PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jessica Soho guarantees KMJS’ Gabi ng Lagim movie is relevant

Jessica Soho: "We made sure na relevant. Hindi lang ito mananakot na pelikula."
by Arniel C. Serato
Published Nov 21, 2025
Jessica Soho says KMJS' Gabi ng Lagim is "relevant" to our lives
Award-winning journalist Jessica Soho on KMJS' Gabi ng Lagim The Movie: "Suntok sa buwan po itong pelikulang ito para sa KMJS kasi we were doing "Gabi ng Lagim" for 13 years now. Tapos nung ika-10th year namin, sinabi lang namin, parang wild idea lang, 'Ano kaya balang araw ilagay ito sa pelikula?' So, ito na nga yun."
PHOTO/S: PR Photo

Tinitiyak ng mga nasa likod ng KMJS' Gabi ng Lagim The Movie na lalong pinaganda sa pelikula ang ilang kuwentong hango sa Halloween special ng long-running magazine show ni Jessica Soho sa GMA-7.

Ayon kay GMA Network Senior Vice-President at GMA Pictures President Annette Gozon-Valdes, maraming una sa pelikula.

Saad niya: "Napakadaming first sa pelikula na ito. Ito ang first trilogy na horror ng GMA Pictures.

"Ito rin ang pinagbibidahan ng mga best of the best na Sparkle artists ng GMA.

"And what makes this film really momentous is that Ms. Jessica Soho has met Kapuso Mo, Jessica Soho through this movie.

"Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ang number one TV show running for so many years now.

"At ang 'Gabi ng Lagim' ay isa palagi sa highest-rating episodes for the year.

"Kaya it's such an honor and privilege to have a movie carried by Kapuso Mo, Jessica Soho's Gabi ng Lagim."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
GMA Network Senior Vice-President Annette Gozon-Valdes at the KMJS' Gabi ng Lagim The Movie media conference.
GMA Network Senior Vice-President Annette Gozon-Valdes at the KMJS' Gabi ng Lagim The Movie media conference.
Photo/s: PR Photo

Rebelasyon naman ni Jessica, hindi niya pinangarap magkaroon ng pelikula ang sikat na segment ng kanyang programa sa telebisyon.

Lahad niya: "Suntok sa buwan po itong pelikulang ito para sa KMJS kasi we were doing 'Gabi ng Lagim' for 13 years now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos nung ika-10th year namin, sinabi lang namin, parang wild idea lang, 'Ano kaya balang araw ilagay ito sa pelikula?' So, ito na nga yun."

Dagdag pa ni Jessica, "Ni sa hinagap, hindi ito pinangarap. Pero yung staff kasi ng KMJS are very creative, ang gagaling nila."

Ang mga kuwento raw na nakapaloob sa pelikula ay totoong naranasan ng mga tao.

Aniya: "Ito namang mga kuwentong itatampok namin dito sa KMJS' Gabi ng Lagim The Movie, talaga namang solid at ipinagmamalaki namin kasi pinaghirapan at binusisi.

"At ang nakakatakot dito, hindi ito galing lang sa figments of imagination or fiction lang siya.

"Ang nakakatakot dito, nangyari ito sa totoong buhay or inspired by real events."

Read: Catriona Gray, Pia Wurtzbach very proud of Ahtisa Manalo

Jessica soho talks about the trilogy in KMJS' Gabi ng Lagim

Ano ba ang mga kuwentong nakapaloob sa pelikula?

Pagbabahagi ng award-winning broadcast journalist: "Ang Gabi ng Lagim kasi na ginagawa namin sa TV, ganun din, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, I suppose na-carry over natin to the big screen.

"And may mga iba na rin tayo napapanood na movies, di ba, na laging nagkakaiba. So, siguro inaaral na lang nila ano yung tamang mix.

"Or siguro it's also a matter of ano yung kailangang magandang story, which was the result na na-call out natin o story which is from our followers mismo. The stories determine the lineup."

Dagdag pa ni Jessica, ang staff mismo ang namili ng tatlong istorya para isapelikula.

Ang KMJ's Gabi ng Lagim ay may tatlong istorya: ang "Pocong" na pinagbibidahan ni Miguel Tanfelix; ang "Sanib" na si Jillian Ward ang bida; at "Berbalang" nina Sanya Lopez at Elijah Canlas.

Ang "Pocong" ay tumatalakay sa isang seaman kung saan sa kanyang unang paglawig sa barko ay nakaranas siya ng kakaibang pagpaparamdam.

Base ito sa Indonesian ghost stories at Malay foklore.

Ang "Sanib" naman ay tungkol sa isang kabataang babae na sinaniban ng kakaibang demonyo. Kasama rin sa istorya ang tungkol sa isang priest-in-training na pilit na nilalabanan ang kasamaan at kabutihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ang "Berbalang" ay tungkol sa klase ng aswang na kumakain ng bangkay.

