Si Fatima Bosch ng Mexico ang itinanghal na Miss Universe 2025.
Tinalo ni Fatima ang iba pang 119 candidates sa Miss Universe 2025 grand coronation na ginanap sa Impact Challenger Hall, Pak Kret sa Nonthaburi, Thailand, ngayong Biyernes, November 21, 2025.
Hinirang na first runner-up si Praveenar Singh ng Thailand.
Second runner-up si Stephany Abasali ng Venezuela.
Ang pambato ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo ang third runner-up.
Fourth runner-up si Olivia Yace ng Côte d' Ivoire.
Isang pageant veteran, si Ahtisa ay first runner-up sa Miss International 2018 at umabot sa Top 10 ng Miss Cosmo 2024.
Inihayag ni Ahtisa na ito na ang kanyang huling pageant na sasalihan.
Samantala, matatandaang nadawit sa kontrobersiya si Fatima sa isang event ng Miss Universe sa Thailand, matapos niyang makasagutan si Nawat Itsaragrisil.
Si Nawat ang Miss Universe vice-president for Asia and Oceania, at head of the MUO organizing committee.
Read: MUO President condemns Nawat's treatment of Miss Universe Mexico
MISS MEXICO'S FINAL ANSWER
Sa question-and-answer portion, isa-isang sumagot ang Top 5.
Ang final question: If you win the title of Miss Universe tonight, how would you use this platform to empower young girls?
Sagot ni Miss Mexico: "As Miss Universe, I will say to them, believe in the power of your authenticity. Believe in yourself. Your dreams matter. Your heart matters.
"And no, never let anyone make you doubt about your worth, because you're worth everything. And you are powerful, and your voice needs to be heard. Thank you."
Ang nagpasa ng korona ay si Miss Universe 2024 Victoria Theilvig ng Denmark.
Read: Who is Ahtisa Manalo, Miss Universe Philippines 2025?
MISS MEXICO SAYS NAWAT CALLED HER 'DUMB'
Noong unang linggo ng November 2025, nagkaroon ng pulong si Nawat kasama ang candidates bago sana gawin ang sashing ceremony ng mga kandidata.
Pero sa pagpupulong ay kinastigo umano ni Nawat si Fatima dahil hindi raw ito sumusunod sa utos na mag-post sa social media para mag-promote sa ongoing events ng international pageant.
Nakunan ng video ang pangyayari at mababakas sa mga salita ni Nawat na may isyu siya sa Miss Universe Mexico Organization. Mistulang inilabas ni Nawat ang galit niya kay Fatima.
Hindi naman nagpatinag ang kandidata at sumagot ito kay Nawat.
Lumabas ito sa venue na umiiyak, naharang ng mga pageant enthusiasts at na-interview.
Isiniwalat ni Fatima sa interview ang panig niya sa nangyari. Aniya rito, tinawag umamo siyang "dumb" ni Nawat at hindi niya iyon mapapalampas.
Pahayag ni Fatima: "I truly love Thailand. I have so much respect for all of you, and I believe you are amazing people. But what your director, Nawat, just did was not respectful.
“He called me ‘dumb’ because of his issue with the organization, and I think that’s unfair. I believe the world needs to hear and see this, because we are all empowered women.”
Diin pa ni Fatima ang dapat ay maging "platform" ang Miss Universe para ilabas ang boses ng mga kandidata at hindi para patahimikin sila.
Kinondena hindi lamang ng Miss Universe Mexico Organization ang ginawa ni Nawat.
Lumikha rin ito ng isyu sa loob ng Miss Universe Organization (MUO) at nagsalita ang MUO para punahin ang ginawa ni Nawat at ayusin ang internal issue.
Read: Is Miss Mexico still joining after tension in Miss Universe?
