Sa wakas ay natupad na ang matagal nang hiling ni Lian Paz at non-showbiz fiancé na si John Cabahug.
Ikinasal sina Lian at John sa pamamagitan ng civil wedding ceremony.
Read: Former EB Babe Lian Paz details love story with Cebuano partner, how he accepted her kids
Base ito sa litratong ibinahagi nila sa Instagram kahapon, September 25, 2025.
Nakasuot ng long-sleeved wedding gown si Lian, habang si John ay naka-Filipino barong at black pants.
Kuha ang litrato sa munisipyo sa Mandaue, Cebu, hometown ni John at lugar kung saan nakabase na rin si Lian mula nang maging sila ni John.
Madamdaming caption ni John: "I love you forever, Lian."

Si Lian ay dating EB Babes member na naging aktibo sa pagma-manage ng negosyo ni John.
Si John ay kasalukuyang konsehal sa Mandaue mula nang manalo sa May 2025 elections.
February 2021 pa nang mag-propose si John ng kasal kay Lian.
Read: Lian Paz, engaged na sa kanyang partner na si John Cabahug
Pero hindi pa agad makapagpakasal ang couple dahil ongoing pa noon ang annulment ni Lian sa estranged husband na si Paolo Contis.
Hiwalay na sila mula noong 2012.
Matagal na ring hindi nagbigay ng update si Lian sa annulment case nila ni Paolo.
Hanggang sa masayang ibinahagi ng partner ni Lian na si John ang tungkol sa kanilang kasal.
LIAN PAZ AND JOHN CABAHUG LOVE STORY
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong 2020, ibinahagi ni Lian ang love story nila ni John.
Teenagers pa lamang daw sila nang magkakilala sa Cebu.
Noong panahong iyon ay tumira ang pamilya ni Lian sa Cebu dahil sa trabaho ng kanyang ama roon.
Matagal na panahong hindi nagkita sina Lian at John dahil magkaiba ang tinahak nila sa buhay.
Pagsapit ng early 2013, hindi inaasahang muling nagkrus ang landas ni Lian at ng dating schoolmate na si John.
Nagkahulugan sila ng loob, at kalaunan ay nagdesisyong magsama at manirahan sa hometown ni John sa Cebu.
Sa loob ng nakalipas na higit isang dekada, sinabi ni Lian sa PEP na saksi siya kung gaano ka-devoted father si John.
Si John na rin daw ang tumayong ama sa dalawang anak ni Lian kay Paolo na sina Xonia at Xalene.
Nagkaroon din ng anak sina Lian at John.
HOW LIAN AND JOHN LET PAOLO INTO THEIR DAUGHTERS' LIVES
Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Lian noong August 2025, inilahad niyang malaking bahagi ang pananampalataya nila ni John sa Diyos kung bakit daw maayos ang blended family nila ni John.
Ang pagkakaroon daw nila ng spiritual community ang tumulong sa kanila ni John pagdating sa pag-ayos ng relasyon nila bilang partners, at ito rin daw ang nagbigay sa kanila ng direksiyon kung paano gagabayan ang mga anak.
Read: How Lian Paz and John Cabahug raise their daughters
Unti-unti ring naayos ang komunikasyon ni Lian kay Paolo.
Read: Lian Paz details how Paolo Contis reached out to visit kids
Noong August 2025, si Paolo ang nagsapubliko ng panunumbalik ng komunikasyon niya sa mga anak nila ni Lian.
At nagpasalamat pa si Paolo kina Lian at John na hinayaan siyang makausap at makitang muli sina Xonia at Xalene.
Read: Paolo Contis, muling nakapiling ang mga anak kay Lian Paz
