Dismayadong-dismayado ang showbiz personalities na sina Carla Abellana, Edu Manzano, at Kaladkaren sa patuloy na pagsambulat ng kahindik-hindik na korapsyon sa flood control projects ng pamahalaan.
Lalo na nang humarap sa House of Representatives' Infra-Committee Hearing si dating Bulacan First District Assistant Engineer Brice Hernandez nitong September 9, 2025, para ikanta na bukod sa government officials at congressmen, may mga senador din umanong sangkot sa ghost flood control projects sa Bulacan.
Read: Arjo Atayde, PM Vargas, Roman Romulo deny Discaya allegations
Diumano, ito ay sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Joel Villanueva.
Binanggit din ni Hernandez sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Robert Bernardo at District Engineer Henry Alcantara.
Read: Jinggoy Estrada, Joel Villanueva tagged in flood project anomaly
Pagbubunyag ni Hernandez, sina Estrada at Villanueva ay kumubra umano ng kickback sa mga maanomalyang flood control project sa Bulacan.
Bilang patunay, nagpakita pa siya ng litrato ng bultu-bultong pera na hinatid daw mismo sa kanilang opisina.
Read: Vico Sotto raises doubts on Discaya couple's Senate testimony
Si Alcantara na raw ang bahala kung paano at kanino ito hahati-hatiin.
Saad ni Hernandez: "Sa office po namin, normal po yan.
"May mga designated persons po na pagbibigyan niyan.
"As far as my knowledge is concerned, ibibigay po yan sa tao, yun nga pong tinatawag na proponent na kausap niya [Alcantara]."

CARLA, EDU, Kaladkaren REACT To Pile Of "Stolen Money"
Agad na nagbigay ng reaksiyon sina Carla Abellana, Edu Manzano, at Kaladkaren sa rebelasyon na ito ni Hernandez.
Sa kanyang Instagram Stories, ini-repost ni Carla ang post ng GMA Public Affairs patungkol sa limpak-limpak na perang ipinakita sa Kamara.
"Ayun yung pera ko o. Nakita ko na," caption ni Carla sa kanyang repost.

Si Edu naman ay idinaan sa paggamit ng AI-generated photo ang pagpapahaging niya.
Nag-post ang aktor sa Instagram ng litrato niya habang kumakain ng chicharong bulaklak, may background na pool table na punung-puno ng pera, habang nasa gilid niya ang American actor na si Dywane Johnson na may bitbit na kahong puno rin ng pera.
Kuwelang caption dito ng aktor: "Caption this ….. Ano ang mas nakaka-high blood? Ang chicharon bulaklak o ang pinaghirapan ninyong tax pesos sa lamesang bilyar?"
Read: Gela Atayde says brother Arjo is "busy serving, not stealing"
Idinaan naman ni Kaladkaren sa X (dating Twitter) ang kanyang pagkadismaya sa nangyayaring nakawan sa bansa.
Mababasa sa kanyang post (published as is): "Nakakakilabot makita ‘yung ganito karaming pera. Hindi lang yan basta pera ng taong bayan eh — yan yung ninakaw nilang karapatan ng mga Pilipino para magkaroon ng mas maayos na buhay. Kapalit ng marangyang pamumuhay ng mga corrupt ang buhay ng mga kababayan natin.
Read: Anne, Nadine, Bianca slam blatant corruption in government
