Umalma ang TV host-actress na si Maine Mendoza sa mga batikos na natatanggap ngayon ng asawa niyang si Quezon City First District Representative Arjo Atayde.
Kasunod ito sa pagbanggit ng pangalan ni Arjo bilang isa sa mga kongresistang tumanggap diumano ng porsyento mula sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya para sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ginawa ng mag-asawang Discaya ang pagbubulgar sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry na naganap nitong Lunes, September 8, 2025.
Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals
Mabilis na itinanggi ni Arjo ang alegasyon.
Sa kanyang Instagram Stories, mariing pinabulaanan ng actor-politician na may ugnayan at nakinabang siya sa alinmang contractor mula sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Hinding-hindi raw niya kailanman ginamit ang kanyang posisyon sa gobyerno para sa pansariling interes.
Kalakip ang pangakong gagawin niya ang lahat para malinis ang kanyang pangalan.
Pahayag ng actor-politician: "I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor.
"I have never dealt with them. Hindi totoo ang mga akusasyon na ito.
“I have never used my position for personal gain. And I never will.
"I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods."
Read: Arjo Atayde, PM Vargas, Roman Romulo deny Discaya allegations
MAINE MENDOZA: "I AM WITH MY HUSBAND IN THIS."
Pagkalipas ng ilang oras, ang misis naman ni Arjo na si Maine Mendoza ang naglabas ng pahayag.
Sa kanyang post sa X (dating Twitter), tinawag ni Maine na "baseless allegations" ang mga paratang ng mga Discaya laban sa kanyang mister.
Ayon sa Eat Bulaga! co-host, mula’t sapul ay ginagawa ng kanyang asawa ang lahat para makapagsilbi nang tapat sa nasasakupan nito.
Hindi raw siya makapapayag na madawit ang pangalan ni Arjo sa kasalanang hindi naman daw nito kailanman ginawa.
Nagpaalala rin si Maine sa publiko na huwag agad-agad mamba-bash at maniwala hangga't hindi natatapos ang imbestigasyon at napatutunayan kung may kinalaman nga ba talaga ang kanyang mister.
Mababasa sa kanyang post (published as is): "Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out.
"I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama sa loob.
"He has been doing his best to serve the people of his district in Quezon City since the beginning."
Dagdag pa ni Maine, umaasa siyang darating ang araw na ang mga tunay na may kasalanan ang managot at ang mga inosente ay hindi na madamay pa.
Saad niya, "I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess.
"Napaka unfair."

Samantala, hindi lamang si Arjo ang idiniin ng mag-asawang Curlee at Sarah dahil inakusahan din nila ng panggigipit si Art Atayde, ang ama ng actor-politician.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Art, maging ang kanyang asawa, ang aktres na si Slyvia Sanchez, laban sa akusasyon ng mga Discaya.
Read: Mayor Vico Sotto nag-react sa pagharap ni Sarah Discaya sa Senado
