(UPDATED) Pasok na sa finale round ng Miss Universe 2025 ang pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo.
Kasalukuyang ginaganap ang Miss Universe 2025 sa Impact Challenger Hall sa Pak Kret, Nonthaburi, Thailand, nitong Biyernes, November 21, 2025 (Philippine time).
Isa si Ahtisa sa mga mapalad na kandidatang nakaabante sa Top 5 ng prestigious pageant.

Kasama niya sa Top 5 sina Miss Thailand Praveenar Singh, Miss Venezuela Stephany Abasali, Miss Mexico Fatima Bosch, at Miss Cote D'Ivoire Olivia Yace.
Silang lima ang haharap sa first round ng question and answer para sa pinakahihintay ng Top 3.
Mahigit 120 kandidata mula sa iba't ibang bansa ang naglalaban-laban ngayong taon sa prestigious international beauty pageant, kasama na rito si Ahtisa na naghahangad maiuwi ang ikalimang Miss Universe crown para sa bansa.
Read: Miss Universe 2025 candidates dazzle in Filipino-designed gowns

Simula pa lamang ng kompetisyon ay ipinakita na ng Quezon Province beauty queen ang kanyang galing, kaya naman marami sa Pinoy pageant fans ang kumpiyansang aabot siya hanggang sa Top 5 o finale round, kunsaan niya ipapamalas ang kanyang talino sa pagsagot sa mga tanong ng judges.

Narito ang mga bansang pasok sa Top 12:
1. Chile
2. Colombia
3. Cuba
4. Guadaloupe
5. Mexico
6. Puerto Rico
7. Venezuela
8. China
9. Philippines
10. Thailand
11. Malta
12. Cote d'Ivoire
MISS UNIVERSE 2025 TOP 30
Bago ang Top 12, nauna nang nakapasok si Ahtisa sa Top 30 dahil sa galing niya sa pagrampa at kanyang kumpiyansa.
Narito ang mga bansang naging kasama niya sa Top 30:
1. India
2. Guadeloupe
3. China
4. Thailand
5. Dominican Republic
6. Brazil
7. Rwanda
8. Cote d'Ivoire
9. Colombia
10. Netherlands
11. Cuba
12. Bangladesh
13. Japan
14. Puerto Rico
15. USA
16. Mexico
17. Philippines
18. Zimbabwe
19. Costa Rica
20. Malta
21. Chile
22. Canada
23. Miss Universe Latina
24. Croatia
25. Venezuela
26. Guatemala
27. Palestine
28. Nicaragua
29. France
30. Paraguay
