Isang makahulugang birthday message ang ibinahagi ni Victor Consunji sa Instagram ngayong Miyerkules, September 17, 2025, para sa partner nitong si Rachel Carrasco.
Si Victor, founder ng real estate company na Victor Consunji Development Corporation, ang estranged husband ng former beauty queen at aktres na si Maggie Wilson.
Si Rachel ay co-founder ng isang gourmet food and beverage business.
Sa birthday greeting ni Victor kay Rachel ay binigyang-diin niyang "20 years" na silang magkakilala ng ina ng kanyang bunsong anak.
Mula raw sa pagiging magkaibigan ay naging "soulmate" sila, hanggang sa humantong sa pagiging pamilya.
Sa loob daw ng dalawampung taong na iyon ay dumaan sila sa iba't ibang emosyon.
Mensahe ni Victor (published as is): "20 Years…. of memories… of love… of conversation… of silliness… of happiness… from a distance… or hand in hand…
"a friendship… a soulmate… a family… 20 long years of waiting… and hope… and even loss and grief…. All of which makes it seem like yesterday."
Ayon kay Victor, 18th birthday ni Rachel nang una silang magkakilala.
Ipinahiwatig niyang mahaba na ang kanilang pinagsamahan, at hiling niya habambuhay niyang makapiling ito.
Pahayag ni Victor: "20 of the best years to today, that I’ve known you… unconditionally loving… yet strong minded and firm.
"from your 18th birthday to your birthday today… 20 YEARS of driving me crazy in all the right ways.
"And I’m asking you for a lifetime more. HAPPY BIRTHDAY my love."
View this post on Instagram
Read: Rachel shares pic of Victor & baby together.
NETIZENS' REACTIONS
Dahil sa pahayag ni Victor, may netizen na nagtanong tungkol sa timeline ng pagkakakilala nina Victor at Rachel.
Naikumpara ito ng netizen sa panahong unang nagsama sina Victor at Maggie.
Ikinasal sina Victor at Maggie noong 2010, o labinlimang taon ang nakararaan.
Tanong ng netizen kay Victor (published as is): "So meaning mas matagal mo na sya kilala kesa sa ex wife mo? Just asking well anyway happy bday"

Sabi naman ng isang netizen (published as is), "basahin niyo po ang caption malinaw po naka detalye doon paano ngyari ung 20years."

Sa kabilang banda, may netizens ding naghayag ng suporta kina Victor at Rachel.
Komento ng isa: "20 years of crossing paths, and now a lifetime of love.
"Truly, love writes the best stories. Happiest birthday, Miss Rachel!
"Sir Vic proves that sometimes the love of your life is someone you’ve known all along."

Dagdag ng isa pang netizen, "Such a heartfelt loving message to your wife. Send our greetings to Rach. Happy Birthday!"

RACHEL CARRASCO ON RELATIONSHIP WITH VICtOR CONSUNJI
Mas naging bukas sina Victor at Rachel tungkol sa kanilang relasyon mula noong 2024.
April 2024 nang mag-post si Victor ng litrato nila ni Rachel, at doon niya unang binanggit na "20 years" na silang magkakilala.
Noong October 2024, sinagot ni Rachel ang mga katanungan tungkol sa kontrobersiyang pinagdaanan nila ni Victor noong nagsisimula pa lamang ang relasyon nila.
Nakapanayam siya noon ng ilang miyembro ng entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Sinabi roon ni Rachel ang kanyang reaksiyon sa tuwing natatanong siya sa mga isyung nakapalibot sa relasyon nila ni Victor.
Saad niya: "I am at a stage na expected na, it comes with the territory, and choices we made.
"I made a choice to step into this life and stepping to this world and, ika nga nila, you can never have the good without the bad.
“Privacy is power talaga. Parang I feel it is best if information for the moment is kept. And when it is ready to be shared, it will come out.”
Nabanggit din ni Rachel sa interbyu na siya ay divorced sa unang asawa, pero nananatiling maayos daw ang kanilang relasyon.
Read: Rachel Carrasco opens up about relationship with Victor Consunji
Si Victor naman ay hiwalay sa estranged wife na si Maggie mula pa noong 2019.
LEGAL BATTLE BETWEEN VICTOR CONSUNJI, MAGGIE WILSON
Hindi kaila sa publiko ang masalimuot na hiwalayan nina Victor at Maggie.
Taong 2022 nang maiulat na idinemanda ni Victor si Maggie ng adultery dahil sa diumano'y pakikipagrelasyon nito sa business partner na si Tim Connor.
Read: Maggie Wilson, Tim Connor sinampahan ng kasong adultery
February 2023 naman nang maglabas ng statement si Victor tungkol sa aniya'y "3 arrest warrants" para sa kasong adultery at "16 arrest warrants" para sa kasong cyberlibel na kinahaharap ni Maggie.
May kinalaman daw ang cyberlibel case sa "malicious online attacks" at "systemic harassment" ni Maggie kina Victor at Rachel.
Sabi pa noon ni Victor, nagtatago umano si Maggie sa awtoridad.
Hindi binanggit ni Victor kung anong online attack ang ginawa ni Maggie.
Pero matatandaang taong 2022 nang maglabas si Maggie ng screenshots ng mga litrato ni Victor kasama ng diumano'y third party sa hiwalayan nilang mag-asawa.
Read: Victor Consunji: Maggie Wilson's Legal Issues
September 2023 nang almahan naman ni Maggie ang aniya'y "smear campaign" na pakana diumano ni Rachel laban sa kanya.
Read: Maggie Wilson Links Rachel Carrasco to Smear
MAGGIE NOT MAD AT VICTOR, RACHEL ANYMORE
Kalaunan, natigil ang mainit na patutsadahan sa pagitan ng estranged couple na sina Maggie at Victor.
Nitong July 2025 lamang, sinagot ni Maggie ang tanong ng isang netizen kung galit pa raw ba siya sa kanyang "ex" at kay "Rachelle."
Kalakip nito ang litrato ng tinutukoy na "Rachelle."
Sagot ni Maggie, "No, I genuinely want the best for everyone especially the kids.
"I just wish the same could be said in return. Life’s too short for grudges… and frankly, bitterness is terrible for your skin."
Nabanggit din ni Maggie na bagamat masakit sa kanya ang pinagdaanan niya sa nakalipas daw na dalawang taon, ngayon ay masasabi raw niyang nasa maayos na estado siya sa bagong buhay niya abroad.
Read: Maggie Wilson not mad anymore at Victor Consunji
