PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zaldy Co tags Marcos, Romualdez as mastermind of bicam insertions

Zaldy Co: "Matagal akong hindi nagsalita dahil may direktang utos sa akin..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 14, 2025
Zaldy Co tags Marcos, Romualdez in bicam insertions scheme
Zaldy Co (left) alleges that he was instructed by former House Speaker Martin Romualdez (right) and President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. (center) to stay silent amid the flood control corruption scandal.
PHOTO/S: Zaldy Co/Bongbong Marcos/Martin Romualdez on Facebook

Diretsahang pinangalanan ni dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at former House Speaker Martin Romualdez bilang mastermind umano sa korapsyon sa flood control at iba pang infrastructure projects ng pamahalaan.

Ngayong Biyernes, November 14, 2025, naglabas ng taped video si Co sa pamamagitan ng kanyang dating staff sa House of Representatives para ibunyag ang "buong katotohanan" at ikanta ang iba pang sangkot sa pagnanakaw ng bilyun-bilyong piso mula sa pondo ng gobyerno para sa flood control projects.

Ayon kay Co, sina Marcos at Romualdez daw ang nag-utos sa kanyang huwag nang bumalik sa Pilipinas nang magtungo siya sa Amerika para lang sana magpa-check up.

Read: Tatlong air assets ni Zaldy Co, naitakas na sa ibang bansa

Saad ni Co sa kanyang binasang salaysay: "Para sa bawat Pilipino, alam ko na buo ang galit ninyo sa akin ngayon. Naunawaan ko rin kung bakit, lalo na at malaki ang halagang nakataya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero bago kayo humusga, hayaan ninyo akong ipaliwanag ang buong katotohanan.

"Matagal akong hindi nagsalita dahil may direktang utos sa akin, huwag nang bumalik ng Pilipinas at manahimik na lamang.

"Umalis ako noong July 19, 2025, para sa aking medical check-up.

"Nakaplano [akong] bumalik pagkatapos ng SONA ng Pangulo.

"Pero habang papauwi na ako, tinawagan ako ni dating Speaker Martin Romualdez at sinabihan, 'Stay out of the country. You will be well taken care of as instructed by the President.'"

Zaldy Co tags Marcos, Romualdez in bicam insertions scheme
Former Ako Bicol Partylist representative Zaldy Co released a video alleging that President Ferdinand Marcos Jr. and former House Speaker Martin Romualdez directed him to insert PHP100 billion worth of projects into the 2025 budget.
Photo/s: Screengrab Rep. Zaldy Co on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad daw sumunod si Co sa utos ng dalawa sa pinakamataas na government officials sa Pilipinas.

Magpinsang buo sina Marcos at Romualdez.

Nanahimik, nagtago, at nagbitaw si Co sa puwesto bilang congressman sa kalagitnaan ng pagdinig sa maanomalyang flood control projects.

Read: Zaldy Co, nag-resign bilang Ako Bicol party-list representative

Habang tumatagal, napagtanto raw ni Co na ginagamit lamang siya nina Marcos at Romualdez bilang "poster boy" sa kampanya laban sa korapsyon ng kasalukuyang administrasyon.

Bagay na hindi na raw maatim ni Co kaya ngayon ay pinili niyang humarap sa publiko at magsalita.

Pahayag niya: "Noon naniniwala pa ako sa kanila. Kaya't hindi ako bumalik [sa Pilipinas]. Tumikom ang aking bibig. Sumunod ako.

"Pero ang hindi ko alam, ang ibig pala nilang sabihin sa aalagaan ka namin ay gagamitin ako bilang panakip-butas sa kanilang kampanya laban sa korapsyon.

"Ginawa nila akong poster boy ng kanilang sariling kasinungalingan.

"Ngayon, hindi na ako mananahimik. Ilalabas ko ang lahat ng katotohanan. May resibo, may ebidensya, at may pangalan."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ZALDY CO DETAILS bicameral process

Dito na sinimulang ikanta ni Co ang pagtawag umano sa kanya ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman noong 2024 para sabihin ang direktang utos umano ng Pangulo na mag-insert sa budget ng mga proyekto na nagkakahalaga ng PHP100 billion.

Read: Chiz Escudero names Martin Romualdez as flood scam mastermind

Lahad ni Co: "Nagsimula ito noong tumawag si Sec. Amenah Pangandaman sa akin noong nag-umpisa ang bicam process last year in 2024.

"Ang sabi niya, katatapos lang ng meeting nila ni Pangulo at may instructions na mag-insert o magpasok ng 100 billion worth of projects sa bicam.

"At sinabi pa ni Sec. Mina, 'You can confirm with Usec. Adrian Bersamin dahil magkasama sila sa meeting ni Pangulong BBM noong araw na iyon.'

