Sa isang pambihirang pagkakataon ay nagkrus ang mga landas nina Ellen Adarna at Joanne Villablanca.
Pareho silang may kaugnayan sa aktor na si Derek Ramsay.
Si Ellen ang kasalukuyang asawa ni Derek, na ex-boyfriend naman ni Joanne.
Kasalukuyang dumadaan sa problema ang pagsasama nina Ellen at Derek.
Nangyari ang pagtatagpo nina Ellen at Joanne sa art exhibit ng sikat na Filipino artist na si Jigger Cruz sa Metropolitan Museum sa Maynila.
Sa Instagram Story ni Ellen ngayong Miyerkules, November 19, 2025, nag-post si Ellen ng larawan niya kasama si Joanne.
Sabi ni Ellen sa caption: "Hi friend @villablancs [laughing in tears emoji]"

Ni-repost naman ni Joanne ang larawan nila ni Ellen.
Caption niya: "Well, fancy seeing you here! [laughing emoji]"

Read: Ellen Adarna disputes Derek Ramsay’s "never cursed my wife" claim
JOANNE VILLABLANCA AND DEREK RAMSAY'S RELATIONSHIP
Si Joanne ay nakarelasyon ni Derek bago ang pandemic.
Anim na taon ang itinakbo ng relasyon nina Joanne at Derek, kung saan nagsama rin sila sa iisang bubong.
Ngunit noong June 6, 2019, diretsahang inamin ni Derek sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tinuldukan na nila ni Joanne ang kanilang relasyon.

Sabi noon ni Derek, “Yes, we have broken up. It's all for the best."
Sinegundahan naman ni Joanne ang ex-boyfriend sa kanyang sagot sa PEP tungkol sa hiwalayan.
Pahayag ni Joanne, “Yes, we’re not together na po.
“Sorry, but I’d rather not comment about the break up…”
ANDREA TORRES-DEREK RAMSAY'S RELATIONSHIP
September 25, 2019, umamin naman si Derek na karelasyon na niya noon ang katambal niya sa defunct drama series na The Better Woman na si Andrea Torres.

Read: Derek Ramsay at Andrea Torres, umamin na tungkol sa kanilang relasyon
October 2020 naghiwalay ang dalawa.
Read: Andrea Torres moved on after breakup with Derek Ramsay
ELLEN AND DEREK'S RELATIONSHIP
Nagsimula naman ang pagkakaibigan nina Derek at Ellen noong January 2021.
Inimbitahan ni Derek sa kanyang bahay sa Ayala Alabang sina Ellen, John Estrada, at Ruffa Gutierrez dahil nadiskubre ni Derek na magkapitbahay lamang sila ni Ellen.
Doon nagsimula ang pang-iintriga sa dalawa, na noong una ay parehong todo-tangging may namamagitan sa kanila na higit pa sa pagkakaibigan.
Pero naging madalas ang kanilang bonding at hindi nila ito itinago.
Madalas idaan ng dalawa sa Instagram Story ang kanilang pagkakamabutihan.
Hanggang noong February 26, 2021, inamin nina Derek at Ellen sa PEP na may relasyon na sila.
Read: LOOK: Derek Ramsay and Ellen Adarna confirm relationship

Ikinasal sina Ellen at Derek noong November 11, 2021.
Ngunit makaraan lamang ang apat na taong pagsasama bilang mag-asawa ay mukhang mauuwi na ito sa hiwalayan.
Read: Awesome details at ultra chic Ellen Adarna-Derek Ramsay wedding
