Masaya ang lovelife ngayon ng aktres at film producer na si Harlene Bautista.
Matagal-tagal na rin ang relasyon niya kay Federico Moreno, ang nag-iisang anak ng yumaong Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno.
Read: German Moreno's only son recalls last moments of the Master Showman
Ayon kay Harlene, "very happy" ang samahan nila ni Federico.
"Okay naman. Very happy and because, maybe, dahil nagkakasundo kami sa maraming bagay, e, katulad dito. And so, excited kami um-attend talaga.
"Kaya, yun. We're always happy and we love being together."
Ang tinutukoy na event ni Harlene ay ang launching ng bagong produkto ng aktres na si Julia Montes, ang Swiss Proli night gummies.
Katuwang ni Julia sa kumpanya ang chemist na si Pinky Tobiano.
Naganap ang launching noong November 4, 2025 sa Marquis Events Place, Bonifacio Global City, Taguig.
Kasama niyang dumalo si Federico, kung saan terno pa ang kanilang pajama alinsunod sa theme ng event.

Si Federico na ba ang masasabi niyang taong makakasama niya hanggang pagtanda?
"Oh, yes, oo naman," positibong sagot ni Harlene.
"At saka sleep with you, sleep with you beautifully, ika nga."
Read: Mr. M, susundan ng Kapamilya stars sa TV5?
HARLENE AND FEDERICO WORKING ON THEIR WELLNESS
Balak daw nilang mag-partner na pagtuunan ang kanilang kalusugan ngayon at mag-travel.
Saad ni Harlene: "Mahilig kami mag-travel, e, mahilig kami kumain.
"Now we're working on ano, our wellness, yung ganyan. Yung having enough sleep, restful sleep, ganyan.
"Yung tamang pagkain, yung pag-aalaga sa sarili, sa katawan."
Bakit mahalaga ito sa kanila ngayon?
Natatawang paliwanag niya: "At our age kasi, eto na, lumalabas na yung mga, di ba?
"Yung mga dating akala mo hindi ka magkakaron, di ba?
"Kaya ngayon, ingat ka sa pagkain. Tama dapat yung supplements mo.
"So, we have to take care of ourselves, especially kami, may mga anak kami and meron pang 12-year-old na bunso.
"So, marami pang ano, kailangang lakas para sa mga bata."
Hindi raw muna pinagtutuunan ng pansin ngayon ni Harlene ang pagpoprodyus ng pelikula dahil may bago silang business venture.
Aniya, "Fred and I have our baby. May baby na kami, we have our business, our food manufacturing business.
"So, iyon ang pinagkakaabalahan namin."