"Tinawagan po ko agad si Usec. Adrian Bersamin at tinanong ko kung may instruction nga ba ang Pangulo na magpasok ng 100 billion during their meeting. Ang sabi niya ay, 'Totoo nga po.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Bersamin ang tinalaga ni Marcos bilang secretary sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO).

Matapos makumpirma kay Bersamin, tinawagan daw ni Co si Romualdez para sabihin ang pinag-uutos sa kanya ni Marcos.

Hindi naman daw nagulat si Romualdez dito, bagkus ay sinabi niyang gawin na lang ni Co ang pinag-uutos sa kanya.

Lahad ng dating kongresista: "Right after our conversation, tinawagan ko po si dating Speaker Martin Romualdez at ni-report ko ang instructions ng Presidente to insert the 100-billion projects.

"At sinabi niya sa akin, 'What the President wants, he gets.'

"After ng ilang araw, nag-set po ng meeting si Sec. Amenah Pangandaman at Usec. Adrian Bersamin sa amin ni dating Speaker Martin Romualdez sa Aguado Building in front of Gate 4 ng Malacañang at nandoon din po si [DOJ] Usec. Jojo Cadiz.

"During the meeting, binigay po ni Usec. Adrian Bersamin ang listahan na worth 100 billion. Tinanong ko po si Usec. Adrian kung saan galing ang listahan. Ang sagot niya, galing kay PBBM mismo at ibinigay niya ito mula sa brown leather bag."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito raw naalala ni Co ang isang pangyayari noong May 2022 matapos ang national election, kung saan kasama niya sina Marcos at Romuladez sa Singapore.

Nakita na raw mismo ni Co ang sinasabing brown leather bag na naglalaman pala ng listahan ng Pangulo.

"Nung sinabi po ni Usec. Adrian Bersamin yung brown leather bag, naalala ko noong nasa Singapore kami right after the elections, May 2022, sa Hilton Hotel kami ni dating Speaker Martin and PBBM habang pauwi at pabalik ng Pilipinas.

"Hinabol ng PSG ang brown leather bag at ang sabi ni PBBM, 'Maiiwan na lahat, huwag lang ang brown leather bag.'

"Kaya naniwala ako na utos talaga ito ng Pangulo."

FROM PHP100 BILLION TO PHP50 BILLION

Dahil sa laki ng halaga ng gusto ni Marcos, kinausap daw ni Co si Romualdez at iba pang higher officials na hindi siya maaaring magpasok ng gaanong kalaking halaga sa Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil maaaring masilip ito ng Department of Education (DepEd).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Philippine Flood Control Corruption: A Timeline

Sabi niya: "Pagkatapos ng ilang araw, I informed sina dating Speaker Martin Romualdez, si Sec. Amenah Pangandaman, Usec. Adrian Bersamin, and Usec. Jojo Cadiz na kung puwede PHP50 billion lang ang ipasok sa program funds dahil sosobra ang DPWH funds versus sa DepEd.

"In practice, hindi puwede na mas malaki ang budget ng DPWH kaysa sa edukasyon.

"Yung balance na PHP50 billion, ilagay na lang sa unprogrammed funds for the 2025 budget dahil Office of the President din ang nagre-release ng lahat ng unprogrammed funds."

Makalipas lang ang isang araw, tumawag daw kay Co si Pangandaman para ipabatid na hindi pumapayag si Marcos sa suhestiyon ni Co na PHP50 billion lamang ang kaya niyang maibigay sa DPWH.

Ani Co: "Pagkatapos ng isang araw, tinawagan ako ni Sec. Amenah at sinabi, 'Ang mensahe ng Pangulo ay ipasok ninyo yan dahil pinangako na sa akin ni Speaker Martin yan at hindi na puwedeng baguhin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kumbaga, ang utos ng hari hindi puwedeng mabali.

"Again, I informed the Speaker and asked clearance about the instructions ng Pangulo. At ang sabi niya, 'Wala tayo magagawa.'"

Dagdag pa ni Co, "Kaya po nagtataka ako kung bakit sinasabi ni Pangulo na hindi niya makilala ang budget, samantalang lahat ng binawas at idinagdag sa mga ahensiya ng gobyerno ay humihingi ng approval sa kanya si Sec. Amenah Pangandaman."

Bilang patunay, naglabas pa ng listahan ng mga proyekto si Co na sinasabi niyang ipinag-utos daw ni Marcos na i-insert sa 2025 budget na may kabuuang PHP100 billion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang Malacañang ukol sa mga alegasyon ni Co.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zaldy Co (left) alleges that he was instructed by former House Speaker Martin Romualdez (right) and President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. (center) to stay silent amid the flood control corruption scandal.
PHOTO/S: Zaldy Co/Bongbong Marcos/Martin Romualdez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results