Sinagot ni Maggie Wilson ang tanong ng isa niyang follower sa Instagram kung may nararamdaman pa ba siya sa kanyang "ex-husband."
Sa kanyang "Ask Me Anything" sa Instagram Story nitong nakaraang October 15, 2025, may nagtanong ng ganito: "Do you still love your ex husband? Or miss your good times together?"
Ayon kay Maggie, kahit gaano karaming pagsubok ang dumating sa kanilang relasyon — na nauwi sa hiwalayan at demandahan — nagki-care pa rin daw siya rito bilang isang tao.
Sagot ng actress/TV host/beauty queen: "Things haven't been easy between us for many years it's been a long and difficult journey.
"But despite everything, I can say that I still care about him as a human being."
Kahit hindi raw sila nag-uusap at may kanya-kanya nang buhay, kapag may emergency ay sasagutin niya umano ito.
Anuman daw ang mangyari ay ito pa rin ang ama ng kanyang anak, at may maganda pa rin naman silang pinagsamahan noon.
Aniya: "We don't speak, and we've chosen to live separate lives, but if there were ever an emergency, I would still answer that call.
"At the end of the day, he is the father of my son and we did share good memories once."
Sa huli, naniniwala raw si Maggie na hindi makakabuti sa isang tao ang magtanim ng sama ng loob at galit.
Ang prayoridad daw niya ay ang kapakanan ng kanyang anak, na dapat mangibabaw sa anumang sakit at pait ang kanilang nararamdaman.
Pagtatapos niya (published as is), "I don't believe in carrying anger or grudges forever, it only weighs you down.
"My priority has always been, and will always be, the wellbeing of our son. That should always come before any past hurt or personal feelings."

Read: Cristine Reyes calls Gio Tingson "the right person"
MAGGIE NOT MAD AT VICTOR ANYMORE
Walang tinukoy na pangalan si Maggie sa kanyang sagot sa isa niyang follower.
Ngunit hindi kaila sa marami na matagal na siyang hiwalay sa kanyang estranged husband na si Victor Consunji
Mayroon silang isang anak, si Connor Consunji.
Naninirahan na sa ibang bansa si Maggie mula nang maghiwalay sila ni Victor taong 2021.
Nagkasundo sila noong mag-co-parenting sa nag-iisa nilang anak.
Pero, nagsampa ng mga kaso si Victor sa kanya, kabilang na ang adultery at cyberlibel.
Read: Victor Consunji: Maggie Wilson's Legal Issues
Noong July 2025, may nagtanong kay Maggie sa kanyang "Ask Me Anything" sa Instagram kung galit pa ba siya sa ex niya at kay "Rachelle."
Marahil ang tinutukoy nito ay ang bagong partner ni Victor na si Rachel Carrasco.
Read: Victor Consunji highlights "20 years" of knowing Rachel Carrasco
Sagot niya: "No, I genuinely want the best for everyone especially the kids.
"I just wish the same could be said in return. Life’s too short for grudges… and frankly, bitterness is terrible for your skin."
Read: Maggie Wilson not mad anymore at Victor Consunji
