Nagpahayag na rin ng kanilang saloobin ang aktres na si Iza Calzado at socialite-vlogger na si Small Laude sa mainit na isyu ng korapsyon sa bansa, bunsod ng maanomalyang flood control projects.
Sa Instagram noong September 14, 2025, ibinahagi ni Iza ang kanyang pagkadismaya sa sunud-sunod na balitang naglalabasan tungkol sa talamak na korapsyon na ang mga sangkot ay mga pulitiko at matataas na opisyal ng gobyerno.
Read: Estrada, Villanueva willing to open bank accounts for scrutiny
Kasalukuyang nasa England si Iza nang mabalitaan niya ang sunud-sunod na pagbaha sa Pilipinas nitong mga nagdaang linggo dahil sa mga palpak at tinipid na flood control projects.
Ayon sa aktres, katulad din siya ng maraming Pilipinong nakaramdam ng galit nang unti-unting sumambulat sa publiko ang kinahantungan ng mga ibinabayad na buwis ng taong-bayan.
Mababasa sa kanyang caption (published as is): "Tatlong linggo na akong wala sa Pilipinas. Saktong pagdating ko sa England, nagsimula ang matinding baha at sunod sunod na mga pangyayari at paglantad ng korupsyon sa ating Inang Bayan.
"Hindi ko alam anong sasabihin at gagawin ko. Tulad ng marami, nadurog ang puso ko. Nagalit. Natawa sa ibang memes at post. Nagalit muli sa karagdagang mga balita."
Read: Alden Richards' "kuracaught" post sparks online buzz
Dahil malayo sa sariling bansa, nakakaramdam daw ngayon ng lungkot si Iza dahil pakiramdam niya ay wala siyang magawa sa nangyayari sa ating bansa.
Saad niya: "Ang hirap dahil wala ako sa Pilipinas at malayo ako. Nakikibalita lang sa mga kaibigan habang tinitignan ang laman ng news at social media.
"Pakiramdam ko wala akong magawa dahil ang layo ko.
"Ni hindi ko ma-share agad ang mga pictures namin dito dahil para bang hindi nararapat at napapanahon.
"Gusto kong makiramay at makiisa sa lahat ng mga kababayan ko. Malaki na ang nawala sa atin at tama lang na tayo’y magalit at magluksa."
Ganunpaman, naniniwala raw si Iza sa sigaw ng taong-bayang galit na galit na ngayon sa mga mapagsamantalang kontratista, politiko, at opisyal ng gobyerno.
Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals
Kalakip nito ang kanyang dalangin na sana'y dumating ang araw na maparusahan ang mga taong nasa likod nito.
Pahayag ni Iza: "Ngayon ay nagtitipon na ang mga tao at unti unti nang naliliwanagan ang taong bayan.
"Hindi natin dapat iasa sa iisang tao o grupo o politko ang pagbabago; kundi, TAYO mismo ang magbabago nito.
"Umaasa ako na mararating natin ito, at sana’y matuto na tayo. Sana’y managot ang mga dapat na managot.
"Habang nakatingin ako sa ulap, aking ipinagdarasal ang ating mahal na Pilipinas.
"Nawa’y maghilom ang ating mga sugat at hindi na natin, muli pang hayaang manaig ang kadiliman sa ating sarili, at sa ating bayan."
Small Laude throws shade at government officials involved in corruption
Sa kanyang latest vlog sa YouTube noong September 13, pinasaringan naman ni Small Laude ang mga taong sangkot sa "ghost projects" sa bansa.
Read: Sam YG calls for "tax break" amid DPWH flood project corruption
Nangyari ito nang maka-encounter siya ng "ghost driver" sa binook niyang robotaxi service sa Los Angeles, California.
Ani Small, "Ghost driver naman siya. Pero at least, it’s not a ghost project.
"I’m paying my taxes properly. Shame on you guys. Kawawa naman ang mga Pinoy."
Bukod kina Iza at Small, nagsalita na rin ang iba pang celebrities sa talamak na korapsyon sa bansa.
Read: Vice Ganda slams corrupt government officials anew
Kabilang dito sina Anne Curtis, Nadine Lustre, Vice Ganda, Alden Richards, Dingdong Dantes, Bianca Gonzalez, Carla Abellana, Edu Manzano, Kaladkaren, at Elijah Canlas.
Read: Curlee Discaya claims politicians, 120 million Filipinos want them dead
