PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Domingo mourns loss of pet dog Mommy Koleen

Kim Domingo: "Sobrang sakit anak pero ito ang realidad."
by Arniel C. Serato
Published Sep 3, 2025
Kim Domingo sad for loss of pet dog
Kim Domingo on pet dog Mommy Koleen: "Anak, salamat sa isang dekada. Kung pwede lang maulit. Balik ka na lang sa 3 month old. Kulang ang sampung taon pero alam ko lahat ay dadating dyan. No more pain na anak."
PHOTO/S: Instagram

Labis na ikinalungkot ni Kim Domingo ang pagpanaw ng kanyang 10-year-old fur baby na si Mommy Koleen.

Pumanaw si Mommy Koleen noong August 30, 2025.

Ramdam daw ni Kim na hirap na hirap na ang alaga sa kanyang nararamdaman.

Isang dekada rin silang nagkasama ni Mommy Koleen.

Panimula ni Kim (published as is): "Yung mga mata mo tila ba nagsasabi sakin na, 'Mommy, gusto ko na magpahinga, sorry hindi na ako makatayo, ni hindi ko na mawagwag buntot ko kahit excited akong makita ka' [crying emojis]"

Nagpasalamat si Kim sa sampung taon nilang pinagsamahan ng alagang aso.

Pakiramdam ni Kim na kulang ang sampung taon, pero alam naman ng lahat ng fur parents na darating din talaga ang araw na mauunang magpaalam ang kanilang mga alaga.

Saad niya: "Anak, salamat sa isang dekada. Kung pwede lang maulit. Balik ka na lang sa 3 month old [anxious face with sweat emoji]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kulang ang sampung taon pero alam ko lahat ay dadating dyan. No more pain na anak [anxious face with sweat emoji] Takbo ka dyan ha at kain ka madami tissue. [anxious face with sweat emoji] Sobrang sakit anak pero ito ang realidad. Till we meet again. Run free. Mahal na mahal kita mommy koleen [hearts emojis]"

View this post on Instagram

A post shared by Kim Domingo (@kimdomingo_)

Read: Juliana Parizcova ibinahagi ang lihim na pakikipaglaban sa stroke

NETIZENS SYMPATHIZE WITH KIM

Maraming fur parents ang nakisimpatiya kay Kim sa kanyang kalungkutan. Ramdam nila ang sakit ng kalooban ng aktres.

Sabi ng isang netizen, "these reminds me when we lost our dear doggy too. [sad emojis] everytime.. sakit din mwalan ng doggy n mahal n mahal ka unconditionally [cying emoji] i feel you..happy n yan sla"

Dagdag ng isa pa, sila ang maituturing nating "greatest love" at sila din kalaunan ang magiging "greatest heartbreak."

Aniya, "They our our greatest love and also will be our greatest heartbreak ... in the future alam ko dadating rin to but kinakausap ko si NALA ko who is 3 yrs old na matagal pa kami magsama at sana kaya ko na pag dumating yung time na yun"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa naman ay namatayan ng dalawang alaga ngayong taon.

Sabi pa niya, "Condolence po [crying emoji] I lost two fur babies this year, last June and this month. First was by old age (15yrs) then the latter was due to cardiomegaly but she survived 5 silent strong years when the vet told us she won’t live that long. [crying emoji]"

Netizens commen on Kim Domingo post
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Richard Gomez apologizes for "media spin" allegation

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo on pet dog Mommy Koleen: "Anak, salamat sa isang dekada. Kung pwede lang maulit. Balik ka na lang sa 3 month old. Kulang ang sampung taon pero alam ko lahat ay dadating dyan. No more pain na anak."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results