PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pete Lacaba, Ricky Lee reunite for special screening of Jaguar

Jaguar co-writer Pete Lacaba reveals he has dementia.
by Julie E. Bonifacio
Published Oct 1, 2025
Pete Lacaba and Ricky Lee on the making of Jaguar
Ricky Lee on Jaguar's timeless appeal to moviegoers: "So, maski hindi pa siya ipinapanganak noon, nakikita niya ang sarili niya o nakikita niya ang mga magulang niya o ang mga kaibigan niya. It gives you a sense of pride and a sense of heredity bilang Pilipino." Seen with Ricky is Pete Lacaba (left), who co-wrote Jaguar with him. On the right is a poster of the film starring Phillip Salvador and Amy Austria.
PHOTO/S: Julie Bonifacio / Jaguar poster

Nag-reunion ang dalawang batikang manunulat na sina Pete Lacaba at National Artist Ricky Lee sa opening night ng 7th Sinag Maynila Independent Film Festival sa Gateway Cinema sa Cubao, Quezon City, noong September 23, 2025.

Matagal nang hindi nagkikita sina Ricky at Pete dahil pinili ng huli na mag-lie low sa pagsusulat ng screenplay at hindi dumalo sa mga showbiz event.

Bungad ni Pete: “Bihira. Lumalabas ako pero hindi yung sa mga okasyon, oo.

"Ngayon lang ako [nag-attend ng media event]. Saka matagal na rin akong hindi na nagsusulat.”

Kaya na-enjoy raw ni Pete ang invitational screening ng Jaguar, na opening film sa katatapos na festival.

Ang obra na ito ay idinirek ng yumaong National Artist na si Lino Brocka, at ang screenplay ay isinulat nina Pete at Ricky noong 1979.

Bida rito sina Phillip Salvador at Amy Austria.

jaguar poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makasaysayan ang Jaguar dahil ito ay official entry ng Pilipinas sa Cannes Film Festival noong 1980, at ito ang kauna-unahang Filipino film na nominado sa prestihiyosong Palme d'Or award.

Ang founders ng Sinag Maynila na sina Cannes Best Director Brillante Mendoza at Solar Films President Wilson Tieng ang pumiling maging opening film ang Jaguar.

Reaksiyon ni Pete: "E, natutuwa ako’t interesado na makapanood ng ganoong pelikula.

"Medyo may naalaala pa naman ako. Guwardya nga kasi, e. Jaguar nga kasi. Nung time na yun, nung panahon namin dya-gwar."

Uso raw noon ang binabaliktad ang pagbigkas ng mga salita.

Dagdag ni Pete sa kolokyal na tawag sa security guard, "Ngayon, sikyu. Ang naririnig ko sikyu, e."

Read: Vice Ganda encourages public to normalize calling him “Sir”

PETE LACABA ADMITS TO HAVING DEMENTIA

Nang tanungin kung paano isinulat ang Jaguar, sabi ni Pete, "Alam mo, mas mabuting siya [Ricky] ang tanungin ninyo. Kasi ako, malilimutin na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May memory problem ako—dementia."

Inamin ni Pete na ang kanyang health condition ang dahilan kung bakit hindi raw siya aktibo bilang media practitioner.

Si Pete ay dating executive editor ng YES! Magazine (2013-2018).

Kilala rin siyang makata at journalist noong panahon ng martial law. Naditena siya noon dahil sa isinulat niyang acrostic poem na Prometheus Unbound, na tumutuligsa sa administrasyon ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

llan pa sa mga pelikulang co-writer siya ng screenplay ay ang classic films na Sister Stella L. (1984) ni Mike de Leon at Orapronobis (1989) ni Lino Brocka.

Paliwanag ni Pete sa estado niya ngayon: "Oo, medyo ano pa rin kasi... Hindi na ako makakuha ng trabaho sa journ. Kasi ako na rin ang natatakot baka hindi ko na rin kaya magsulat-sulat ng ano

"Pero partly dahil sa matagal din akong tumigil sa pagsusulat."

