Dinepensahan ng Kapamilya actress na si Gela Atayde ang nakatatanda niyang kapatid na si Quezon City First District Representative Arjo Atayde.
Sa gitna ito ng pagkakaugnay ni Arjo sa diumano'y maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kasabay ito ng pagkuwestiyon ng netizens sa anila'y lavish lifestyle ng actor-politician, partikular na raw ang madalas na pagta-travel nito sa ibang bansa.
Read: Maine Mendoza stands by Arjo Atayde amid Discaya allegation
Sa TikTok noong September 6, 2025, nag-post si Gela ng kanyang a day in my life, kabilang na rito ang pag-e-exercise at pag-uwi niya sa bahay makaraang magpunta sa Singapore.
Sa comments section, maraming netizens ang kumuwestiyon kung saan galing ang perang ginagamit ng dalaga.
Komento ng isang netizen, "Budget from kuya Congressman?"
Diretsong sinagot ito ni Gela.
"My paycheck, babe. Kuya's busy serving, not stealing," pahayag ng Kapamilya star.
Kontra-sagot ng netizen: "Kaya pala hindi na siya pumapasok ng office niya and puro Euro travel...
"Then focus na lang siya sa acting and business babe.
"Bakit nag-Congressman pa mukhang wala na siyang time."
Hindi ulit pinalampas ni Gela ang patutsada ng netizen.
Iginiit ni Gela na hindi nangungurakot ang kapatid niyang si Arjo.
Pahayag Gela (published as is): "Kuya's income streams are called acting & business, not corruption.
"Diba maraming nangangailangan ng tulong? We help because we can.
"Pag tumulong, may hanash. Pag hindi, kasalanan din. Ano ba talaga?"


Gela clarifies Arjo's constant travels are not the public’s business
Hindi pa nagpaawat ang netizen sa pagbato ng maaanghang na salita kay Gela.
Saad ng netizen (published as is): "So utang na loob namin ang help niya? Bayad siya para tumulong?
"Ang help ko ay magbayad ng tax? Hello??? If I have the money naman no from government, baka hindi lang yan ang tulong.
"Tska congressman siya, ano ba focus ng congressman? Tumulong? Edi sana nagtayo sila ng foundation."
Sa puntong ito ay hindi rin nagpadaig si Gela na sagutin muli isa-isa ang mga ibinabato sa kanyang kapatid.
Pagtatanggol ng Kapamilya actress, pumasok sa politika ang kanyang Kuya Arjo para tumulong sa mga nangangailangan at hindi para mangurakot upang tustusan ang kanyang mga luho.
Kung nakikita man daw ng publiko na nagpupunta ng ibang bansa ang kapatid, idiniin ni Gela na hindi ito galing sa tax na ibinabayad ng taong-bayan.
Depensa ni Gela: "He didn’t enter politics for luxury; he entered to serve.
"A foundation can only do so much, but a congressman can push bills, fix broken systems, and make sure taxes actually go to the right places.
"That’s the kind of change he’s working for.
"His personal life? His travels? None of your business because, unlike others, we can proudly say that it’s the fruit of hard-earned money.
"Your concern is valid, but I think you have the wrong person here. Thank you."

Read: Joy Belmonte asks Arjo Atayde about flood control project in QC
Arjo denies benefiting from contractor after Discayas’ allegation
Noong September 8 nang isama ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang pangalan ni Arjo bilang isa sa mga kongresistang tumanggap diumano ng porsyento para sa flood control projects ng DPWH.
Ginawa ng mag-asawang Discaya ang pagbubulgar sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry.
Sa isang bahagi ng kanilang testimonya ay sinabi ni Curlee na sinisingil umano niya kay Arjo ang PHP60 million na ibinigay umano niya sa ama ng actor-politician na si Art Atayde.
Pero ayon sa contractor, hindi umano ibinalik sa kanya ni Arjo ang pera.
Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals
Mabilis namang itinanggi ni Arjo ang alegasyon.
Sa kanyang Instagram Stories, mariing pinabulaanan ng actor-politician na may ugnayan o nakinabang siya sa alinmang contractor mula sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Hinding-hindi raw niya kailanman ginamit ang kanyang posisyon sa gobyerno para sa pansariling interes.
Read: Arjo Atayde on Discayas: "I’ve never dealt with them."
Kalakip ito ng pangakong gagawin niya ang lahat para malinis ang kanyang pangalan.
Pahayag ni Arjo: "I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor.
"I have never dealt with them. Hindi totoo ang mga akusasyon na ito.
“I have never used my position for personal gain. And I never will.
"I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods."
Read: Arjo Atayde, PM Vargas, Roman Romulo deny Discaya allegations
