Kumpirmadong hiwalay na ang aktres at Quezon City councilor na si Aiko Melendez sa longtime partner nitong si Zambales Representative Jay Khonghun.
Halos walong taon ang itinagal ng relasyon ng dalawa.
Sa Facebook ngayong Biyernes, October 3, 2025, naglabas ng pahayag si Aiko tungkol sa pagtatapos ng relasyon nila ng kongresista.
"Mutual decision" daw ang paghihiwalay nila ng landas.
Ayon pa sa actress-politician, apat na buwan nilang pinag-isipang mabuti ang desisyong tapusin ang kanilang relasyon.
Pahayag ni Aiko: "After four months of reflection and careful consideration, Congressman Jay Khonghun and I, Councilor Aiko Melendez, have mutually decided to part ways and go our separate directions.
"This decision was not made lightly but comes from a place of respect and understanding of what is best for both of us at this time.
"We want to make it clear that no third party was involved in this decision."
Sa kabila nito, patuloy raw nilang aalalahanin ang masaya nilang pinagsamahan.
Nakatuon daw sila ngayon sa pagsulong sa kanilang magkahiwalay na landas sa buhay.

Dagdag ni Aiko: "We remain grateful for the memories we shared and for the support many of you have shown throughout our journey together.
"Our focus now is to move forward with grace.
"He in his continued public service, and I in mine, always guided by the values of respect, kindness, and dedication to the people we serve."
Sa huli, hiniling ni Aiko mula sa publiko na bigyan siya ng privacy para maayos nilang maitawid ang pangyayaring ito sa kanilang buhay.
"We ask for your understanding and privacy as we go through this transition. Thank you for your support and prayers."
Read: Zaldy-Mylene Co renewal of vows sa Vatican City, muling lumitaw
AIKO MELENDEZ AND THE POLITICIAN FROM THE NORTH
Sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) unang inamin ni Aiko ang identity ng kanyang bagong boyfriend noon—na itinago niya ang katauhan bilang isang “politician from the North” noong March 31, 2018.
Kalaunan, kinilala ang boyfriend ni Aiko na si noo'y Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun.

May ilang sightings na rin kunsaan kasama sa mga pampublikong lakad ni Aiko si Jay.
Namataan sila ng isang PEP.ph staff noon na namimili sa isang grocery store.
Kasama rin ni Aiko si Jay sa concert ni Maja Salvador na Maja On Stage noong March 23, 2018.
Kasama rin ng aktres ang boyfriend sa unang professional race ni Andre Yllana, ang anak ni Aiko sa dating asawang si Jomari Yllana, sa Clark International Racing Competition noong March 25, 2018.
Si Jay ay hiwalay na sa asawa. Mayroon silang isang anak na lalaki.
Siya ay nagtapos ng kursong Civil Engineering sa Mapua University noong taong 2000.
Sumabak siya sa pulitika taong 2004 bilang Provincial Board Member ng Zambales.
Taong 2010, nanalo siyang mayor ng Subic at nagsilbi siya ng tatlong termino bilang alkalde ng nasabing bayan.
Taong 2019, nanalo siyang vice-governor ng Zambales at nagsilbi hanggang 2022.
Kinatawan naman siya ngayon ng first district ng Zambales mula 2022 hanggang sa kasalukuyan.
Si Aiko naman ay konsehal sa ikalimang distrito ng Quezon City mula pa noong 2022.
Nauna siyang naglingkod sa parehong posisyon noong 2001 hanggang 2010.
Si Aiko ay dalawang beses nang nagpakasal.
Una, sa aktor na si Jomari Yllana, ang ama ng anak niyang lalaki na si Andre.
Pangalawa ay kay Martin Jickain, ang ama naman ng kanyang anak na babae na si Marthena.
Read: Aiko Melendez admits relationship with Subic Mayor Jay Khonghun
