PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian, Sarah, other celebs show online support for protest

Shuvee has a new meaning for TDH
by Mark Angelo Ching
Published Sep 21, 2025
Marian Rivera, Sarah Geronimo
They may not be physically at the protest rallies today, but Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Popstar Royalty Sarah Geronimo, and other celebrities show their support by posting their take on corruption via their social media accounts.
PHOTO/S: @marianrivera Instagram / Tomasinoweb on Facebook

Nakikiisa ang maraming artista at celebrities sa panawagan ng mamamayan laban sa corruption ngayong araw.

Marami sa mga sikat na personalidad ang namataang dumalo sa iba’t ibang rally ngayong araw, September 21, 2025.

Ilan sa mga nakita sa kalsada ay sina Vice Ganda, Darren Espanto, Maris Racal, Jodi Sta. Maria, Dingdong Dantes, Marjorie Barretto, Benjamin Alves, Andrea Brillantes, at marami pang iba.

Mayroon namang mga artista na hindi pa nakadalo kaya’t nagbigay na ng suporta online.

MARIAN RIVERA

Ni-repost ni Marian Rivera sa kanyang Instagram Stories ang bahagi ng kanyang mga speech noong nanalo siya ng best actress award sa dalawang event, para sa pelikulang Balota.

Ang unang clip ay mula sa Entertainment Editors' Choice Awards noong July 20, 2025. Ang pangalawa ay para sa kanyang panalo sa 53rd Guillermo Mendoza Box Office Awards noong July 28, 2025.

Sa video clips, sinabi ni Marian na kailangang magkaisa laban sa corruption.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung sakit ng kurapsyon, ito yung sumasakal sa ating bayan, na sana ito yung sakit na hindi natin tinatanggap,” sabi niya sa video clips.

Video: @marianrivera Instagram.

Nag-post din si Marian ng isang art card na kalakip ang parehong quote.

Marian Rivera artcard
Photo/s: @marianrivera Instagram

SARAH GERONIMO

Nag-post din ng mensahe sa kanyang Instagram Stories si Sarah Geronimo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakikiisa kami sa tinig at panalangin ng sambayanang Pilipino. Nanawagan kami ng hustisya laban sa talamak at garapalang pagnanakaw sa kaban ng bayan,” panimula ng singer-actress.

Dagdag pa niya, sana raw ay may managot sa nangyaring katiwalian.

“Panagutin ang mga tiwaling opisyal at igiit ang pananagutan. Ito ang aming paninindigan at sigaw ng pagkakaisa para sa Pilipinas,” saad ni Sarah.

Sarah Geronimo post
Photo/s: @justsarahgph Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


Matatandaang nabalita na noong mga nakaraang araw ang performance ng ASAP singer sa pagbubukas ng UAAP dahil nagsalita na ito noon tungkol sa issue.

“Parang panloloko sa bansa natin, pinaikot-ikot lang tayo, tama na,” sabi ni Sarah sa gitna ng pag-perform ng kantang Ikot-Ikot.

Nangyari ang pagbubukas ng UAAP Season 88 noong September 19, 2025, sa University of Sto. Tomas sa Maynila.

Read: Sarah Geronimo speaks out against the rotten system in government

JUDY ANN SANTOS

Samantala, may dalawang post naman si Judy Ann Santos na tila sumusuporta sa protesta.

Ang unang post ni Judy Ann sa kanyang Instagram Stories ay ang quote na, “Protesting is never a disturbance of the peace. Corruption, injustice, war and intimidation are disturbances of the peace.”

Judy Ann Santos post
Photo/s: @officialjuday Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pangalawa naman niyang post ay ang quote galing kay Pope Francis. “Corruption is paid by the poor,” ang sabi ng quote.

Judy Ann Santos post
Photo/s: @officialjuday Instagram

JANINE GUTIERREZ

Nagpaabot din ng suporta si Janine Gutierrez para sa mga nag-rally ngayong araw.

Sinabi ng aktres sa kanyang Instagram post na nakiisa siya kahit wala siya sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Currently out of the country but standing in solidarity with everyone in Luneta, EDSA, and all the other rallies against corruption that are happening today,” sabi ng Kapamilya actress.

Video: @janinegutierrez Instagram.

Kalakip ng mensahe ni Janine ang repost niya ng video kung saan in-interview si Party-list Representative Chel Diokno tungkol sa rally.

DOLLY DE LEON

Wala rin sa bansa sa ngayon si Dolly de Leon dahil may mga commitment siya sa ilang Hollywood productions.

Gayunpaman, nagpaabot siya ng suporta sa protesta sa kanyang Instagram account.

Sa kanyang Stories ay makikita na ni-repost niya ang ilang mga art card na may impormasyon tungkol sa rally.

Ni-repost din niya ang isang art card mula sa Aktor PH, ang organisasyon na kinabibilangan niya.

Ayon sa art card, “Nakikiisa ang Aktor sa mapayapa’t makabuluhang pagtitipon ng sambayanan laban sa korapsyon. Kami’y naninindigan na dapat panagutin ang mga salarin na patuloy na inilulubog ang bayan sa baha ng pagkalugmok, at palakasin ang mga institusyong mag-aangat sa kinabukasan ng bawat Pilipino.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Dolly de Leon post
Photo/s: @dollyedeleon Instagram

Ni-repost din ang parehong art card ng ilan pang miyembro ng Aktor, tulad nina Iza Calzado, Piolo Pascual, at Dingdong Dantes.

DOUG KRAMER

Tungkol naman sa kinabukasan ng kanyang mga anak ang pahayag ni Doug Kramer.

Sa isang Instagram post, sinabi ng sportsman-turned-influencer na nais niya raw protektahan ang mga anak laban sa mga tiwali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“As a father, I look at my children, and I see the future I want to protect. As a citizen of this country, I know their future is being stolen. As a family living in a country that we love so much, this greatly hurts all of us,” said niya.

View this post on Instagram

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


Nanawagan din siya na sana ay itigil na ang katiwalian para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataan.

“We need to demand change from our leaders, and we need to choose them wisely. Let's not just talk about fighting corruption; let's act on it. This is a fight for our children's future, we will not stand by and let it be stolen. Our country deserves better,” sabi ni Doug.


PBB COLLAB HOUSEMATES

Kasali rin sa mga nagsasalita ang ex-housemates sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition tulad nina Will Ashley, Klarisse de Guzman, at Shuvee Etrata.

“We could have been more if we had more. But this is why we need to DEMAND MORE,” saad ni Will sa kanyang Twitter account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ng Kapuso actor, “We deserve better. And it is our right, our honor to fight for what our people deserve.”

Matapang naman ang post ni Klarisse. “TAPAKAN NATIN ANG MGA KORAP. WALANG SORRY SORRY!” saad ng singer-actress sa kanyang Twitter account.

Samantala, nag-post naman si Shuvee ng bagong kahulugan ng catchphrase niyang TDH.

Sa Instagram Stories ng actress-TV host, nakalagay ang bagong meaning ng TDH na Taxes, Democracy, Hope.

Shuvee Etrata post
Photo/s: @shuveeetrata Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“For our Taxes, for our Democracy and for our Hope. Wakasan ang korapsyon!” saad pa ng post ni Shuvee.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
They may not be physically at the protest rallies today, but Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Popstar Royalty Sarah Geronimo, and other celebrities show their support by posting their take on corruption via their social media accounts.
PHOTO/S: @marianrivera Instagram / Tomasinoweb on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results