PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

14 lechon stores in La Loma closed due to African swine fever

Business owners, customers worry.
by KC Cordero
Published Nov 14, 2025
Photo of lechon
Kung magpapatuloy ang shutdown ng mga litsunan sa La Loma, maaapektuhan nang todo ang mga lechoneros. Kakapusin din sa supply ng lechon ngayon Holiday Season sa Metro Manila. (Photo: La Loma Original Lechon FB)

Pansamantalang ipinasara ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang 14 na tindahan ng lechon sa La Loma.

Ang La Loma ang itinuturing na “Lechon Capital of the Philippines.”

Natuklasan kasing ang ilan sa mga baboy ay positibo sa African swine fever (ASF).

Ibinalita ito ng official Facebook page ng Quezon City Government last November 13, 2025.

Packed lechon
Gusto munang makatiyak ng Quezon City government na ligtas at malinis ang mga lechon mula sa La Loma. Photo: La Loma Original Lechon FB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa post, published as is: “Nagsagawa ng masusing pagsusuri sa mga lechon establishment sa La Loma ang Quezon City Veterinary Department (CVD) sa pakikipagtulungan ng Bureau of Animal Industry (BAI), bilang bahagi ng regular na inspeksyon ng lokal na pamahalaan at pagtataguyod ng kapakanan ng publiko lalo na ngayong Kapaskuhan.

Quezon City government announcement
Ang announcement ng Quezon City government sa pansamantalang pagpapasara sa mga litsunan sa La Loma. Photo: QC Government Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa naturang inspeksyon, natuklasan na may mga baboy na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) kaya’t inirekomenda na isailalim sa culling ang mga baboy upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

“Bunsod nito, naglabas ng Temporary Closure Order sa labing-apat (14) na lechonan ang Quezon City Business Permits and Licensing Department (BPLD) Miyerkules ng gabi (November 12) alinsunod sa rekomendasyon ng BAI, CVD, at City Health Department (CHD).”

Bagama’t mapanganib sa baboy ang ASF, hindi naipapasa sa tao ang naturang virus.

Read: Dinorado wins silver in World’s Best Rice 2025 Awards

DISINFECTION IN LA LOMA STARTS

Tinitiyak naman ng pamahalaang lungsod ng Quezon City na nananatiling isolated ang ASF sa lugar.

Wala ring banta ng ASF sa iba pang pamilihan sa lungsod.

Ayon pa sa post: “Nagsimula na ang proseso ng disinfection sa mga apektadong lugar sa La Loma.

“Nagtalaga din ng checkpoints ang lokal na pamahalaan upang kontrolin ang paggalaw ng mga baboy mula at papasok sa La Loma.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkaroon na rin ng pag-uusap sa pagitan ng Quezon City officials at mga apektadong negosyante matapos ang shut down ng lechon stores.

Tinalakay sa pulong ang mga isyung pangkalusugan, kaligtasan, at operasyon ng mga litsunan para mapanatiling ligtas, maunlad, at masaya, ang industriya na ipinagmamalaki ng Quezon City at ng buong bansa.

Tinutulungan na rin ng lokal na pamahalaan ang mga negosyante para matiyak na susunod sa health and safety protocols ang mga litsunan nang muli silang makapag-alok ng de-kalidad na pagkain sa publiko.

Nanawagan din ang Quezon City government sa publiko na makipagtulungan at manatiling mapanuri para sa kaligtasan, kalinisan, at kapakanan ng lahat ng mamimili.

Read: DSWD condemns cash aid "cut" by Iloilo barangay officials

LA LOMA LECHONEROS AFFECTED BY THE CLOSURE

Sa panayam ng DZMM sa ilang negosyante ng lechon sa La Loma nitong November 14, nagpahayag ang mga ito ng pangamba lalo pa at hindi pa tiyak kung kailan puwedeng magbukas ang kanilang mga tindahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isang nakilalang si Mang Romy, “Problema namin yung mga trabahador. Siyempre kailangang pasuwelduhin.

“Pag hindi pinasuweldo, baka maghanap ng ibang trabaho tapos pag nagbukas uli, hindi na bumalik.”

Dagdag pa niya, may ibang litsunan na hindi naman kayang magpasuweldo ng empleyado kung walang bentang lechon.

Bukod sa lechon, may mga nagtitinda rin sa La Loma ng barbecue.

Hindi nila alam kung ano ang gagawin sa kanilang mga paninda.

Karamihan naman sa mga empleyado ng mga litsunan ay nagsabing apektado ang kani-kanilang pamilya lalo ngayong malapit na ang Christmas season.

Ayon sa isang hindi na binanggit ang pangalan: “Malungkot kasi katulad niyan hindi namin alam kung kailan magbubukas.

“Kasi katulad ko, ito lang inaasahan ko saka ng mga anak ko.”

Ang iba naman ay nagsabing hahanap muna ng pansamantalang trabaho o kaya ay uuwi sa kanilang probinsiya.

May mga customer din na nangangamba na baka walang mabiling lechon pagsapit ng Pasko at Bagong Taon na nakasanayan nilang ihanda tuwing Media Noche at Noche Buena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging ang ABS-CBN anchor na si Alvin Elchico ay nag-worry dahil nangako umano siyang magdadala ng lechon sa kanilang Christmas Party ng mga kapwa empleyado.

Read: GSIS gives 3-month loan payment break for typhoon-hit borrowers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung magpapatuloy ang shutdown ng mga litsunan sa La Loma, maaapektuhan nang todo ang mga lechoneros. Kakapusin din sa supply ng lechon ngayon Holiday Season sa Metro Manila. (Photo: La Loma Original Lechon FB)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results