Nagtataka na natatawa si Bea Alonzo kung bakit sa social media siya niyaya ng matalik na kaibigang si John Lloyd Cruz para sa bonding session gayong may mga pribadong paraan ng komunikasyon naman daw sila.
Sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas para sa GMA News na umere kagabi, September 12, 2025, sinabi ni Bea na tila nakalimutan ni John Lloyd na meron silang WhatsApp at Viber kung saan sila nagpapalitan ng mensahe.
Pero sa Instagram pa raw niya nabasa ang imbitasyon ni John Lloyd.
Saad ni Bea: "Nakakatawa lang si Idan, as I call him. Nakalimutan niya yata na nagwa-WhatsApp naman kami o nagba-Viber naman kami at may number naman.
"Hindi ko alam kung bakit dun siya nag-message. Nakalimutan niya ata na maraming tao doon."
Noong September 3, 2025, sa post ni Bea tungkol sa pamamasyal niya sa Croatia sa Central Europe, nagkomento si John Lloyd gamit ang luma niyang Instagram account na @dumpsitegallery.
Niyaya ni John Lloyd si Bea at ang boyfriend nitong si Vincent Co, presidente ng Puregold Price Club, sa bahay ng aktor.
Masarap daw kasing magluto ang girlfriend ni John Lloyd na si Isabel Santos kaya nais niyang sa bahay sila magkita-kita.
Sabi ni John Lloyd: "Tambay tayo dito sa bahay pag may time kayo ni boss Vincent @beaalonzo
"will ask @isabelreyesantos to seek inspirations to cook [cook emoji] sarap magluto yon [smiling face with hearts emoji]"
Read: John Lloyd Cruz invites Bea Alonzo, Vincent Co to his house
Tumugon naman si Bea sa imbitasyon ng kanyang mabuting kaibigan at dating love team partner.
Sabi niya noong September 6, "@dumpsitegallery Game!"

Read: Bea Alonzo accepts John Lloyd Cruz’s invitation
BEA AND JOHN LLOYD REUNION PROJECT SOON?
Magkakaroon ba ng Popoy and Basha reunion project?
Iconic ang loveteam nina John Lloyd at Bea bilang Popoy and Basha sa blockbuster movie na One More Chance noong 2007.
Nagkaroon pa ito ng sequel na A Second Chance noong 2015.
Read: John Lloyd Cruz and Bea Alonzo's "Popoy-Basha moment" at Star Magic Ball 2017 brings kilig to fans
Tugon ni Bea: "So far, wala pang plano.
"Pero to be fair naman, parang hindi naman nawawalan ng offer pagdating sa aming dalawa.
"So, siguro naghahanap lang kami ng tamang proyekto na pareho that we both can agree on.
"And something that would represent us right now, where we are at in our lives."
Read: Vilma Santos, may tatlong sinusunod upang labanan ang korapsyon
