Hindi natupad ang hiling ng Pinoy pageant fans na magkaroon ng back-to-back win ang Pilipinas sa Mister Global 2025.
Ito ay matapos mabigong mapanalunan ng candidate ng Pilipinas na si Jether Palomo ang Mister Global 2025 title
Hindi niya na-duplicate ang panalo ng kinatawan ng Pilipinas sa Mister Global 2024 na si Daumier "Dom" Corilla.
Pumasok si Jether hanggang sa Top 10+1, ngunit hindi nakaabante sa Top 5.
Hindi man pinalad si Jether manalo o magkaroon ng puwesto, siya ang pinagkalooban ng special award na Best Video Country Presentation.
Read: Philippine bet Daumier "Dom" Corilla wins Mister Global 2024

Ginanap ang final competition ng Mister Global 2025 sa MCC Hall ng The Mall Lifestore, Bangkok, Thailand, noong Linggo, Oktubre 5, 2025.
SPAIN WINS MISTER GLOBAL 2025
Ang nagwaging Mister Global 2025 ay si Alejandro Ortega ng Spain.

First runner-up si William Badell ng Venezuela; at second runner-up si Alejandro Silva ng Mexico.
Third runner-up sa Mister Global 2025 ang kinatawan ng USA, at fourth-runner ang candidate mula sa France.
"Always the groomsman, never the groom" si Badell dahil ito ang ikatlong pagkakataong naging runner-up siya sa isang male beauty pageant.
Second runner-up siya sa Mister Supranational 2021 at first runner-up naman siya sa Mister International 2023.
Maliban sa winner, runners-up, at kay Jethro, kasama rin sa Top 10+1 ang mga kinatawan mula sa China, Korea, Laos, Uruguay, at Nigeria.
Pasok naman sa Top 20 ang mga bansang Hong Kong, Thailand, Peru, Puerto Rico, Sri Lanka, Myanmar, South Africa, Canada, at Brazil.
Read: Kirk Bondad wins Mister International 2025
DOM CORILLA
Si Dom Corilla ang kauna-unahang Pilipino na nanalong Mister Global kaya sa kanyang farewell walk, sinabi niyang grateful at emotional siya.
Bahagi ng farewell speech niya: “This journey has taught me that being Mister Globe is not just about wearing the crown or standing onstage. It’s about using your voice, your purpose, and your heart to inspire others.
“To remind people that strength is built not just in the gym but in cleaness, humility and service.”

Taos-puso ang pasasalamat ni Dom sa Mister Global Organization at sa lahat ng mga sumuporta sa kanya.
Read: Kiko Barzaga recalls surprise date experience: "Hindi ko pala alam na transgender."