PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Piolo to corrupt gov't. officials: “Sana magkaroon ng konsensiya”

Piolo praises The Ride co-star Kyle Echarri
by Mark Angelo Ching
Published Sep 21, 2025
Piolo Pacual at The Ride mediacon
“Mayroon akong back-tax na kailangan kong bayaran. Di ko mabayaran kasi parang pambibili lang naman nila ng luxury goods. Pambabiyahe lang naman nila. Hindi, joke lang,” jests Piolo Pascual, in connection with the personalities involved in the flood control projects issue.
PHOTO/S: Mark Angelo Ching

Hindi na napigilan ni Piolo Pascual na magbigay ng opinyon tungkol sa nangyayaring kontrobersiya dulot ng mga anomalya sa flood control projects.

Biro niya, baka hindi na lang siya magbayad ng tax.

“Mayroon akong back-tax na kailangan kong bayaran. Di ko mabayaran kasi parang pambibili lang naman nila ng luxury goods. Pambabiyahe lang naman nila. Hindi, joke lang,” sabi ni Piolo habang tumatawa.

May kaugnayan ang biro ni Piolo sa nag-viral na maluluhong lifestyle ng mga contractors at politicians na naisiwalat na may anomalyang ginawa sa flood control projects na pinondohan ng gobyerno.

Nagresulta ang pagsisiwalat na ito ng mas matinding disgusto ng mga mamamayan na ngayon ay pagod na sa nangyayaring korapsyon sa gobyerno.

Read: Philippine Flood Control Corruption: A Timeline

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang showbiz press ang Kapamilya actor sa advanced screening ng The Ride noong Lunes, September 15, 2025, sa isang mall sa Taguig City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang The Ride ay ang bago niyang pelikula with Kyle Echarri. Produced ito mismo ni Piolo through Sping Films, at malapit na itong ipalabas.

Pagpapatuloy ni Piolo, sinisiguro niya lagi na tama ang binabayad niyang buwis.

“Wala nga tayong tax refund, e,” saad niya. “Pero wala, e. You have to abide, especially that you’re in the business. Pwede kang pagdiskitahan. Pwede kang i-audit. Kaya nga kami talaga ever since, especially sa showbiz, black and white. Kasi nakaharap ka, e. 'Tapos taxpayer ka pa.”

Isa sa top taxpapers ang actor-producer kaya’t sinusundan niya ang balita tungkol sa korupsyon sa pamahalaan. Ito ay kahit sobrang busy niya sa ngayon.

“As a citizen, it’s my job to be on the know. It’s my job to know what’s happening, not just to be updated but also to be updated with what’s happening with the nation because you’re a citizen,” pahayag niya.

Dagdag pa niya, sana raw ay makonsensiya ang mga salarin sa pagnanakaw.

“Sana magkaroon ng konsensiya ang mga tao kasi nakakahiya. Nakakahiya talaga. Sana makonsensiya sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi yung pera, saan mo pa dadalhin yung pera mo? Sana yung sapat e sapat na. Wag mo nang nakawan yung mga taong naghihirap na nga. Magkaroon tayo ng konsensiya, yun na lang ang pwede kong sabihin,” sabi ni Piolo.

THE RIDE WITH KYLE

Samantala, masayang-masaya naman si Piolo na ipapalabas na sa September 24, 2025, ang The Ride.

Noong 2023 pa kasi nila sinimulang gawin ang pelikula pero natagalan sila bago ito ilabas.

Paliwanag niya, “This was during the pandemic, e. And at that time, we really wanted a theatrical release. And it’s hard, because you know, kailangan mo munang balansehin at i-test kung ano yung kalagayan ng film industry.

"And we don’t want to risk it, kasi hindi naman siya typical romcom, it’s not your mainstream kind of film. So, it was gonna be a risk. So, we had to wait.”

Malaki ang pasalamat niya sa MQuest Ventures na tumulong para sa distribution ng The Ride.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Because of that, nagkaroon kami ng backbone, and when we spoke to SM, personally, we asked if we can show it exclusively kasi marami naman silang theaters. Eighty malls.

"So, yun, gagapangin mo talaga. Then you wait for the right time. I believe na lahat naman ng bagay ay may tamang pagkakataon na ipalabas,” saad niya.

Isang action-thriller ang The Ride kung saan gumaganap si Piolo bilang isang carnapper na hinahabol ng dati niyang mga kasama sa sindikato.

Gumaganap naman bilang anak niya si Kyle Echarri.

Pinuri ni Piolo ang young actor sa pagiging professional nito sa shoot.

“Maganda dun sa bata is yung willingness niyang maging open, hindi maging mayabang but open to learning.

"And siyempre, sa edad mong yan, talagang lahat bago pa, e. So, ito bago yung role, bago yung kasama mo. So, nakikinig naman siya, at madaling matuto. At nakita mo naman, napaka-raw,” saad niya.

Mayroon ding panahon sa shoot kung saan hinarap ni Kyle ang pagkamatay ng kanyang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kyle Echarri remembers sister Isabella

Kuwento ni Piolo, “When that final scene was happening, it was the day after his sister passed. So, it was really a sensitive time in his life.

"It was really difficult, because you have to control him because wala yung parents niya, nasa States, and siya lang mag-isa rito. So, I made sure that he was okay, that he felt loved and he felt like he had people around him to comfort him.”

Dahil dito ay hindi mag-aatubili si Piolo na makatrabaho muli ang binata. Sa katunayan ay nag-uusap na sila kung ano ang TV show o pelikula na maaari pa nilang gawin.

“Hanggang mabuo na yung mga konsepto, hanggang mabuo na yung mga script, dire-diretso yan,” sabi ni Piolo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Mayroon akong back-tax na kailangan kong bayaran. Di ko mabayaran kasi parang pambibili lang naman nila ng luxury goods. Pambabiyahe lang naman nila. Hindi, joke lang,” jests Piolo Pascual, in connection with the personalities involved in the flood control projects issue.
PHOTO/S: Mark Angelo Ching
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results