Pasimpleng pumipitik si Vice Ganda ng mga tirada laban sa mga korap na pulitiko at opisyal ng gobyerno na patuloy nagpapayaman mula sa pondo ng bayan.
Sa kanyang Instagram Story kahapon, September 18, 2025, nagbahagi ng isang quote si Vice tungkol sa diumano'y postura ng mga kriminal.
Nakasulat dito: "THE BIGGEST CRIMINALS WEAR TIES NOT TATTOOS"

Sinundan niya ito ng quote mula sa isang Instagram page.
Nakasaad dito: "WHEN GOVERNMENT BECOMES SO CORRUPT THAT THEY BELIEVE THEY ARE ABOVE THE LAW AND THE PEOPLE THEY SERVE
"TIME FOR CHANGE, TIME TO TAKE BACK CONTROL, TIME TO BRING THEM DOWN."

Read: Gerald Anderson-Julia Barretto breakup confirmed
VICE: the priority of any government must be to fight corruption
Ngayong Biyernes, September 19, muling pumitik si Vice laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Post niya: "CORRUPTION EVERYWHERE
"The greatest priority of any government must be to fight corruption."

Sa isa pang post, nakasaad naman na ang pagiging korap ng isang gobyerno ay nagsasadlak sa mga tao sa kahirapan.

Kasunod nito ang isang meme ng corruption at sa mga biktima nitong ordinaryong mamamayan.

Read: Rufa Mae Quinto denies foul play in husband Trevor's death
VICE CONSISTENT CAMPAIGN AGAINST CORRUPTION
Simula nang pumutok ang isyu tungkol sa flood control projects na nababalot ng korapsyon, hindi na nagpapapigil si Vice sa pagpuna sa mga taong umaabuso sa pera ng bayan.
Kadalasan ay sa "Laro Laro Pick" segment ng It's Showtime naglalabas ng kanyang banat si Vice laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno at mga pulitiko.
Sa episode ng show noong September 15, nanawagan siyang muli sa gobyerno.
Aniya: “Dapat nga, hindi muna tayo magbayad ng tax, ako para sa akin, ha?
“Ako, tingin ko, hindi puwedeng kunin niyo yung tax namin tapos magbabayad pa rin kami.
“Ibalik niyo muna yung ninakaw niyo sa amin, di ba?”
Dagdag ni Vice: “Ako, yun lang sa akin, di ba? Sana, huwag pagbayarin muna ng tax.
"Sana may tax holiday. Kasi ninanakaw niyo, e."
Sana, ibalik daw muna ang tiwala ng taumbayan, bago sila magbayad ng buwis.
“Ibalik niyo… kung talagang mahal nung mga nasa gobyerno ang Pilipino, maglambing naman kayo.
"Pinanakaw niyo yung pera namin, e. Huwag niyo muna kaming pagbayarin. Hangga’t hindi naaayos.
“Pag naayos, sige, may tiwala na kami ulit sa inyo. Bayad kami ulit, di ba?”
Read: Judy Ann, Michael V, Vice Ganda nagsalita tungkol sa korapsyon
