Hiwalay na ba sina Jake Cuenca at Chie Filomeno?
Ito ang usap-usapan ng netizens matapos mag-unfollow sina Jake, 37, at Chie, 29, sa isa't isa sa Instagram.

Kung titingnan ang kanilang Instagram accounts, makikitang wala na nga sila sa listahan ng followers ng isa't isa.

Walang bakas ng anumang alitan sa pagitan nila dahil hindi rin naman sila gaanong nagpo-post ng kanilang couple photos.
JAKE CUENCA AND CHIE FILOMENO RELATIONSHIP
Dalawang taon na rin ang nakararaan nang unang maisapubliko ang kanilang pagkakamabutihan.
Noong una ay ayaw pa nilang lagyan ng label ang kanilang relasyon, at sinasabi lang nilang napapasaya nila ang isa't isa.
Read: Jake Cuenca: 'I'm Super Happy' with Chie
Pero sa panayam niya sa press noong September 2023, umamin si Jake na November 2022 nang maglakas-loob daw siyang lapitan si Chie sa Christmas Ball ng Star Magic.
Inilarawan pa ni Jake na si Chie ang kanyang "The One That Got Away" dahil dati na raw silang nag-date noong nagsisimula pa lang si Chie sa showbiz.
Pero hindi raw sila nag-work out noon, kaya desidido raw si Jake na hindi na pakawalang muli si Chie.
Read: Jake Cuenca counts Chie Filomeno as "the one that got away"
Noong Hulyo 2025 ay may panayam pa kay Jake kunsaan natanong pa siya tungkol kay Chie, at sa mga sagot niya noon ay malinaw na sila pa.
Hanggang sa naging usap-usapan ngang break na sila nitong mga nagdaang linggo.
May mga espekulasyon ding kumakalat online tungkol sa hiwalayan nila, pero tikom pa rin ang bibig ng dalawa sa ngayon.