The cast of KMJS's Gabi ng Lagim (L-R) Kristoffer Martin, Miguel Tanfelix, Sanya Lopez, Therese Malvar, and Rocco Nacino with Miss Jessica Soho (center).
The cast of KMJS's Gabi ng Lagim The Movie (L-R) Kristoffer Martin, Miguel Tanfelix, Sanya Lopez, Therese Malvar, and Rocco Nacino with Miss Jessica Soho (center).
Photo/s: PR Photo

Naitanong naman kay Jessica kung may cameo ba siya o short appearance sa mga istorya ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pabirong sagot niya: "Ako? Masama akong umarte.

"Kasi alam ko yun, as a matter of fact. Kasi pag pinapagawa ka nila ng mga plug, ako yung pinakamaraming take.

"Pag sa memorization, take one lang ako minsan. Magaling ako diyan. Pero yung pag-arte, pag-project, mahina ako diyan."

Nakausap ng ilang press, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Jessica sa grand mediacon ng KMJS' Gabi ng Lagim The Movie noong November 18, 2025 sa Quezon City.

Read: Jessica Soho compares corrupt government officials to vampires

JESSICA SOHO: "Hindi lang ito mananakoT na pelikula."

Sinisigurado ni Jessica na may mapupulot na aral at leksiyon sa pelikula.

Pahayag niya: "We made sure na relevant. Hindi lang ito mananakot na pelikula.

"Pag-iisipin ka rin niya, kasi yung internal struggle natin tulad nung sinasabi ni Direk Dodo [Dayao] na yung pagbuo nung characters in the movie.

"Di ba, pag ikaw kasi mahina ka, mas vulnerable ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos marami rin tayong pinagdadaanan araw-araw. Ang dami nating problema, suliranin.

"E, lahat yan in the context na nangyayari din sa ating mang mundo.

"So, if you're forced into a situation like the character of Miguel, si Mark na seaman abroad, mag-iisip ka talaga, magkakaroon ka talaga ng internal struggle. So that came into play.

"Like I've always said na sa KMJS, dapat yung mga istorya namin may integrity.

"Meaning, irespeto natin yung istorya mismo. Yun, I think na-carry over dito sa movie.

"Totoong nangyari yung mga kuwento. Hindi lang siya kathang-isip or in-imagine lang.

"Totoong nangyari. Dahil totoong nangyari, irespeto natin at i-preserve natin yung integrity lang ng kuwento."

Saad pa ni Jessica, kapag maligalig ang isang tao, mas vulnerable itong makaranas ng kakaibang pangyayari sa buhay.

"Oo, yun yung karakter ni Jillian, e, di ba?

"Na parang hindi siya okay. Mayroon siyang mga pinagdadanan.

"So, mas naging vulnerable siya na saniban. Hindi lang isa ha, marami yung sumanib sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, again, all these in the context of after the pandemic, daming natatakot sa atin.

"Yung mga bata, dami rin nagpapaligalig sa kanila with all of the social media platforms.

"So, alam mo yun, ang hirap sigurong maging Gen Z ngayon. So much is expected from them.

"Kasi masyado silang woke. Ang gagaling nila kasi nga with all of this technology available at the swipe of their fingers.

"At the same time, maligalig yung isip nila with all of the information. So, mas mahirap nilang i-manage yung sarili niyan.

"Plus, may mga pinagdadaanan rin sila becoming an adult, di ba?

"May mga uncertainties and anxieties sa buhay. Lahat naman tayo mayroon niyan.

"Pero alam natin na mas mahirap pagka bata tapos transition ka into an adult.

"Tapos with all of this social media now, nabu-bully sila, at the same time triggered sila with issues, kasi yun yung mundo nila, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, sinasabi rin natin sa kanila, 'Kayo yung magiging kinabukasan ng mundo, ng lipunan natin. So you have to be aware of all these things happening.'

"So, I sympathize and empathize with the Gen Z audience now.

"Kailangan lang ma-manage nila, mahanap nila ang tamang balanse sa mga pinagkakaabalahan niila."

Sa November 26 na ang showing sa mga sinehan ng KMJS' Gabi ng Lagim The Movie.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning journalist Jessica Soho on KMJS' Gabi ng Lagim The Movie: "Suntok sa buwan po itong pelikulang ito para sa KMJS kasi we were doing "Gabi ng Lagim" for 13 years now. Tapos nung ika-10th year namin, sinabi lang namin, parang wild idea lang, 'Ano kaya balang araw ilagay ito sa pelikula?' So, ito na nga yun."
PHOTO/S: PR Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results