"Tax break!"
Ito ang hiling at panawagan ng host at radio personality na si Sam YG sa gitna ng kontrobersiyal na usapin ng korapsyon mula sa maanomalyang flood control projects.
Sunud-sunod ang pagdinig ngayon sa Senado sa ilang malalaking construction companies na diumano'y konektado sa ilang politiko na nakakuha ng bilyong pisong kontrata mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga proyektong flood control, kalsada, tulay, at mga gusali.
Ngunit lumalabas na kinukurakot umano ng ilang construction at development companies ang bilyun-bilyong pondo para sa nasabing proyekto.
Dahilan kaya magpahanggang ngayon ay marami pa ring lugar sa bansa ang nalulubog sa baha tuwing may bagyo at umuulan.
Read: Joey Reyes, Vico Sotto urge accountability in Senate flood probe
Sa Instagram nitong Miyerkules, September 3, 2025, nag-post si Sam para magbigay ng saloobin tungkol sa isyu.
Sinabi ni Sam na bukod sa baha, ang mga corrupt na nasa katungkulan ang magpapalubog sa bansang Pilipinas.
Mababasa rito (published as is): "More than drowning in floods, we are drowning in CORRUPTION.
"When the law no longer protects us from the corrupt but PROTECTS the CORRUPT from us, we are in deep trouble."
Nanawagan din siyang panahon na para magising ang publiko mula sa hindi makatarungang pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Ayon pa kay Sam, hindi naman tama na nagbabayad ng buwis ang taong-bayan habang ang mga nasa posisyon at makapangyarihang tao ay winawaldas ito para sa luho at pansarili nila.
Aniya: "Time to wake up. Nothing change if nothing changes.
"Can we also stop paying taxes till the government gets its act together?
"Imagine, we’ve been paying for all the luxury cars, trips, bags, etc. of these corrupt people all along.
Dagdag pa niya, "Baka pwedeng tax break muna?"
Kalakip ng post ni Sam, ang caption niyang "Sana di puro hearing. Sana may mangyari."
Si Sam, na ang tunay na pangalan ay Samir Gogna, ay pure-blooded Indian na ipinanganak sa Pilipinas.
Noong April 2010 ay binitawan niya ang kanyang Indian nationality para maging Filipino citizen.
Celebrities, netizens back Sam’s call for tax break
Sa comments section ng post ni Sam ay maraming netizens at celebrities ang sumang-ayon sa kanyang naging pahayag.
Read: Nepo Babies, Disney Princesses puwedeng magsampa ng cyber libel
Komento ng actor-director na si John Prats at content creator na si Benedict Cua, "Agree."
Saad ni Miss Grand International 2020 1st runner-up Samantha Bernardo, "Yes to tax break. Kung pwede lang."
Maging ang award-winning actor na si Aga Muhlach ay napakomento rin ng "Mismo" sa sentiyemento ni Sam.
May ilang netizen din ang napahanga sa pagsama ni Sam sa mga kilalang personalidad na tumutuligsa sa kasalukuyang nangyayaring korapsyon sa bansa.
Read: Anne, Nadine, Bianca slam blatant corruption in government
Sabi ng isang netizen, "Thank you for this, I just hope that more influencers and artist have the guts to call out and fight for what is right instead of tolerating these crocodiles."
Read: Vice Ganda hits corrupt officials living off his taxes
