Nagpasalamat si Milano Sanchez kay Claudine Barretto sa pagtatanggol sa kanya ng aktres.
Pero bago ito, naglabas muna ng hinanakit si Milano tungkol sa kanyang pamilya, kung paano siya nakaligtas sa tinawag niyang "nightmare."
Si Milano ay nakababatang kapatid ng veteran broadcaster na si Korina Sanchez.
Lahad niya sa kanyang Facebook post noong November 11, 2025 (published as is): "Okay! Grabe..I just started to recover from that nightmare!
"Basically, what's important is what my children believe in..the truth. That show had one intention..ruin me.. with disinformation.
"Having said that, I started talking with my lawyer on my options. I will not take this sitting down."
Hindi idinetalye ni Milano kung ano ang tinutukoy niyang sanhi ng kanyang bangungot.
Kasunod nito ang pasasalamat ni Milano sa taong may initials na "CB."
Binanggit din niya ang tawag sa mga tagahanga nitong "Claudinians" kaya madaling natukoy ang "CB" na initials: Claudine Barretto.
"Honored" daw siyang madepensahan ng isang itinuturing niyang "queen."
Nahihiya raw si Milano na nakaladkad ang pangalan ni Claudine sa kanyang nakaraan.
Sabi pa ni Milano: "To my friends who reached out, maraming salamat! I truly appreciate it.
"To CB, Thank you! I am very lucky to have someone on my side, like you.
"I must say, im very honored to be defended by a queen!
"Sorry ah. My past has become an issue that dragged you pa in it. Kakahiya sa iyo tuloy..
"and kakahiya at humihingi ako ng paumanhin sa mga Claudinians. Your fans really love and care for you! Sobrang blessed ka! Priceless!
"My promise still stands.
"Again, thank you very much, and i'll see you tomorrow."
Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica
MILANO SANCHEZ, CLAUDINE BARRETTO HARD LAUNCH?
Noong October 30, 2025, tila hinard-launch ni Claudine ang pagkakamabutihan nila ni Milano — ang lalaking nagbibigay umano ng matamis na ngiti sa aktres ngayon.
Sa Instagram ni Claudine noong araw na iyon, ipinakita niya ang litrato nila ni Milano.
Nakatayo si Claudine habang yakap niya si Milano na nakaupo sa silya.
Tinakpan ni Milano ang kanyang mukha, pero makikitang, tulad ng aktres, matamis din ang pagkakangiti nito.

Makikita sa likuran nila ang ilang food stalls sa isang di pinangalanang lugar.
Kalakip ng lovestruck emoji, sabi sa caption ni Claudine (published as is): "Can you really wait??? No matter how long??? No one wil break me? Swear?"
Naka-tag sa post ni Claudine ang IG handle ni Milano na @onalim_zehcnas.
View this post on Instagram
Read: Claudine Barretto flaunts sweet photo with Milano Sanchez
