PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban gets real about addiction in showbiz

“Sabi ko, hindi ko na kilala yung sarili ko."
by Bernie V. Franco
Published Oct 4, 2025
Angelica Panganiban
“Gusto kong magpa-therapy, gusto kong magpa-psychiatrist,” recalls Angelica Panganiban, speaking about her past mental health struggles. But she didn’t dare ask for help. She explains, “Kapag sinabi mong you need help, sasabihin ng mga tao na baliw ka, at maluwag ang turnilyo.”
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram

Nagkuwento si Angelica Panganiban kung bakit may mga artistang napapariwara at nalululong sa alcohol at bawal na gamot.

Binalikang-tanaw din niya ang naranasang identity crisis dahil nagkasabay-sabay noon ang kanyang acting projects.

Ang mga revelations na ito ay nangyari sa podcast ng volleyball player na si Alyssa Valdez kamakailan.

Sa isang punto ng interview, nabanggit ng Kapamilya actress na nawala na ang kanyang drinking habit nang iwan niya ang showbiz at itinuon ang panahon sa pagiging nanay ni Amila Sabine at asawa ni Gregg Homan.

At saka siya nagkuwento tungkol sa hirap na pinagdadaanan ng mga artista, na minsan ay hindi raw nauunawaan ng publiko ang hirap na kaakibat ng kanilang high-paying job.

“Alam mo kung ano yung mahirap na hindi naiintindihan ng mga tao? Akala nila yung mga artista, sasabihin nila, ‘Ah, ano iyan, wild iyan... ganito iyan, pariwara iyan.’

“Makakarinig at makakarinig ka talaga ng mga gano’n. Pero ang hindi nila alam, hindi naman sila mga artista,” sabi ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi niyo alam ang pinagdadaanan namin every scene.”

Nakakaapekto raw sa mental state ng artista ang halu-halong emosyon sa shooting o taping.

“Parang sa isang eksena namatayan kami, tapos sa susunod na eksena, sobrang saya namin, may birthday party kaming lahat…Tapos yung susunod na eksena, namolestiya kami.

“So, uuwi ka ng bahay na ang daming nangyari sa iyo, mentally. So, hindi ka talaga makakatulog.”

Paano tumatakas ang artista sa mga ganitong sitwasyon?

“Kaya may iba, nagiging addict, di ba? May iba na talagang nare-rehab, na nasisira yung buhay nila.

"Hindi nila alam kung paano i-numb yung sarili nila pag-uwi nila ng bahay.

“And may ibang tao, ang takbuhan nila is alcohol or drugs. Nakaka-escape na sila, e [sa reality].

“Parang gagaan ang loob mo, and then kahit papaano, maitutulog mo.

“Gigising ka, it’s another day. Parang di mo na alam ulit yung nangyari kahapon.”

Read: Ellis Co, hot topic ulit dahil sa birthday photos ng inang si Mylene Co

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGELICA TALKS ABOUT HER BREAKDOWN

Tinawag ni Angelica na “tricky” at “delikado” ang pag-arte dahil may pagkakataong mahirap mag-detach sa mga karakter na ginagampanan.

“Para siyang blackhole, parang pag pinasok mo puwede ka niyang higupin. Magiging masamang tao ka na lang din.”

Paglilinaw niya: “Of course, well, hindi ko naman nilalahat, ha. Meron din naman talagang magaling umarte, and talagang nakaka-snap out sila.”

Pero dahil nagsimula siyang child star, naging mahirap daw kay Angelica na maunawaan noon ang mga emosyong pinagdadaanan.

Inalala niya ang naranasang breakdown noong 2009-2010, ang panahong sabay-sabay ang kanyang projects—pelikula, teleserye, gag show, at mga TV guestings.

“Ginagawa ko yung Rubi, ginagawa ko yung I Love You, Goodbye, ginagawa ko yung Banana Sunday, na nagki-Kris Aquino ako…

“Then Sunday, nag-a-ASAP ka pa. May mga guestings ka.”

Sa taping daw ng gag show ay napahagulgol bigla si Angelica sa co-star at kaibigang si John Prats.

“Naalala ko noon, napaupo ako bigla, tapos breakdown ako sa kanya. Nasa taping kami ng comedy show, ha. So, sino mag-aakala na may chance at makakaramdam ka ng depression o kaguluhan ng isip mo habang surrounded ka ng masasayahing tao? Pero wala, e, nangyari lang talaga siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Iyak ako nang iyak. Sabi ko, hindi ko na kilala yung sarili ko. Ang dami kong ginagawa. Tapos napo-portray ko sila with flying colors, pero si Angelica, wala na, wala na siya. Nasaan siya? Tapos iyak ako nang iyak.”

Napagtatawanan na lang daw iyon ni Angelica at ng mga kaibigan kapag napag-uusapan.

Pero binanggit niya ang stigma noon sa ganoong pinagdadaanan. Hindi raw gaya ngayon na bukambibig ang mental health.

“Kung iisipin mo talaga siya, ang heavy noon para sa isang 24 years old na dalaga, ‘tapos lost ka. Hindi mo na alam ang identity mo.

“Gusto kong magpa-therapy, gusto kong magpa-psychiatrist,” kuwento ng aktres.

Pero hindi raw niya itinuloy.

Paliwanag niya, “Kapag sinabi mong you need help, sasabihin ng mga tao baliw ka and maluwag ang turnilyo.

“’Kaya mo iyan, toughen up.’ Nung nanghingi ako ng help, yun ang binalik sa akin.”

Ang takot din daw niya noon ay baka isiping “baliw” siya at baka hindi na siya mabigyan ng projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroon namang iba na naunawaan ang pinagdadaanan ni Angelica, tulad ng kanyang mga kaibigan.

Nalampasan daw ni Angelica ang yugtong iyon.

Ironically, iyon din daw ang mga panahong umalagwa nang todo ang kanyang career. Kabi-kabila ang commercials at mga acting projects.

Pero sa kabila ng mga achievements, hindi raw nakaramdam ng kasiyahan si Angelica. Pakiramdam daw niya ay may kulang.

Hindi raw pala ang pangarap niyang kasikatan ang magbibigay sa kanya ng kasiyahan.

“Hindi pala talaga siya ang ultimate dream ko…” sabi ni Angelica.

Ang maging ina at asawa ang magbibigay pala sa kanya ng tunay na kasiyahan.

Read: Magarbong renewal of vows nina Zaldy at Mylene Co sa Vatican City, muling lumitaw

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Gusto kong magpa-therapy, gusto kong magpa-psychiatrist,” recalls Angelica Panganiban, speaking about her past mental health struggles. But she didn’t dare ask for help. She explains, “Kapag sinabi mong you need help, sasabihin ng mga tao na baliw ka, at maluwag ang turnilyo.”
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results