Kinilig ang fans ng loveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo dahil sa nabasa nilang komento ng aktor sa post ni Bea habang nagbabakasyon ang aktres sa bansang Croatia.
Iconic ang loveteam nina John Lloyd at Bea bilang Popoy and Basha sa blockbuster movie na One More Chance noong 2007.
Nagkaroon pa ito ng sequel na A Second Chance noong 2015.
Read: John Lloyd Cruz and Bea Alonzo's "Popoy-Basha moment" at Star Magic Ball 2017 brings kilig to fans
Sa Instagram noong Miyerkules, September 3, 2025, nag-upload si Bea ng mga kaganapan habang namamasyal siya at ang kanyang kasama na hindi pinangalanan sa Central Europe.
Isa sa pinuntahan nila ay ang siyudad ng Dubrovnik, mas kilala sa tawag na King's Landing, na kunwari'y capital ng Seven Kingdoms sa HBO series na Game of Thrones.
Ani Bea: "Finally made it to King’s Landing [face holding back tears emoji] (aka Dubrovnik for the non-GoT fans)—and yes, I’m still smiling even though my luggage went missing on the way [laughing emoji]"
Ilan pa raw sa mga ginawa ni Bea sa Croatia ay ang mga sumusunod:
• Strolling the famous Stradun from above
• Walking the old city walls with unreal views
• Sunshine, waves, and little cliffside swims
• A quiet pause in between all the wandering
• Exploring Rector’s Palace
• Kids swimming by the cliffs
• Gelato heaven at Peppino’s (a must!)
• Tried their local Peka—so good
• A few glasses of Croatian wine later…
• Luvrijenac Fortress (where Myrcella sailed for Dorne)
• The famous “Shame” stairs of Queen Cersei
Dagdag pa ng aktres, "What an adventure — Dubrovnik, Croatia truly feels like stepping straight into Westeros [sparkles emoji]"
View this post on Instagram
Isa sa mga unang nagkomento sa post ni Bea ay ang matalik niyang kaibigan na si Dimples Romana.
Labis-labis daw ang saya ni Dimples na makita ang kaibigang sobrang masaya sa kanyang buhay.
Ayon kay Dimples, "Love seeing you so happy [heart emoji] let’s date naaaa"

Tugon ni Bea, "@dimplesromana Mars! Sobrang miss na kita!! Dinner na please! Love you!"

Read: Discaya firm, kakasuhan sa palyadong PH Film Heritage Building
JOHN LLOYD CRUZ INVITES BEA AND VINCENT
Nagkomento rin dito si John Lloyd Cruz, gamit ang luma niyang Instagram account na @dumpsitegallery.
Niyaya ni John Lloyd si Bea at ang boyfriend nitong si Vincent Co, presidente ng Puregold Price Club, sa bahay ng aktor.
Masarap daw kasing magluto ang girlfriend ni John Lloyd na si Isabel Santos kaya nais niyang sa bahay sila magkita-kita.
Komento ni John Lloyd: "Tambay tayo dito sa bahay pag may time kayo ni boss Vincent @beaalonzo
"will ask @isabelreyesantos to seek inspirations to cook [cook emoji] sarap magluto yon [smiling face with hearts emoji]"
Dito na kinilig ang ilang fans ng tambalang John Lloyd at Bea.
Biro ng isa, "nag iinvite si Popoy oh.. gustong kilatisin asawa mo"

Kinikilig na komento ng isa, "awww my popoy and basha"

Ayon sa isa pa, "Kilig pa din, despite may sarili na sila partners..happy for them"

Pakiusap naman ng isa, "Myyyy goooddd! Please if matuloy to wag niyo naman ipagkait sa amin ang photos"

Natuwa naman ang isa dahil patuloy pa rin daw ang magandang pagkakaibigan nina John Lloyd at Bea.
Aniya, "wow very supportive kay bea. Masaya na kami na kahit hindi kayo nagkatuluyan ay nanatili ang close friendship nyo, siguro soulmate lang talaga kayo. Masaya na kami Sana magka movie ulit kayo"

Hindi pa sumasagot si Bea sa komento ni John Lloyd.
