Lagpas isang dekada na ang pagkakaibigang Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban.
Itinuturing nila ang kanilang mga sarili na "best friends for life."
Kuwento ni Zanjoe, "Yung first movie namin, One More Try (2012), MMFF rin with Dingdong Dantes and Angel Locsin."
Bukod pa rito, matagal din silang nagkasama sa Banana Split.
"So, ang dami na naming pinagdaanan pagdating sa trabaho. Pero ngayon mas iba kasi comeback movie niya.
"And then, ngayon lang ulit kami magkakatrabaho after Playhouse (2018).
"Before pandemic nangyari."
Ngayon, muli silang magkatambal sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 entry ng Quantum Films na UnMarry.
Saad ng aktor: "Exciting dahil yung team halos parehas yung staff, kasama na rin namin before.
"Siguro ang difference ngayon mas naintindihan na talaga namin kung ano yung mga emotions ng isang bilang isang magulang.
"Compared nung gumawa kami before nung mga project na mga parents din kami doon, pero wala pa naman, di pa naman alam ang pagiging parents nung time na yun.
"So, ngayon mas mabilis namin nagagawa yung mga scenes ng mas malinaw. Mas malinaw yung emotion na ipapakita kasi may experience na kami."
Kahit close na close sila, hindi raw ito umabot sa totohanang romance.
Paliwanag niya: "Nung taong gumagawa kami ng Playhouse, doon talaga kami naging super close. Close na kami.
"Totoo talaga naman na gusto naman talaga namin ang isa't isa bilang tao, comfortabe na kami sa isa't isa, e.
"Wala naman kaming kumbaga, inhibitions pagdating sa sa pag-arte. Kahit sa off-cam, on-cam kasi gusto namin kasama yung isa't isa, e.
"Barkada talaga kami. Hanggang sa nagkaroon siya ng pamilya. Nagkaroon ako ng pamilya. Hindi kami nawalan ng contact."
Ito daw yung klaseng pagkakaibigan na alam niyang tatagal.
Dagdag pa ni Zanjoe: "Yun ang masarap na... alam mong walang katapusan.
"Alam mong aabot kayo hanggang pagtanda niyo. At mahirap makahanap ng ganung tao.
"Kaya, grateful and thankful ako na na-meet ko si Angelica. Hanggang ngayon, nakasama ko. Sa 20 years ko sa industriya."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang invited media si Zanjoe sa pictorial ng UnMarry noong November 15, 2025.

Ginanap ang pictorial sa Big Head Studios, Mandaluyong City.
Read: MMFF 2025 official entries: Horror, comedy, drama, thriller
ZANJOE MARUDO ON BEING A FATHER
Lagpas isang taon na si Sabino, anak nina Zanjoe at Ria Atayde.
Ano ang natuklasan niya sa sarili bilang ama ngayon?
Sagot ni Zanjoe: "Marami, e. Akala ko noon, kuntento na ako sa buhay ko na, na okay naman ako sa career ko.
"Okay naman yung personal life ko. Pero noong maging tatay ako, nag-asawa ako, nagkaroon ng mas malalim na meaning talaga lahat ng bagay.
"Siguro yung mga na-realize ko, mahirap siya. Pero yung mga klaseng makahirap na gusto mong pagdaanan kasi ito yung magpapatibay, e.
"Ito rin yung mga puwede kong ipasa sa anak ko balang araw. Yung mga experiences na pinagdaanan ko na ipapasa ko sa kanya para matutunan din niya."
ON HIS ROLE IN UNMARRY
Tumatalakay ang pelikulang UnMarry sa mga pinagdadaanan ng isang mag-asawa na sumasailalim sa annulment process.
Ano ang nagtulak sa kanyang tanggapin ang pelikula?
Unang-una raw na nakapagpapayag sa kanya ay nung sinabi nilang si Angelica ang kanyang makakapareha.
Pero nakaramdam din daw siya ng pressure dahil sa tema ng pelikula.
Lahad niya, "Of course, meron konting pressure dahil ang tagal naming hindi gumawa together.
"Ang tagal ko ring hindi gumawa ng TV. So, medyo malaking project. Sa tingin ko naman ay maayos naming natapos at nag-enjoy kami sa pagbuo ng ganitong klaseng istorya.
"Alam naming marami ang makaka-relate. Maraming matutunan talaga. Lalo na yung mga kaedad namin, yung mga generation namin na nasa sitwasyon na ng paglihiwalay or ng pagbuo ng pamilya o nagiging magulang.
"Sa tingin ko, yung pelikulang ito ay sasalamin talaga sa mga reyalidad na nangyayari sa atin.
"Hindi siya yung kumbaga fantasy na storya na ibibigay natin sa tao. Realidad to na talagang tatama."
ON ANNULMENT
Ano naman ang opinyon niya sa usapin ng divorce at annulment sa bansa?
Sagot ni Zanjoe: "Mahirap, e. Mahirap ang annulment. Opinion ko, Oh my God! Mahirap magsalita para sa lahat but para sa akin... Di siya pumapasok sa isip ko ngayon, e.
"Ngayon palang ako mag-iisip ng opinyon ko.
"Kaya hindi siya pumapasok sa isip ko. Di siya papasok, sana sa isip ko at di na sana mangyayari yun sa amin at sa amin.
"Kasi andun ako sa ka-focus kung paano pasasayahin at kung mas paano yung gagawin kung paano mas masaya yung pamilya at buhay namin. Kaya yun."
Ipapalabas ang UnMarry sa dating na Pasko, December 25, 2025.
