Matapos ang tatlong buwang labanan ay may bagong champion ang The Clash.
Ito ay si Jong Madaliday, na itinanghal na winner ng pampitong season ng Kapuso reality singing competition ngayong gabi, September 7, 2025.
Tinalo ni Jong ang tatlo pang finalists na sina Arabelle dela Cruz, Liafer Deloso, at Juary Sabith.
Hindi ito ang unang sabak ng singer na taga-North Cotabato sa The Clash.
Matatandaang naging runner-up siya noong 2018 sa unang season, kung saan si Golden Cañedo ang nanalo.
Read: Mansion ni Amalia Fuentes sa Quezon City, giniba
Jong Madaliday's Winning SongS
Sa finals night ng The Clash 2025 ay inawit ni Jong ang "Dancing on My Own" ni Robyn.
Ang performance niya ay umani ng papuri mula sa mga judges na sina Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas, at Lani Misalucha.
“I just want you to know that you are never alone. Everyone here has been watching you from the first season up to now and we see your talent,” sabi ni Christian.
Dagdag ni Lani, “Whenever you perform, you always stir up my soul. Itong performance mo na ito is another heartfelt performance.”
Matapos nito ay inanunsiyo na nakapasok si Jong sa Top 2 kasama si Arabelle.
Sa top 2 competition ay pinili ni Jong na awitin ang "Someone You Loved" ni Lewis Capaldi.
Samantala, ang kantang "I Believe I Can Fly" ni R. Kelly ang inawit ni Arabelle.
Pagkatapos nito ay inanunsiyo na ang pagkapanalo ni Jong.
Jong Madaliday's PRIZES
Kasama sa kanyang mga premyo ang one million pesos, bagong house and lot, at exclusive management contract mula sa Sparkle.

Masayang-masaya ang bagong champion.
Sa Instagram, nag-post ang singer ng pasasalamat: "Alhamdulillah The Clash 2025 Grand Champion! Thank you fam for the love & support."
Read: Carlo Acutis canonized as first millennial Catholic saint