Hindi pa rin maka-get over si Pokwang sa nepo babies.
Ang nepo babies ay tumutukoy sa mga kaanak at anak ng government contractors na nakakuha ng bilyong-pisong halaga ng kontrata para sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa kanyang Instagram Story ngayong Martes, October 14, 2025, nagbahagi si Pokwang ng Reel kung saan makikita ang ilang anak ng contractors na suot ang kanilang mamahaling damit.
Kabilang dito ang YouTuber na si Jammy Cruz, anak ni Noel Cruz, general manager ng Sto. Cristo Construction and Trading Inc.
Base sa mga ulat, ang kumpanya nila ay nakakuha ng mahigit sa PHP3.5 billion na halaga ng flood control projects mula 2022 to 2024.

Makikita rin dito si Claudine Co, pamangkin ni former Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy "Zaldy" Co.

Si Claudine ay anak ni Christopher Co, co-founder ng Hi-Tone Construction and Development Corporation.
Nakasulat sa Reel ni Pokwang (published as is): "Nepo babies luxurious outfit VS SHEIN tang *na mas sinayang nyo talaga pera ng bayan hahaahahahaa depende talaga sa nagdadala mga hayuf!!!"
LANI MISALUCHA REACTS TO POKWANG'S POST
Pinost ulit ito ni Pokwang sa feed niya sa Instagram.
May hugot ang comedienne sa post dahil napamura muli siya.
Saad niya: "SHEIN VS mamahaling outfit ng mga anak ng magna haahahahaa tang ina mas sinayang ang pera ng bayan animal!!! tapos mi hindi nakahabol sa outfit ko na SHEIN!!! tang *na mez!!!!!"
View this post on Instagram
Isa sa unang nagkomento sa post ay ang singer na si Lani Misalucha.
Saad nito, "Planggana garapon! Di kailangan ng branded! Yan pa lang winner na!"

Read: Philippine Flood Control Corruption: A Timeline
