PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Donny Pangilinan gives P300K to kariton vendors on It’s Showtime

Netizen: "Donny Pangilinan you have such a pure heart."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 25, 2025
Donny Pangilinan gives 300K to kariton vendors on It’s Showtime
Donny Pangilinan earns praise after donating PHP300,00 to kariton vendors on It’s Showtime.
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube

Maagang Pamasko ang handog ng Kapamilya actor na si Donny Pangilinan sa 20 kariton vendors na naging contestant sa It's Showtime.

Nagdesisyon si Donny na magbigay ng regalo dahil naantig siya sa kuwento ng paghihirap at pagtitiis ng kariton vendors habang kumakayod nang marangal sa kalsada.

Noong Miyerkules, September 24, 2025, naglaro sa segment na "Laro Laro Pick" ang kariton vendors—tindera ng gulay, prutas, tubig, biskwit, at iba pa.

Read: Belle Mariano admits to feeling real kilig with Donny Pangilinan

Ilan sa kanila ang nagbahagi ng karanasan sa pagtitinda sa kalsada, umulan man o umaraw.

Kabilang sa kinausap ni Vice ang 67-year-old na si Rosie.

Si Rosie ay nagtitinda ng softdrink, tubig, kape, at sigarilyo sa kanyang munting kariton na umiikot sa Parañaque at Pasay.

Kuwento ni Rosie, sa kariton na rin sila natutulog ng kanyang anak dahil pinalayas sila sa noo'y tinutuluyan nilang bahay dahil hindi sila nakakabayad ng upa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging emosyunal pa siya nang ibahagi kung paano niya tinitiis ang ganitong klase ng buhay.

Bagamat pagod na siya sa kakatrabaho, wala siyang ibang magawa kundi magdasal na lang at lunukin kung anuman ang ibabato ng tadhana sa buhay nilang mag-ina.

Matapos marinig ang kuwento, sinabi ni Vice na bibigyan ng pansamantalang masisilungang bahay si Rosie at ang anak nito.

Donny Pangilinan gives 300K to kariton vendors on It’s Showtime
Photo/s: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Vice: "Maghahanap po kami ng puwede niyong tirhan sa Baclaran, kami po ang magbabayad.

"Kahit isang taon man lang, maghahanap ako ng matitirhan mo sa Baclaran, tapos isang buong taon babayaran ko yon.

"Pasensya na, hindi ko po kaya yung panghabambuhay, hindi ko po mapapangako.

"Pero isang taon man lang maibawas ko na nasa ilalim ka ng buwan, ulan, at araw.

"Kahit katiting man lang makatulong kami na maging maayos yung tulog at hihigaan mo. Ayan po ang regalo namin sa iyo sa Pasko."

Read: Escudero, Binay deny involvement in flood control corruption

Donny Pangilinan touched by stories of 20 vendors

Agad nag-viral online ang episode na iyon ng Kapamilya noontime show.

Maraming netizens din ang naantig sa kuwento ng mga kariton vendor na nagbahagi ng kanilang kuwento sa buhay.

Kabilang sa nakurot ang puso ay ang aktor na si Donny Pangilinan.

Sa episode ng It's Showtime ngayong Huwebes, September 25, ay excited na ibinalita ni Vice ang nais ipaabot na tulong ni Donny sa dalawampung kariton vendors.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento ni Vice, matapos iere ang kanilang episode ay agad daw siyang nakatanggap ng tawag mula sa aktor.

Kuwento ni Vice: "Tumawag talaga siya sa akin kahapon, sabi niya, 'Vice, nadurog ako.'

"Nasa taping siya kahapon para sa bago niyang teleserye, malayo sa Pilipinas.

"Sabi niya, 'Nadurog ako. Hindi ko kinaya yung episode kahapon. May chance pa ba na makita mo sila ulit?'

"Sabi ko naman, 'Bakit? Puwede ko naman sila ipatawag.'

"Sagot niya, 'Hindi kasi kaya talaga ng kalooban ko, gusto kong magregalo.'"

Ang regalong sinasabi ni Donny ay ang pagbibigay niya ng PHP300,000 mula sa sarili niyang bulsa.

Pagmamalaking sabi ni Vice, "Si Donny Pangilinan po ay nagpadala sa akin ng PHP300,000 para bigyan ng tig-PHP15,000 kada player kahapon na kariton vendor."

Personal na tinanggap ng kariton vendors ang regalo sa kanila ni Donny sa "Laro Laro Pick" segment ngayong araw.

Kitang-kita sa mukha ng mga ito ang labis na kasiyahan sa natanggap na maagang pamasko. Kaya naman nag-uumapaw ang kanilang pasasalamat kay Donny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging ang It's Showtime host, sa pangunguna ni Vice, ay labis-labis din ang pasasalamat kay Donny dahil sa kabutihang ipinakita nito.

Read: NETIZENS REACT: Vice Ganda, Cardinal David's views on death penalty

NETIZENS PRAISED DONNY

Dahil sa ipinamalas na malasakit ni Donny, maraming netizens ang natuwa at sinaluduhan siya.

Read: Donny Pangilinan donates relief goods for typhoon victims

Tweet ng isang netizen sa X: "Donny Pangilinan you have such a pure heart. God bless you always!!"

Saad ng isa: "Not a fan of him pero he earned my respect."

Sabi pa ng isa (published as is): "Donny has a way of touching lives through his consistent acts of kindness and his willingness to give blessings to others. Hindi ito ang unang beses na ginawa nya ‘to. His heart is a constant source of inspiration hays donato araw-araw mo kaming pinapahanga."

Read: Ellis Co speaks out against his father Congressman Zaldy Co

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donny Pangilinan earns praise after donating PHP300,00 to kariton vendors on It’s Showtime.
PHOTO/S: Screengrab ABS-CBN Entertainment on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results