Usap-usapan ngayon sa social media ang pagsisiwalat ni Ellen Adarna na nagtaksil umano sa kanya ang asawang si Derek Ramsay.
Ito ay sa gitna ng balitang hiwalay na sila matapos lamang ng mahigit apat na taong pagsasama bilang mag-asawa.
Nagpakasal sila noong November 11, 2021.
Read: Balitang hiwalay na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, fake news?
Ngayong Lunes, November 17, 2025, makahulugan ang ipinost ni Ellen sa kanyang Instagram Stories.
Nakasaad dito (published as is): "The audacity. Wow. The Audacity era. Wow. Sad boi era. Wow. Victim. Wow. Sympathy fishing #manchild."

Kasunod nito ang screenshoots ng naging palitan umano ng mensahe ni Derek at ng kanyang "side chick" noong February 13, 2021, kunsaan sina Ellen at Derek ay magkasintahan na.
"Fyi. We were officially together Feb 4, 2021. Nanahimik ka na lang sana. Because ive got receipts. This is just the beginning," matapang na deklarasyon ng dating aktres.

Mababasa sa isiniwalat na screenshots ni Ellen ang umano'y pangungulit at paulit-ulit na pagte-text at pagtawag ni Derek sa iba't ibang messaging platforms sa kanyang pinaghihinalaang kalaguyo.
Bagay na hindi raw alam noon ng Cebuana actress, kung hindi lang ito isinumbong sa kanya tatlong linggo bago niya ibunyag ngayong araw ang pagtataksil ng kanyang mister.
Sabi niya, "I found out about it three weeks ago, this month only. May nagsumbong sa akin."
Ellen says she DISCOVERED Derek’s alleged infidelity 3 weeks ago
Sa isang video sa Instagram, inamin ni Ellen na taon ang inabot bago niya madiskubre ang umano'y panloloko sa kanya ni Derek.
Nagulat daw si Ellen sa kanyang nadiskubre.
Hindi raw tuloy niya maiwasang isipin na kung nagawa iyon ni Derek noong nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon, hindi siya magtataka kung naulit ito noong sila ay mag-asawa na.
Read: Ellen Adarna laughs off rumor linking Sarah Lahbati to marital woes
Saad ni Ellen: "That was nine days, ten days into the relationship. Yes, we're not married that time yet but if he was able to do that in our honeymoon stage, how much more— three months, six months, a year. God knows.
"Usually yung mga babaero if they can find someone at nasa honeymoon stage, makakalimutan nila yung mga side chicks nila.
"And they will return to their old ways maybe a month, but this is nine days. So God knows kung ano pa yung iba.
"I'm amazed, it's talent, nine days, it's skilled, wow hands down."
Read: Ellen Adarna denies claim on why she did not marry John Lloyd
Hindi pinangalanan ni Ellen ang naging babae umano ng kanyang mister. Abiso raw kasi ng kanyang legal counsel na panatilihing pribado ang pagkakakilanlan nito.
Pero paglilinaw niya, wala sa mga babaeng nakarelasyon noon ni Derek ang tinutukoy niyang kalaguyo ng aktor habang sila ay magkarelasyon.
Read: Derek Ramsay history of ending relationship with ex-girlfriends
Saad ni Ellen: "As much as I want to reveal who this girl is, I cannot—my lawyers advised me not to. I could get in trouble.
"To clarify, she’s not an ex-girlfriend; [I think] she’s a side chick, not an ex-girlfriend.
"Kawawa naman yung mga ex-girlfriend na walang kinalaman.
"But I know this girl has always been there—they’ve been friends for a decade."
Ellen says she wouldn’t have married Derek if she knew
Sa isa pang video, matapang na sinagot ni Ellen ang tanong ng kanyang followers tungkol sa pagbigay niya ng second chance.
Dito walang habas na sinabi ng aktres na kung noon pa'y nalaman niya ang pagtataksil umano sa kanya ni Derek, hindi niya ito napatawad.
"Hell no. If I knew about this before we got married, no, hell no," pahayag ni Ellen kasunod ng pagkanta niya sa verse 1 ng kanta ni Ariana Grande na "Break Free" habang nakataas ang kanyang middle finger.
Isa pang IG Story ang ipinost ni Ellen na tila pasaring niya kay Derek.
Nakasulat ito sa wikang Bisaya, na kung ita-translate sa Tagalog ay: "Wag kang masyadong bait-baitan sa posts mo, kasi baka account mo lang mapunta sa langit."
Read: Derek Ramsay calls out Philmar and Andi; defends Pernilla
Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang reaksiyon ni Derek sa mga rebelasyon ni Ellen, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya sumasagot sa ipinadala naming text at Instagram message.
