Naging usap-usapan ng netizens ang hindi pangkaraniwang tanawing magkasama ang isang Aquino at Marcos sa iisang mesa.
Tinaguriang magkalabang mortal sa pulitika ang dalawang pamilya.
Pero sa pagkakataong ito, naispatang magkasama sa iisang mesa sina Kris Aquino at First Lady Liza Marcos kahapon, October 24, 2025.
Kuha raw ang larawan sa birthday lunch ng pamosong designer na si Michael Leyva, na nagdidisenyo ng mga kasuotan nina Kris at Liza.
Si Michael ang may gawa ng yellow gown ni Kris na suot nito sa premiere ng Crazy Rich Asians noong August 8, 2018 sa Hollywood.

Siya rin ang gumawa ng latest gown ni Liza sa State of the Nation Address ng Pangulong Bongbong Marcos nitong nakaraang July 2025.

Read: Kris Aquino brought this number of personal assistants to the set of Crazy Rich Asians
KRIS AND LIZA RELATION
Ayon sa mga ulat, magkamag-anak sina Kris at Liza dahil ang tiyahin ni Marcos na si Demetria Sumulong ay napangasawa ng maternal grandfather ni Kris na si Don Jose "Pepe" Cojuangco.
Si Sumulong ay sister-in-law naman ng kapatid ni Liza na si Manuel Araneta.
Ito ang dahilan ng pagbisita nina Joshua at Bimby Aquino kay Liza sa opisina nito noong July 9, 2024.
Read: Vice Ganda explains absence of “Magpasikat” on 16th anniversary
THE LUNCH WITH KRIS AQUINO AND LIZA MARCOS
Nagsilabasan sa social media ang mga larawan nina Kris at Liza matapos idaos ang salu-salo.
Isa sa mga nag-post ay ang designer ding si Patrick Rosas.
Sabi niya sa kanyang post sa Instagram kalakip ng heart emojis, "Celebrate today. It's a special day. Cheers to life @michaelleyva."
View this post on Instagram
Ayon naman sa negosyanteng si Ace Nava (published as is), "For today — with The Aquino [yellow heart emoji] and The Marcos [red heart emoji] Different colors, one good day."
View this post on Instagram
Sabi naman ng event host na si Justin Dizon, "ladies who lunch."
View this post on Instagram
Read: Magkapatid na Kim at Alessandra Atienza, pareho ng karanasan
NETIZENS REACTION
Puro positibo ang reaksiyon ng netizens at halos lahat sila ay masaya para kay Kris.
Pansin kasi nilang gumagaling na ito mula sa kanyang karamdaman.
Narito ang kanilang mga reaksiyon:




