Latest victim ng death hoax sa social media ang award-winning actor na si Michael de Mesa.
Agad humingi ng tulong ang 65-year-old actor na i-report ang nag-post ng fake news na siya ay pumanaw na raw noong nakaraang September 30, 2025, at 4:50 P.M., dahil sa heart attack.
MICHAEL DE MESA'S REACTION
Sa kanyang Instagram Story, dinaan na lang sa biro ni Michael ang caption para sa nag-circulate na fake death news.
“Posting this from heaven. I'm not the only one. Grabe na fake news ngayon. Help me report this post (false information). Thanks!”

May gumawa pa ng social-media art card for him.

Sa latest post ni Michael ngayong Araw, October 4, at past 5 P.M., kasama niya sa larawan ang kanyang wife na si Julie Eigenmann at mga kaibigang sina Jett and Beth Pangan.
In high spirits si Michael katabi ang Banayad whiskey.

MICHAEL DE MESA SHOWS NO SIGN OF SLOWING DOWN
Aktibo pa rin si Michael sa pag-arte sa TV at pelikula.
Huli siyang napanood sa mga Kapamilya teleserye na Batang Quiapo ni Coco Martin at sa It’s Okay To Not Be Okay, kunsaan bida sina Anne Curtis, Joshua Garcia, at Carlo Aquino.
Sa Kapuso network ay huling napanood ang aktor sa Forever Young, na pinagbidahan ni Euwenn Mikaell.
Sa big screen ay nakasama si Michael sa 2024 film na Green Bones ng GMA Films. Nakasama rin siya sa Netflix film na Kontrabida Academy, na pinabidahan nina Barbie Forteza at Eugene Domingo.
Ang dalawang kapatid ni Michael na sina Mark Gil at Cherie Gil ay pumanaw na—si Mark noong 2014 at si Cherie ay noong 2022.
Kapwa buhay pa ang celebrity parents ni Michael na sina Eddie Mesa, 85, at Rosemarie Gil, 83.
Si Michael ang ama ng mga aktor na sina Ryan Eigenmann at Geoff Eigenmann—mga anak niya sa ex-wife na si Gina Alajar.
Read:
Kristine Hermosa describes Dina Bonnevie as mother-in-law
Angelica Panganiban recounts breakdown: “Iyak ako nang iyak....si Angelica, wala na."