Kahit papaano ngayon ay maluwag daw ang oras niya pero mga personal na pagsusulat ang ginagawa niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nagsusulat-sulat ako ngayon sa bahay na lang," saad ni Pete.

"Mas patula-tula muna ako ngayon. May compilation ako ng mga dati kong tula.

"Pero yung mga bago, hindi pa. Nakakagawa ako ng mga tula ngayon paminsan-minsan."

Nabanggit naman ni Ricky na ang Jaguar ay sadyang ginawa para kay Phillip Salvador.

Balik-tanaw ni Ricky: "Kasi bilib na bilib si Lino noon kay Phillip. Kasi nakita niya [Direk Lino] na right [choice] na.

"Sa ibang mga project like yung project ni Pete [Lacaba], I think si Phillip din yun, no?

"Si Phillip din agad-agad, e. So, si Lino may ganoon, e. May mga artista siya na, ‘Ito ang ia-ano ko.’"

Read: Kyline Alcantara at Sandro Marcos, lumalalim na ang relasyon

RICKY LEE ON SOCIAL RELEVANCE OF JAGUAR

Ayon pa kay Ricky, magandang inisyatibo ang ipalabas ang classic Filipino films para ipakilala sa bagong henerasyon ng mga manonood.

Paliwanag ng aktibo pa ring beteranong writer at author: "Siyempre natutuwa ako na yung mga kabataan ngayon interesado sa mga ganitong istorya. Lalo na ang istorya nito tungkol sa estudyante na naging security guard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi makikita nila ganito pala tayo noon. Ganito pala ang mga Pilipino noon. Ganoon din pala ako. Parehas lang pala kami.

"So, maski hindi pa siya ipinapanganak noon, nakikita niya ang sarili niya o nakikita niya ang mga magulang niya o ang mga kaibigan niya.

"It gives you a sense of pride and a sense of heredity bilang Pilipino. So, mahalaga na panoorin nating lahat ang mga pelikula maski ipinalabas noong '70s, '60s, '50s. Kasi kasaysayan natin yun, e....

"[Parte ng] pagkatao, at doon tayo nanggaling."

Binigyan-diin ni Ricky ang kahalagahan ng ginawa ng Society of Filipino Archivists for Film (SOFIA) sa pagre-restore ng classic Filipino films.

Sabi ni Ricky: “Yung mga lumang pelikula na supposedly nakalimutan na, hinahalungkat nila, hinahanap nila at pinapakita nila na mahalaga ito. Kailangan mapanood.

"Kumbaga, mga gems ito, mga hiyas ito. I mean, modesty aside, kasi parte ako ng mga gumawa noon [pelikula].

"Mga hiyas ito, mga piraso ito ng kaluluwa nating mga Pilipino na binubuhay ulit ng SOFIA at ng iba pang mga archivist para mapanood natin. Para makita natin ang bahagi ng buhay natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakikita naman daw ni Ricky na maraming kabataan ang naeengganyong suportahan ang classic Filipino films.

"Nagpapalabas kami ng mga ganito, e, sa mga eskuwelahan — Moral, Himala... Nakikita ko yung reaksiyon nila na para bang kahapon lang ginawa ang pelikula.

"Nagre-react sila every scene. So, makikita mo na maski luma sila, relevant pa rin sila."

Ang Moral ay 1982 coming-of-age film na idinirek ni Marilou Diaz-Abaya, habang ang Himala ay idinirek ni Ishmael Bernal. Parehong si Ricky ang sumulat ng screenplay.

Pareho nang sumakabilang-buhay sina Marilou at Ishmael.

Pagkatapos ipalabas ang Jaguar, nagkaroon ng talkback session sa Gateway Cinema 5.

