PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arron Villaflor removes "pray for Cebu" post amid criticisms

Netizen: "The intention is good but the execution is funny."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 2, 2025
Arron Villaflor removes "pray for Cebu" post amid criticisms
Arron Villaflor faces mixed reactions online after he included his photo in a social media post calling for prayers for earthquake victims in Cebu.
PHOTO/S: Arron Villaflor on Facebook

Binura na ng actor-turned-politician na si Arron Villaflor ang kanyang social media post kunsaan nanawagan siya ng dasal para sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu.

Sa pamamagitan ng Facebook noong October 1, 2025, nagpaabot ng pakikisimpatiya at panalangin ang aktor at provincial board member ng ikalawang distrito ng Tarlac sa mga Cebuano na naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol.

Read: Lindol sa Cebu at pagputok ng Taal Volcano, yumanig sa Pilipinas

Isang art card na may nakasulat na "Pray for Cebu and those affected by the earthquake" ang ibinahagi ni Arron.

Kalakip nito ang mensahe ng pakikiramay niya sa mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa pagguho ng ilang bahay at establisimyento nang tumama ang lindol.

Mababasa sa caption ng post ni Arron (published as is): "Taos-puso po akong nakikiramay at nananalangin para sa lahat ng naapektuhan ng malakas na lindol sa Cebu at mga karatig na lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa gitna ng takot at pinsala, naniniwala akong ang pagkakaisa, malasakit, at pananampalataya ang magsisilbing ilaw ng bawat pamilyang nasalanta.

"Nais kong ipagdasal ang mabilis na pagbangon, kaligtasan ng lahat, at agarang aksyon mula sa pamahalaan at mga ahensya ng serbisyong panlipunan.

"Sama-sama tayong manalangin para sa kaligtasan at mabilis na paggaling ng Cebu."

Arron Villaflor
Photo/s: Screengrab Arron Villaflor on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS REACT TO ARRON's POST

Bagamat maganda ang intensiyon at hangarin ni Arron sa kanyang post, marami sa netizens ang ginawa itong katatawanan.

Read: Thomas Markle, itinangging na-trap dahil sa lindol sa Cebu

Marami kasing nakapansin sa art card na tila nag-ala "Santino" raw ang aktor.

Santino ang pangalan ng karakter ni Zaijian Jaranilla sa defunct hit teleserye ng ABS-CBN na May Bukas Pa (2009), kunsaan gumanap siya bilang batang nakikita at nakakausap si Hesukristo. Mayroon din siyang kakayahang pagalingin ang mga may sakit.

Arron Villaflor removes
May Bukas Pa poster.
Photo/s: ABS-CBN
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa art card kasi ni Arron ay makikita siyang nakasuot ng pulang polo at aktong parang nagdarasal.

Arron Villaflor removes
Arron Villaflor draws mixed reactions—most of them criticisms—after inserting his photo in his social media post calling for prayers for earthquake victims in Cebu.
Photo/s: Arron Villaflor on Facebook

May ilan ding kinuwestiyon ang paglalagay sa litrato ng actor-politician sa art card ng paghingi niya ng tulong at dasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng isang netizen (published as is), "Santino lang ang peg? Patron saint of earthquake ikaw ba yan?"

Saad ng isa, "The intention is good but the execution is funny."

Sabi pa ng isa, "May mga tao talaga na di mapigilan ibida ang sarili kahit sa inappropriate situation no. Worse ay public servant pa."

Panunumbat pa ng isang netizen (published as is), "Very trapo vibes!!! Ganito yung mga galawan e, kada-post kailangan may mukha kahit wala namang connect sa ipo-post."

"2028 pa po election. Kalmahan niyo lang sir," dagdag pa ng isa.

Tila agad na nakarating kay Arron ang mga negatibong komento sa kanyang post.

Kung bibisitahin ngayon ang kanyang Instagram at Facebook page ay hindi na ito makikita.

Read: Miss Asia Pacific International candidates, ligtas mula sa lindol

Samantala, sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng Cebu Province, as of 7 A.M. ngayong Huwebes, October 2, tinatayang nasa 170,000 na sa Central Visayas ang apektado ng lindol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

72 na ang nasawi at nasa 300 na ang sugatan.

Pagdating sa casualties, pinakamarami ang naitala sa Bogo City na epicenter ng lindol.

Dahil dito, isinailalim na sa state of calamity of buong probinsiya ng Cebu.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arron Villaflor faces mixed reactions online after he included his photo in a social media post calling for prayers for earthquake victims in Cebu.
PHOTO/S: Arron Villaflor on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results