Ibinunyag ni Angelica Panganiban na may kasunduan sila ng asawa na si Gregg Homan kung paano niya babalansehin ang kanyang schedule sa pamilya at trabaho.
Lalo na't may three-year-old daughter na sila, si Amila Sabine Homan.
Kuwento ni Angelica pantungkol kay Gregg: "Sobra naman talaga siyang supportive. Ang mahirap lang sa amin is...
"Well, ako, ay hindi ko kaya, of course, mag-back and forth dahil sa Olongapo kami nakatira.
"Hindi biro yung biyahe na imbes na ipahinga mo na, ibabiyahe mo pa, di ba?
"So, ang nangyayari, so magsi-stay ako sa bahay namin sa Manila and maiiwan sila sa Subic. So nahihirapan ang katawan ko.
"E, hirap naman na six days, five days akong wala doon sa tabi nila. So, ang naging deal lang naman niya ay, 'Puwede bang three days lang?'"
Tutok daw kasi sila sa pag-aalaga sa anak.
Paliwanag pa ng aktres: "Kasi nahihirapan din siya. Parang napapansin daw niya sa ika-apat na araw, napapatulala na yung bata. So, parang nagsusungit na rin siya.
"Parang kailangan na daw niya yung magbanyo na mas matagal.
"Ako naman, naaliw lang ako kasi parang ganun talaga yun. Kasi, ako kasi talaga yung present parent dahil na siya, nagwu-work siya ng eight-to-five ang work niya.
"So, pag nasa work siya, of course, nasa bahay ako. So, ano siya, yun lang hiniling niyang deal.
"Parang, 'Kasi naman puwede naman talagang bumalik sa work. Pero, puwede bang yung three days straight? Tapos pagkatapos, umuwi ka dito. Tapos, dito ka nang matagal, four days. Tapos shoot ka ulit ng three days.'"
Masuwerte naman daw siyang nag-adjust ang production sa kanyang schedule.
Aniya, "So, naging very, very understanding naman yung buong pelikula.
"Agad-agad kaming nag-adjust ng schedule namin kasi nga, sabi ko, 'Pasensya na. Ito una kong project nung ako ay nagkapamilya na. At kinakapa talaga namin kung paano magiging dynamics namin.'"
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang invited media si Angelica sa pictorial ng UnMarry noong November 15, 2025, na ginanap sa Big Head Studios, Mandaluyong City.
Kasama ni Angelica sa pictorial ang co-star niyang si Zanjoe Marudo at direktor nilang si Jeffrey Jeturian.

Read: Gladys Reyes, may pahayag sa pagsali niya sa INC rally
Angelica panganiban on showbiz comeback
Ang huling movie ni Angelica ay ang Love or Money noong 2021.
Ano ang nagpapayag sa kanya upang muling gumawa ng pelikula?
Sagot ni Angelica: "Nag-iba talaga ang takbo ng buhay, e. Naging mas totoo, e.
"Ang dami kong nararamdamang totoo lang sa life this past year sa buhay ko.
"So, nung babalik ka sa mga movie and, kumbaga, may mga emotions kang hinahalungkat, kakaibang experience pa rin talaga siya.
"Kakaibang high pa rin naman. Talagang ang sarap pa rin sa pakiramdam kapag nagagawa mo yung isang bagay that you are very passionate about.
"But, at the end of the day, fulfilled, pagod but fulfilled ang pakiramdam."

Paano niya naisip na ito na ang tamang oras para sa kanyang showbiz comeback?
Marami kasi ang nagsasabing baka ayaw na niyang umarte sa pelikula at telebisyon noong nagkaanak na sila ni Gregg.
Paliwanag naman ni Angelica: "Siguro, nagsunud-sunod lang yung nangyari sa akin. I got pregnant.
"And then, gusto ko talaga mag-focus doon sa pagiging nanay dahil may kanya-kanya naman tayong mga panahon, di ba?
"And I really believe na all my life since I was six years old—I'm 39 now.
"So, parang since six years old akong nag-a-artista na ako, nagtatrabaho na ako.
"So, nung nabigay sa akin yung time to pause and time to parang nurture being a mom, ibinuhos ko talaga doon."
Taong 2022 nang ipinanganak ni Angelica si Baby Amila.
Taong 2024 ay handa na raw sana magbalik-showbiz si Angelica pero naantala ito nang ma-diagnose siya ng avascular necrosis na isang painful bone condition.
Read: Angelica Panganiban chronicles hip replacement surgery
Lahad niya: "And then nung parang finally okay na, parang, since two years old na siya [Amila], I was diagnosed with avascular necrosis.
"And slowly nag-deteriorate yung katawan ko hanggang hindi na ako makalakad.
"I was on a walker and then napunta na nga sa wheelchair.
"And then I had to do so many surgeries for the compression, hip replacement on my left side and then on my right. And then nag-recover pa.
"So, ang dami talagang pinagdaanan. Kaya medyo natagalan yung pagbalik."
ON FINDING THE RIGHT PROJECT
Aminado rin siyang medyo nakaramdam siya ng inggit sa ibang artista na nakikita niyang umaarte sa telebisyon o pelikula.
Sabi pa niya: "But lahat naman habang pinagdadaanan ko yung mga iyon, lagi akong may longing na, hindi lang longing, inggit din sa iba mong nakakatrabaho.
"Sa ibang mga artista, di ba, nagkakaroon sila na parang, 'A, gusto ko yung ginagawa nila, nami-miss ko na,' ganun.
"So, nung may mga projects na ini-offer, parang naghihintay lang din talaga ako ng tamang project na magpapa-oo sa akin."
Gusto lang daw niya masigurong tama ang project.
"Kasi gusto ko talaga yung habang ginagawa ko yung project, sandaang porsiyento ako doon at hindi ko na nararamdaman na, 'Bakit ako nandito? E, ang saya-saya ng buhay ko doon kasama ang mag-ama ko.'
"So, kailangan worth it na worth it yung pakiramdam.
"Yun nga, kumpletong-kumpleto yung pag-oo mo. Talagang isandaan para wala ka kahit one percent na regret, e. Na kahit makaramdam ka ng pagod, overwhelming yung pakiramdam."
Ipapalabas ang UnMarry sa December 25, kasabay nang pagsisimula ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025.
Read: Zanjoe Marudo describes friendship with Angelica Panganiban