Read: Ben Tulfo castigates nephew Cong. Ralph Tulfo over P6.7M splurge

more lessons from JAGUAR

Ipinaliwanag din ni Ricky ang mahalagang aral na puwedeng makuha ng present-day generation sa panonood ng Jaguar.

Lahad ng National Artist: "Nung pinapanood ko kanina yung pelikula, hindi ko siya nakikita as luma na pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung great divide between the rich and the poor, nakikita ko siya noon, nakikita ko pa rin siya ngayon.

"Kung paano namamanipula, nae-exploit ng mga makapangyarihan, mga mayayaman, yung mahihirap. Nakikita ko pa rin siya. Pati yung desperate na sitwasyon ng mga mahihirap.

"Sa karakter na lang ni Anita Linda, nung nanay, kitang-kita mo yung paghihirap, and yet yung dignidad ng babeng Pilipina. Tanggap niya kung ano ang dapat niyang tanggapin.

"Pero hindi siya malamya na sumusuko. May quiet disdain.

"So, parang sa mga characters kanina na napanood ko, parang nakikita ko pa rin sila around ngayon sa palibot from the social space to the characters. So, yun."

Malaking bagay raw na sapul ni Lino kung paano ipakita ang salamin ng buhay sa kanyang mga pelikula.

"Meron si Lino na mata at puso na hindi hypocritical. Kung ano yung nakikita niya sa palibot, yun ang ipapakita niya. Kung itim, itim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“One word na hate na hate niya is to be a hypocrite. Kung ano siya sa likod ng kamera kapag nagdidirek, kung ano siya kapag nasa kalsada na wala sa pelikula, kung ano siya sa loob at labas ng pelikula, the same siya.

"Kasi may iba na nagbabago ang personalidad, e. Si Lino pareho siya maski saan. Nasa loob ng bahay, nasa labas, nasa loob ng CR, nasa bar, it’s the same Lino Brocka. Wala siyang maskara or pagpapanggap.

"And I think, lumalabas yun sa mga pelikula niya. Yun ang nakikita niya before na totoo. Yun pa rin ang totoong lumalabas.

"And that’s the reason why kapag pinapanood natin siya maski luma na nakikita natin ang katotohanan na nakita ni Lino nang walang filter."

Bukas ba si Ricky sa posibilidad na magkaroon ng remake ang Jaguar?

Sagot niya: "Well, baka magkaiba kami ng opinyon ni Pete dito.

"I’m a very open person. Ako, naniniwala ako sa remakes in the sense that,unang-una, sana ito ang kumalat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi may napaka-relevant niya na mensahe. At hindi lang yung mensahe niya, yung storytelling niya ibang klaseng mata. Ibang klaseng perspective, e.

“And so, siyempre gusto kong makita ng mga tao yung social issues nung character sa mata ni Lino. And kung minsan, sa mata namin.

"Sana ang pelikulang ito ang kumalat rather than mag-remake."

Depende rin naman daw sa intensiyon kung bakit kailangang gawan ng remake.

"Pero if there’s a need na mag-remake, kung hindi na ito lumalabas, at masasabi yung the same social content at maraming taong iba pang mangmumulat, why not? Maraming klase ganoon ang lumabas sa pelikula.

"Pero sana ito na lang ang i-priority, hindi dahil kasama ako doon sa pelikula kundi nung napanood ko kanina, kasya na siya, e. Nakuha ko na siya, e.

"Hindi ko na kailangan ng duplicate niya para makuha ko yung dapat kong makuha," saad ni Ricky.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricky Lee on Jaguar's timeless appeal to moviegoers: "So, maski hindi pa siya ipinapanganak noon, nakikita niya ang sarili niya o nakikita niya ang mga magulang niya o ang mga kaibigan niya. It gives you a sense of pride and a sense of heredity bilang Pilipino." Seen with Ricky is Pete Lacaba (left), who co-wrote Jaguar with him. On the right is a poster of the film starring Phillip Salvador and Amy Austria.
PHOTO/S: Julie Bonifacio / Jaguar poster
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results