Umapela si Chie Filomeno sa publiko na huwag nang idamay ang pangalan ng mga Lhuillier ng Cebu sa kung anumang isyung kinasasangkutan niya sa kasalukuyan.
Nitong mga nakaraang linggo, naugnay ang pangalan ni Matthew Lhuillier, na mula sa kilalang angkan at mga negosyante sa Cebu, kay Chie.
Sa kanyang Instagram Story ngayong Lunes, September 29, 2025, ibinahagi ni Chie ang saloobin ukol sa mga nababasa at naririnig niyang isyu tungkol sa kanyang buhay at ng pamilya Lhuillier.
Hinikayat niya ang publiko na huwag nang idamay ang mga Lhuillier dahil mga pribadong tao raw ang mga ito.
Saad ni Chie: "I've been reading and hearing a lot these past few days and I ask that my past relationship, my present life, and the Lhuillier family be left out of this issue.
"They don't deserve to be dragged into something that has nothing to do with them.
"No further statements will be made at this time. I kindly ask that people refrain from speculation or intrusions into my private affairs.
"Thank you for your understanding and cooperation."

Sinundan niya ito ng isa pang post.
Nakasulat dito: "I may be a public figure, but I am not public property. I ask that my private life remain private. -Chie"

Read: Kris Aquino "looking well" on latest photos
WHO IS MATTHEW LHUILLIER?
Si Matthew Lhuillier ay bahagi ng prominenteng Lhuillier family ng Cebu.
Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa Pepperdine University sa California.

Ayon sa kanyang LinkedIn account, si Matthew ay kasalukuyang chief operations officer (COO) ng Mlfood Products, na nagdi-distribute ng dried fruits.

Subsidiary ito ng M. Lhuillier Group of Companies.
Isa rin siya, katuwang ang amang si Michael Lhuillier, sa nagpasimuno sa Bisaya Brew Premium Craft Beer, isang homegrown beer label.
View this post on Instagram
Nagsimulang ma-link si Matthew kay Chie nang i-promote ng aktres sa kanyang Instagram Story noong September 22, 2025 ang Bisaya Brew beer nina Matthew.
Ayon sa post ni Chie: "not a fan of beer normally but gaaahdeym this @bisayabrew changed it. lami kaayo ni nga beer, way atik [ang sarap ng beer na to, walang biro]"

Noong September 25, napabalita namang in-unfollow nina Chie at Jake Cuenca ang isa't isa sa Instagram, na nagpahiwatig na tinuldukan na nila ang kanilang relasyon.
Read: Jake Cuenca, Chie Filomeno unfollow each other on Instagram
