Natawa si Kristine Hermosa nang ipaalala sa kanya ang diretsong hirit niya sa usapang intimate relationship ng isang mag-asawa.
Kaugnay ito ng online talk show ni Dina Bonnevie na House of D, kasama sina Kristine, Oyo Sotto, Danica Pingris, at Marc Pingris.
Sa isang episode, tinanong ni Dina ang couples kung ano ang desisyon nila kapag pagod si mister pero nasa mood si misis to have sex.
Humirit noon si Kristine na, "Kailangan nilang respetuhin yon, kailangan nilang [mga mister] pagbigyan ka [mga misis]. Ganun talaga, di ba?"
Tinanong ulit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristine kung bawal tumanggi ang mister sa gusto ni misis.
Paninindigan ni Kristine, "Bawal!"
Sabay natawa si Kristine, na hindi karaniwang nagbubukas tungkol sa pribadong buhay mag-asawa nila ni Oyo mula nang mag-lie low siya sa showbiz.
Maging ang biyenan niyang si Dina ay natawa noon sa show, dahil akala raw niya ay sasabihin ni Kristine na respetuhin kapag pagod si mister.
Sa episode ng show, ipinaliwanag naman ni Oyo na walang iisang sagot pagdating sa intimate relationship ng married couples.
Naiiba rin daw iyon depende sa kung anong season na pinagdadaanan ng mag-asawa, lalo na raw kung buntis si misis.
Idiniin naman ni Kristine na naniniwala siyang ang sex ay para lamang sa mga mag-asawa.
Read: Kristine Hermosa on "most beautiful" tag and beauty secret
KRISTINE HERMOSA ON DOING AN ONLINE TALK SHOW
Huling napanood si Kristine bilang guest sa Daddy's Gurl (2018-2023), ang defunct sitcom na pinagbidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza.
Aminado si Kristine na nami-miss din niya ang buhay-showbiz.
Kaya nang dumating ang online talk show na House of D ay pumayag si Kristine na maging co-host kasama ng mga kapamilya.
"Ang sarap ng feeling," nakangiting saad ni Kristine.
Paglalarawan pa niya sa oportunidad na humarap sa camera: "Na-miss kong mag-ayos ng hair, mag-make-up. Nakaka-miss po talaga. Salamat sa House of D talaga.
"Siyempre, I grew up doing this... I can be myself pa."
Nang usisain na tila mas candid siya sa show, sagot ni Kristine, "Yes, yes, I hope no judgment kung ano man ang nasi-share namin, experiences namin."
Proud si Kristine dahil mayroon na silang 136,000 subscribers sa YouTube sa ngayon.
"We’re really happy na talagang nakaka-relate naman ang mga tao. Slowly, minamahal naman nila ang isa’t isa. Thank you, thank you sa support."
Read: HOW MUCH? One-night stay at Bvlgari Hotel Roma in Italy
KRISTINE HERMOSA AT 42
Nakapanayam ng PEP si Kristine sa opening ng Skinlandia sa Viceroy Tower sa BGC noong September 27, 2025.
Siya ang nanguna sa ribbon-cutting ng store na ang franchisee ay si Jessiden Martinez, ina ng Kapuso artist na si Jess Martinez.
Thankful daw si Kristine na hanggang ngayon ay naiisip pa rin siyang kunin ng isang beauty brand.
Natatawang hirit niya, "Napi-pressure na ko. Parang bawal tumanda. Bawal mag-wrinkles. But I’m really thankful."
Kahit hindi aktibo sa showbiz, marami ang interesado sa tuwing nakikita sa limelight si Kristine.
Komento niya ukol dito, "Wala po talaga akong… Hindi na ako in control with that. It’s really the Lord who’s blessing me so much. Napakabuti talaga ni God."
Si Kristine ay 42 taong gulang, happily married kay Oyo, at mother of six children.
Ang mga anak nila ni Oyo ay sina Kiel, 16; Ondrea Bliss, 13; Kaleb Hanns, 10; Marvic Valentin, 8; at Vittorio Isaac, 4.
Forty-two na si Kristine, pero mukhang bata pa rin ito sa edad niya.
Ang pag-aalaga niya sa sarili ay ibinabahagi raw niya sa teenager niyang anak na si Ondrea Bliss.
"Si Ondrea, hindi siya kikay na teenager. Pero what I always teach her, always be presentable. Kailangan neat ka, yung hygiene mo, yun naman ang importante," ani Kristine.
Hindi rin naman daw kikay si Kristine noong kabataan niya.
"Medyo boyish yata," paglalarawan pa niya sa sarili noon.
