PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricky Lee explains why it's wrong to say "wala nang pag-asa"

Ricky Lee: "Dapat lahat tayo magkaroon ng paninindigan."
by Rommel Gonzales
Published Sep 29, 2025
Ricky Lee weighs in on Filipino people's sentiments on the flood control controversy
National Artist Ricky Lee on celebs voluntarily standing up for truth and justice against corruption: "Sabihin mo ang dapat mong sabihin at makisangkot. Makipaglaban kung kinakailangan. Dahil hindi ka artistang nakahiwalay na nasa itaas, na nasa pedestal, kapantay ka namin lahat dito na naglalakad sa kalsada ng mga kapwa-Pilipino."
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Bukas si National Artist Ricky Lee, 77, sa pagsasabing kailangang may managot sa talamak na korapsyon sangkot ang mga matataas ang posisyon sa gobyerno.

Kaugnay pa rin ito ng maanomalyang sabwatan sa bilyun-bilyong pisong kickback mula sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Read: Vice Ganda to corrupt politicians: "P.I. ninyo!"

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inihayag ni Ricky na hindi puwedeng walang pakialam ang taong-bayan.

Saad ng mutli-awarded screenwriter: "I think bilang Pilipino, bilang kapwa Pilipino, I think lahat tayo dapat maging concerned at dapat lahat tayo magkaroon ng stand, paninindigan, sa kanya-kanyang paraan, sa kanya-kanyang kakayahan.

"Pero I think hindi ka pupuwedeng 'Wala akong nakikita, wala akong naririnig, Ayokong makisali.’"

Tingin niya, walang makakapagsabing hindi sila direktang apektado ng nangyayari sa bansa.

"Parang hindi ka puwedeng maging masaya kung sa palibot mo ang dami mong kababayan ang naghihirap at hindi masaya at binabaha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, parang kakabit ka na ng kapalaran nila, e."

Kaya raw positive development, ani Ricky, ang ipinakitang pagkakaisa ng mga Pilipinong lumahok sa Trillion Peso March na ginanap sa EDSA noong September 21, 2025.

"Natutuwa ako na, finally, maybe sumulak na yung galit. At hopefully, eventually, it will go to a point where may mangyayari.

"Kung ano yung mangyayari, hindi ko siyempre mahuhulaan sa ngayon, but I think may mangyayari.

"Although ang dami-daming negative news and everything, I'm very hopeful, I’m very hopeful."

Malaking bagay na malawak ang interes ng taong-bayan sa bawat development sa imbestigasyon sa Senado.

Marami ang tutok sa livestream ng hearings pati na sa mga nauungkat na impormasyong nakakalap ng netizens.

Paliwanag ng award-winning screenwriter and author: "Nakita ko yung mga tao sa martsa, mga kabataan, mga GenZ na ang dami-dami, mga kasamahan ko sa industriya.

"[It] gives you hope. Na huwag tayong magsabi na, 'Wala nang mangyayari. Wala nang pag-asa. Ang hirap namang mahalin ng Pilipinas. Ang hirap naman ng mga kababayan ko. Bakit naman sila ganito?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kesa magsisihan ng ganun na parang nagda-down tayo, hayaan nating magningas pa lalo yung spark na nasimulan na, yung spark ng hope."

Nakausap ng PEP si Ricky sa opening ceremonies ng Sinag Maynila 2025, kunsaan ang opening film ay ang classic 1997 film na Jaguar.

Sina Ricky at Jose Maria "Pete" Flores Lacaba ang sumulat ng screenplay, at ang direktor naman ay ang isa pang National Artist na si Lino Brocka.

Ginanap ito sa Gateway 1 Cinema 5 noong Martes, September 23.

Ang mga nalalabi pang screening ng Jaguar ay ngayong Lunes ng gabi, September 29, 8 P.M. sa Market Market.

Ipalalabas din ito bukas, September 30, sa Gateaway, 3 P.M; SM Mall of Asia, 8 P.M, at Robinsons Antipolo, 8 P.M.

Read: Agot Isidro, Karen Davila angry over "basura" code for kickbacks

RICKY LEE ON MINING STORIES FROM CURRENT EVENTS

Hindi ba siya na-inspire gumawa ng isang pelikula tungkol sa mga nangyayari ngayon?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni Ricky: “I think, eventually, yes. Pero in the meantime, magmasid, makisangkot, makinig muna, ipunin lahat ng kuwento.

"Parang ang dami-daming mga kuwento, ang dami-dami kong nakikita.

"Yung kuwento na lang nung mga hinuli, bawat isa dun may kuwento. Sino sila? Saan nanggaling? Bakit sumulak ang kanilang galit to that point?

“Yung mga kuwento ng… Siguro may mga pulis din na naiipit sa gitna, kuwento rin naman yun, e. 'Kanino ako kakampi? Sino nga ba ako? Pilipino pa ba ako?' Etc.

