batch '81 (1982), Broken Marriage (1983), Naked Island (1984), Sister Stella L (1984), Shake, Rattle & Roll (1984), Hinugot Sa Langit (1985), Scorpio Nights (1985), Unfaithful Wife (1986), Tagos ng Dugo (1987).
Nariyan din ang Hihintayin Kita Sa Langit (1991), Ikaw Pa Lang Ang Minahal (1992), Narito ang Puso Ko (1992), Saan Ka Man Naroroon (1993), Kung Mawawala Ka Pa (1993), Kailangan Kita (1993), Midnight Dancers (1994), Eskapo (1995), Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin (1995), Patayin Mo Sa Sindak Si Barbara (1995), Abot Kamay Ang Pangarap (1996), Bakit May Kahapon Pa (1996), Milagros (1997), Sa Puso ng Dagat (1998).
Kablang din sa kanyang film credit ang Jose Rizal (1998), Muro-Ami (1999). Deathrow (2000), Sidhi (2000), Bagong Buwan (2001), Dekada '70 (2002), Naglalayag (2004),Silip (2008), at Iadya Mo Kami (2017).
Noong 2005 ay ginawaran siya ng Natatanging Gawad Urian.
Naging Hall of Fame awardee siya sa Metro Manila Film Festivalnoong 2019 at sa FAMAS noong 2022.
Read: Who is Gina Lima, Vivamax model who suffered a tragic death?
