Engaged na sina Loisa Andalio, 26, at Ronnie Alonte, 29.
Matapos ang siyam na taong relasyon, nag-propose na ang aktor kay Loisa at nag-yes naman ang huli.
Ito ang isiniwalat ng celebrity makeup artist na si RB Changco.
Ito ay kasunod ng post ni Loisa ng larawan niya sa Instagram.
Sa kanyang close-up photo, makikita si Loisa na hawak ang alagang aso at agaw-pansin ang napakalaking diamond ring sa kanyang ring finger.
Walang anumang caption si Loisa, kaya naman ipinost ito ng celebrity vlogs at sa caption ay patanong kung engaged na ba siya kay Ronnie.
Read: Vice Ganda lectures netizen accusing him of disrespecting Thai artist
LOISA AND RONNIE ARE INDEED ENGAGED
Ang engagement ay kinumpirma ni RB sa kanyang Instagram post nitong November 22, 2025, Sabado.
Ipinost niya ang maiksing video na makikita ang isang babaeng may suot na engagement ring at hawak ang isang aso.
Sa caption at sa comment ay tinukoy ni RB na si Loisa ang babae at suot ang engagement ring ni Ronnie.
Sabi ni RB: “Nine years, long but worth every moment. She finally said yes, and all you survived together shines in every sparkle of that diamond.
“While so many drifted apart, you stayed strong.
“R2, you got the girl of your dreams, the one your heart always held onto.
“Thank you for letting me be part of this love story from day one. Here’s to the future as Mr. and Mrs. Alonte.”

Sa post naman ni Loisa ay nag-iwan ng komento si RB.
Mensahe niya kay Loisa: “Lois, you were always meant for a love this real.
"R2, you gave her exactly the love she’s always deserved [purple heart and ring emojis].
“I love you both very much.”

Read: Ellen Adarna shows convo with Derek Ramsay's ex-girlfriend
RB’S CONNECTION WITH RONNIE
Sina RB at Ronnie ay magpinsang buo. Ang nanay ni RB at tatay ni Ronnie ay magkapatid.
Si RB rin ang matiyagang tumulong kay Ronnie para makapasok sa showbiz.
Ikinuwento nila ito sa Magandang Buhay episode noong 2017.
Si RB ang nagpapasok noon kay Ronnie para magkaroon ng bit roles sa acting projects.
“Binibigyan ko siya ng bit roles para mag-umpisa siyang… para ma-feel niya from the bottom.”
Ipinagpapasalamat naman ni Ronnie ang pagkakataong ibinigay sa kanya ni RB.
“Sobrang laki ng tinulong sa akin nitong si RB, wala na akong masasabi.
“Di ko alam kung paano ko siya mapapasalamatan sa lahat ng ginawa niya sa akin.”
HOW THE COUPLE MET
Nagkaroon ng break si Ronnie nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2017.
Samantalang si Loisa naman ay naging bahagi ng Pinoy Big Brother: All In noong 2014.
Ang PBB ang naging ticket ng dalawa sa pagpasok nila sa showbiz at kalaunan ay naging bahagi ng Star Magic, ang talent management arm ng Kapamilya network.
Nagkatrabaho sila sa mga projects, nagkapalagayan ng loob, at nauwi sa relasyon.