“Parang ang dami-daming kuwento. So, para sa isang manunulat at filmmaker, napakasarap na kasangkot ka bilang ikaw, but at the same time kasangkot ka bilang manunulat na nag-oobserba at magsusulat eventually about you."

Sa ginanap na malawakang kilos-protesta laban sa nakawang nagaganap sa gobyerno, maraming artista ang nakisali upang ihayag ang kanilang galit at saloobin.

Kabilang dito sina Vice Ganda, Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Catriona Gray, Rhian Ramos, Angel Aquino, Donny Pangilinan, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Anne Curtis, Tessie Timas, Elijah Canlas, Maris Racal, Nadine Lustre, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang nararamdaman ni Sir Ricky sa partisipasyon ng mga artista sa naganap na protesta?

Lahad niya, “How nice, di ba? Kasi dati ang mga artista laging protective sa image nila, 'Baka mag-complain yung product na ine-endorse ko. Baka manibago yung fans ko. Nag-iiba ang image ko.'

"Hindi sila ngayon natatakot sa image nila. Kung kailangan magsalita, magsasalita sila, so how nice.

"Parang in a way, yung sitwasyon for so long kinakahon sila, parang kumawala sila sa kahon. And dahil nakikita yan ng iba pang mga kasamahan sa industriya, mae-encourage din sila na tama pala at masarap pala na kumawala sa kahon.

"Sabihin mo ang dapat mong sabihin at makisangkot. Makipaglaban kung kinakailangan. Dahil hindi ka artistang nakahiwalay na nasa itaas, na nasa pedestal, kapantay ka namin lahat dito na naglalakad sa kalsada ng mga kapwa-Pilipino.

"So, pare-pareho tayo ng pinagdadaanan, pare-pareho tayo ng ipinaglalaban."

Ang mga nagpunta sa EDSA at iba pang lugar kung saan idinaos ang mga rally ay may malalaking endorsements, pero naroroon sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Ricky: "Kaya isa yan sa mga nagbibigay sa akin ng pag-asa, na it will lead to brighter things

"Maraming nagsasabi na, ‘Naku, ayan na naman. Naku, ganito na naman. Naku, paulit-ulit na lang tayo.'

"Wala naman tayong magagawa, e. Kailangan ulitin natin nang ulitin hanggang magkaroon ng magandang resulta.

"Hindi nating puwedeng sabihin na, 'Sawa na ako, ulit na lang nang ulit, wala namang nangyayari.' Hindi naman puwedeng ganun.”

Read: NBI recommends prosecution of Escudero, Villanueva, Estrada, Revilla

OPEN FOR JAGUAR REMAKE

Samantala, ang Jaguar ay pinagbidahan ni Phillip Salvador.

Kung gagawan ng bagong version ang pelikula, ayos lang ba kay Ricky?

"Yeah, very open ako sa ganun," sagot niya.

"I think bilang filmmaker, hindi ko sasabihing, 'Pag-aari ko ito.'

"Kung yung content ng Jaguar makakatulong sa mga tao ngayon, sa mga kababayan, at kung may ibang taong mag-i-interpret sa kanya sa isang paraan na mas makakarating lalo sa consciousness ng mga tao, bakit ko ipagkakait iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang mahalaga, maikalat yung tamang mensahe, at isa lang naman ako sa naging instrumento noon ng mensahe. Let others do it if they can, so I'm very open.

"Maski na anong trabaho, maski yung Himala ni Pepe Diokno.”

Ang pelikulang Isang Himala na idinirek ni Pepe ay pinagbidahan ni Aicelle Santos, at kasama sa Metro Manila Film Festival 2024 entries. Ang script ay magkasamang isinulat nina Pepe at Ricky.

Ang orihinal na pelikulang Himala, na pinagbidahan ng Supertar na si Nora Aunor ay si Ricky ang sumulat.

“Ang importante makatulong tayo sa pagbubukas ng mga mata ng mga tao sa palibot natin, pati sarili nating mata," dagdag ni Ricky.

Kung si Aicelle ang nag-remake ng Himala, may nakikita ba si Ricky na artistang puwedeng mag-remake ng Jaguar?

“Actually, maraming mahuhusay ngayon na artista, mula kina Alden [Richards], even hanggang kina Dennis Trillo. So, maraming puwede. Sana."

Read: Bong Revilla, Martin Romualdez strongly deny allegations linking them to flood control corruption

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Artist Ricky Lee on celebs voluntarily standing up for truth and justice against corruption: "Sabihin mo ang dapat mong sabihin at makisangkot. Makipaglaban kung kinakailangan. Dahil hindi ka artistang nakahiwalay na nasa itaas, na nasa pedestal, kapantay ka namin lahat dito na naglalakad sa kalsada ng mga kapwa-Pilipino."
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results