Nagbubunyi muli ang Pinoy pageant fans dahil may isa na namang kandidato na naka-podium finish sa isang international pageant.
Ito ay si Kenneth Marcelino, na nanalong first runner up sa Mister Cosmopolitan 2025 ngayong gabi, September 7, 2025.
Kakumpitensiya ni Kenneth ang 17 male pageant candidates mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa huli ay si Shawn Lin Yu Hsiang ng Taiwan ang nag-uwi ng titulo.

Second runner-up naman si Sandile Christo Gama ng South Africa. Third runner-up si Dinh Sy Tu ng Vietnam. Fourth runner-up si Eddy Joblon ng France.

Sa Bangkok, Thailand, ginanap ang finals night ng Mister Cosmopolitan 2025.
Maraming kababayan ang nanood ng performance ni Kenneth sa pageant, na naka-livestream sa Facebook.
Read: Mansion ni Amalia Fuentes sa Quezon City, giniba
KENNETH MARCELINO DURING Mister Cosmopolitan 2025 Q & A portion
Higit na hinangaan ng Pinoy pageant fans ang malinaw na sagot sa Question and Answer round ni Kenneth.
Ang tanong: “What does the sentence ‘the gentleman’s noble heart’ mean to you?”
Ito ang sagot ng pambato ng PIlipinas: “Gentlemen with a noble heart? It means for me that he is kind, he has a pure heart.
"I am a talented person. I am a model, a make-up artist, an athlete, and I am a dreamer.
"I want to use this story of mine to influence and to help others.
"That if you want to achieve something, we achieve it with our full hearts, and discover all the talents that we have and let it shine.
"And for me, that is the Mister Cosmopolitan gentleman with a noble heart.”
Sa panayam ng Missosology kay Kenneth matapos ang pageant, sinabi nitong masaya siya sa nakuhang puwesto.
“Ginawa ko talaga yung best ko, nag-enjoy lang ako, and for the Philippines, first runner-up tayo sa Mister Cosmopolitan,” saad niya.
Nagpasalamat din siya sa mga supporters niya, "Hinding-hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya na nandiyan kayo sa tabi ko, kasi yung laban ko, laban niyo na rin."
Read: Carlo Acutis canonized as first millennial Catholic saint