Patuloy ang paghahayag ng mga artista ng kanilang saloobin sa corruption issue sa gobyerno matapos mabunyag ang maanomalyang flood control projects sa bansa.
Ilan sa mga personalidad na pinuna ang isyu ng korapsiyon na kinasasangkutan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sina Pasig City Mayor Vico Sotto, Vice Ganda, Anne Curtis, Bianca Gonzalez, Nadine Lustre, at Carla Abellana.
Kamakailan lamang ay nagsalita na rin ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
Pero ang kanilang pagsasalita, umani ng magkakahalong reaksiyon mula sa netizens.
Nitong mga nakalipas na linggo, hot topic ang contractors na nakinabang sa bilyun-bilyong pisong kontrata ng DPWH para sa anomalous flood control projects.
Read:
- Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews
- Carla Abellana wonders about Discayas’ "luxury car haul"
- Anne, Nadine, Bianca slam blatant corruption in government
SARAH G comments ON CONTROVERSIAL FLOOD CONTROL PROJECT
Isang maiksing video clip ang ipinost ng beauty doctor na si Dra. Vicki Belo sa kanyang Instagram account kamakailan.
Kuha ang video mula sa BeautyCon na ginanap sa SMX Mall of Asia Arena noong August 29, 2025.
May discussion si Dra. Vicki, asawang si Dr. Hayden Kho Jr., at kanilang endorser na si Sarah Geronimo ukol sa skin care.
Kinuha ni Sarah ang pagkakataon para magpatutsada tungkol sa controversial flood control issue.
Sa isang bahagi ng kanilang diskusyon, sabi ni Hayden, “Yung ceramide sini-seal niya yung mga butas para hindi lumalabas yung tubig.”
Hirit ni Sarah: "Pero yung kalsada dun, Doc, hindi na-absorb yung tubig kasi tinipid.”
Natawa ang tatlo, kasabay ng hiyawan ng attendees.
Ang komento ni Sarah ay umani ng papuri mula sa netizens, kabilang ang ilang celebrities.

May mga naka-appreciate sa pasaring ni Sarah, dahil hindi kilala ang singer-actress sa pagiging vocal sa mga isyung may kinalaman sa bansa.
Sabi ng isa, “OMG I’VE NEVER SEEN HER BE THIS VOCAL ABOUT POLITICAL ISSUES I LOVE THIS FOR HER!!!!”
May ilan ding nag-point out na may mga taon na isa si Sarah sa celebrity top taxpayers.
Sabi ng isa (published as is), “top taxpayer din si Sarah as an in demand artist.”
Segunda ng isa pa, “She was once the highest-paying taxpayer. Your girl can scream if she wants to!”


May humiling pa kay Sarah na dalasan nito ang pagiging vocal.
May pumuri sa ginawa niyang segue sa naturang event.
Sa kabilang banda, may ibang hindi na-impress sa ginawa niyang parinig.
Sabi ng isa, “Ah talaga ba Sarah? Ngayon ka bumoboses?”

MATTEO GUIDICELLI'S SERIES OF POSTS BACKFIRES
Mas naging vocal at mas specific naman ang mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli sa pagpuna sa isyu ng korapsiyon.
Ni-repost ni Matteo ang viral video ng anak daw ng isang contractor na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Ang anak daw na babae ng contractor, nagbayad daw ng PHP759,000 para sa dinner for two sa isang five-star luxury hotel.
“Not funny at all,” caption dito ni Matteo na ipinost niya sa X (dating Twitter) nitong weekend.
Lumalabas na ang viral video palang ito ay isang satire. At ang main character dito ay hindi anak ng contractor, kundi isang nurse.
Sa kabila nito, nagtuluy-tuloy na ang series of posts ni Matteo.
Sundot niya pa kaugnay ng isyu ng korapsiyon, “Post, repost, like, share. Expose it all. Good morning!”
Sabi pa ni Matteo sa isang post, “Real change begins with transparency, accountability, and integrity.”

Sa mga sumunod niyang posts sa X, inisa-isa at nagbigay ng key points si Matteo tungkol sa kahalagahan umano ng transparency, accountability, at integrity ng mga namumuno pagdating sa governance.

Pero kung si Sarah ay umani ng mas maraming positive comments sa kanyang ginawang patutsada, mas maraming batikos ang inani ni Matteo sa kanyang posts sa X.
Ang iba, iginiit ang pagiging supporter niya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinaalala nila kay Matteo ang kanyang pagiging “DDS” (bansag sa avid supporters ni Duterte).
Ang ilan, ipinunto na nangyari ang maanomalyang flood control projects sa DPWH noong administrasyong Duterte.
Sa unang araw ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng anomalous flood control projects ngayong Lunes, September 1, 2025, inamin ni Sarah Discaya na nagsimulang magkaroon ng kontrata sa DPWH ang kanilang mga kompanya noong 2016, nang mahalal si Duterte.
Si Sarah at asawa nitong si Curlee Discaya ang may-ari ng dalawang construction companies na kabilang sa Top 15 contractors na ginawaran ng bilyun-bilyong pisong halaga ng kontrata ng DPWH para sa kuwestiyonable at maanomalyang flood control projects.
Narito ang ilan sa pagpunang ginawa ng netizens kay Matteo:




Wala namang ipinost na reaksiyon si Matteo kaugnay ng pasaring at paratang ng netizens sa kanya.
