Umalma si Vice Ganda matapos siyang paratangan ng netizen na kinutya niya umano ang Thai singer performer sa katatapos lang na Miss Universe grand finals.
Dalawang beses nag-perform ang Thai singer-actor na si Jeff Satur sa international beauty pageant na ginanap sa Thailand nitong November 21, 2025, Biyernes.
Kumanta si Jeff sa swimsuit at evening gown portions.
Nag-react dito si Vice at nag-post sa X (formerly Twitter).
Reaction ni Vice: “Ay juliet juliet ang performer ha! Sana nagsabi kayo para pinapunta ko jan si Stell!”
Ang “juliet juliet” ay gay lingo na nangangahulugang “ulit-ulit,” at ang tinukoy niyang Stell ay member ng SB19.
Sumagot dito ang isang netizen. Reply nito kay Vice, “medyo nakaka offend po ah?”
Hirit pa ng netizen (published as is), “proud nga kami na nandun si Jeff tas iddisrespect niyo lng po?”
Kinastigo ang fan ng ibang netizens. Tinawag itong “sensitive” at pinapalaki ang maliit na isyu.
Sumagot muli ang fan sa ibang netizens. Sabi nito (published as is), “Nakaka offend po sa part na dinamay niya si Stell, if you hate me then go po idc I’m just saying my opinion eh.”


Read: Catriona Gray, Pia Wurtzbach very proud of Ahtisa Manalo
VICE GANDA RESPONDS
Sumagot din si Vice. Banat nito, ang fan ang nagbigay ng malisya sa kanyang tweet.
Reaction ni Vice (published as is), “Ha anong disrespect? I never said anything ill about the performer. It was you who chose to give it an ill meaning that’s why ur pissed.
“So kung nabadtrip ka e desisyon mo un. Di to gaslighting. Sa true lang tayo. Wag namang gawing big deal lahat ng joke!”
May iba pang sinagot na tweets si Vice subalit tila burado na ang mga ito. Pero ang mga sagot niya ay konektado pa rin sa paratang sa kanyang pinagtawanan ang Thai artist.
“Did i say anything bad about him? Juliet juliet means inulit. Masama yun? Yung ka OA-yan mo ang unacceptable!”
Pagpapatuloy ni Vice, “Grabe kung saan saan na umabot ung interpretation mo ghorl!!! Yan ang lalo mo ikakachaka yang pag gawa mo ng kakastressan!”
Saka binago ni Vice ang usapan at itinuon sa Miss Universe pageant.
Panghuling tweet ni Vice, “Lang kwentang issue!!! Balik tayo kay Ahtisa! Di nya deserve ang 3rd runner up mga ulul! Di pa talaga ko tapos! Napuyat ako e. Chozzzzz!!!!! Love you Ahtisa Manalo!”

