PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo shows all-out affection for boyfriend Vincent Co

Bea Alonzo kisses boyfriend Vincent Co at her mother's birthday party.
by Rachelle Siazon
Published Nov 14, 2025
Bea Alonzo shows all-out affection for boyfriend Vincent Co
Bea Alonzo and boyfriend Vincent Co are inseparable at the birthday party of Bea's mother.
PHOTO/S: CTTO / Bea Rose (center)

Kitang-kita ang sweetness sa pagitan ng magkasintahang Bea Alonzo, 38, at Vincent Co, 45.

Kumalat sa social media ang ilang video na kuha sa birthday celebration ng ina ni Bea na si Mary Anne Ranollo.

Ginanap ang okasyon sa isang music bar sa Quezon City.

Habang may pinapanood na performance sa bar ay nakatayo ang couple. Nasa likod ni Vincent si Bea na nakayakap sa baywang ng binata.

May isa ring video na magkaharap naman ang dalawa. Nakayap si Bea sa leeg ni Vincent, at si Vincent ay nakayakap sa baywang ni Bea.

May isang puntong masuyong hinalikan ni Bea sa lips si Vincent.

Nakasuot si Bea ng simpleng black T-shirt at black pants, habang si Vincent ay naka-white shirt, pants, at cap.

Mahigit pitong buwan na ang nakalipas mula nang unang makarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagde-date nina Bea at Vincent.

Read: Bea Alonzo: A leading lady in her lush oasis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEA ALONZO AND VINCENT CO'S RELATIONSHIP

Last week of April 2025 nang maiulat ang tungkol sa pagkakamabutihan nila matapos kumalat ang post ni Vincent na magkasama sila ni Bea sa Spain.

Mula noon ay madalas naiiulat ang sightings sa couple. Mahihinuhang alaga nang husto ni Vincent si Bea dahil madalas na nakikitang sinasamahan niya si Bea kahit sa mga work commitments nito abroad.

Minsan na ring naiulat ng PEP Troika sa PEP.ph na nagpadala pa ng chopper si Vincent para sunduin si Bea nang magkasakit ang aktres habang nasa Siargao noong summer time.

Read: WHAT PEP KNOWS: Is Bea Alonzo dating Puregold scion Vincent Co?

Namataan din si Vincent na sinundo si Bea pagkatapos dumalo ng aktres sa GMA Gala sa Manila Marriott Hotel noong gabi ng August 2.

August 2 din nang kumpirmahin ni Bea sa panayam ng GMA News na magkasintahan nga sila ni Vincent.

Sa press event noong November 7 na dinaluhan ni Bea kasama ng manager niyang si Shirley Kuan, natanong ang huli kung totoo ang bali-balitang kinasal sina Bea at Vincent noong Mayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumagot si SK na wala siyang alam.

Nang pilit na hinuhuli ng press, inulit ni SK na wala siyang nadaluhan na sinasabing wedding ni Bea sa Spain.

Siniguro ni SK na kung may kasalan man ay hindi itatago sa kanya ng alaga.

Sa parte ni Bea, ang tanging ibinahagi niya ay masaya siya sa kanyang buhay ngayon.

Read: Manager ni Bea Alonzo, itinangging ikinasal ang aktres sa Spain

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo and boyfriend Vincent Co are inseparable at the birthday party of Bea's mother.
PHOTO/S: CTTO / Bea Rose (center)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results