Nagdadalamhati rin sa pagpanaw ng aktor na si Patrick dela Rosa ang dating singer-actress at kanyang former partner na si Kookoo Gonzales.
Matagal ang naging relasyon nina Kookoo at Patrick na nagbunga ng tatlong anak.
Sa Instagram post ni Kookoo ngayong Martes, October 28, 2025, ipinahayag niya ang kanyang kalungkutan para sa mga anak nila ng yumaong aktor.
Kalakip ang black-and-white photo ni Patrick: "My heart breaks for our children [black heart, broken heart emojis]"

Pumanaw si Patrick sa Bakersfield, California, USA, noong Linggo, Oktubre 26, 2025.
Siya ay 64.
Read: Former actor Patrick dela Rosa dies at 64
LOTLOT DE LEON, GARY ESTRADA, NETIZENS MOURN DEATH OF PATRICK
Maraming netizens ang nakisimpatiya kay Kookoo sa comments section ng kanyang post.
Kabilang na rito ang mga dati nilang kasamahan sa showbiz na sina Lotlot de Leon at Gary Estrada.
Sabi ni Lotlot, na matalik na kaibigan ni Kookoo: "Akap koo.. my love to you and the kids [praying hands emoji]"

Mensahe naman ni Gary: "Rest in Peace Patrick [praying hands emoji]"

Narito naman ang ilang mensahe ng netizens at mga kaibigan ni Kookoo:

Read: Kim Atienza responds to netizen who blamed him for Emman’s death
PATRICK'S INTERVIEW LAST APRIL 2025
Noong April 2025 lamang, nakapanayam ng ABS-CBN News si Patrick habang nagbabakasyon sa Lisbon, Portugal.
Ayon sa dating aktor, masaya na siya sa kanyang buhay sa California at malayo sa limelight.

Halos 20 years nang wala sa showbiz si Patrick.
Naging pulitiko muna siya bilang board member ng unang distrito ng Oriental Mindoro bago tuluyang mag-migrate sa U.S.
Kuwento niya: "So now, nasa business na ako, so based na ako sa California.
"I would say iba na talaga ang buhay ko ngayon… mas gusto ko ngayon dahil mas simple.
"Di katulad nung artista pa. I can go anywhere, I can walk anywhere, so ayun… nag-iba na buhay ko ngayon dahil naging negosyante na ako ngayon."
Wala na rin daw siyang balak pang bumalik sa showbiz.
Dagdag pa niya, "Done na. Totally done na. I'm done na with the showbiz.
"Mas masarap ang buhay ko ngayon, mas peaceful. At this point in time, mas happy ako."
Read: Singer Jona Viray opens up about childhood abuse by her father
