PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lexi Gonzales, other celebs lament latest flooding

Lexi on flood victims: "Mahirap pala 'pag nakikita mo siya firsthand."
by Bong Godinez
Published Aug 31, 2025
Lexi Gonzales cries over flooding in Quezon City
Lexi Gonzales: "Nawala lahat [yung takot ko para sa sarili ko] nung nakita ko yung sitwasyon nila dito. Walang-wala yung problema ko sa problema nila..."
PHOTO/S: Lexi Gonzales TikTok

Hindi nakaligtas ang ilang showbiz personalities sa abala na dulot ng baha dahil sa malakas na buhos ng ulan nung Sabado, Agosto 30, 2025.

Kabilang sa naapektuhan ay ang Kapuso star na si Lexi Gonzales, former Pinoy Big Brother alumni Dingdong Bahan, at multi-awarded actress na si Amy Austria.

Ang ulan nitong Sabado ay nagdulot ng pagbaha sa maraming lugar, kabilang ang Quezon City, kunsaan maraming kalye ang hindi na madaanan ng mga pribado at pampublikong sasakyan.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City ay hindi kinaya ng drainage system ng lungsod ang tubig-ulan na bumuhos "kaya nagresulta ito ng malalang pagbaha, maging sa ilang lugar na hindi karaniwang binabaha."

Kung susukatin ay nahigitan diumano ng antas ng tubig ulan na bumuhos sa Quezon City ang recorded rainfall sa loob ng isang oras noong Bagyong Ondoy nung 2009.

Read: Typhoon Ulysses vs. Typhoon Ondoy, alin ang may mas matinding pagbaha at pinsala?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa Quezon City at Metro Manila ay apektado rin ang ilang probinsya kabilang ang Nueva Ecija, Zambales, Bataan, at Pampanga.

Itinuturong dahilan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang low-pressure area na namataan sa loob ng Philippine area of responsibility na sanhi ng malakas na ulan.

Nataon din na mainit na usapin sa ngayon ang corruption diumano na nangyayari sa flood control projects na pinopondohan ng buwis ng mga mamamayan para sana masolusyunan ang mga pagbaha tuwing may bagyo o malakas na pag-ulan.

Sinasabing may sabwatan ang marami sa mga contractor na naatasan na gumawa ng proyekto at mismong mga pulitiko sa local at national level na siyang nagpapaluwal ng pondo para sa mga ito.

LEXI GONZALES: "SOBRANG NAKAKAAWA... WALA AKONG MAGAWA."

Sa pamamagitan ng social media ay inilahad ni Lexi in real-time ang kanyang kalagayan habang stranded sa daan ang kotse na minamaneho.

Lexi Gonzales
Photo/s: Lexi Gonzales (Facebook)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi mapigilan ng dating Starstruck contestant na maiyak habang kinukuwento ang naranasang takot habang nilulubog ng baha ang kalsadang dinadaanan at ang kanyang sasakyan.

Pero mas nanlumo raw si Lexi sa nasaksihang hirap ng mga residente sa nakatira sa lugar na apektado ng pagbaha.

Lexi Gonzales
Photo/s: Lexi Gonzales (Facebook)

"Nawala lahat [yung takot ko para sa sarili ko] nung nakita ko yung sitwasyon nila dito. Walang-wala yung problema ko sa problema nila," bulalas ni Lexi habang umiiyak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"At walang rescue, walang pumunta rito para tulungan sila. Kasi lagi 'tong nangyayari sa kanila," dagdag ni Lexi.

"Mahirap pala pag nakikita mo siya firsthand. Kasi alam ko, ako naaawa ako pag napapanood ko sa balita, pag nakikita ko yung mga video, naaawa ako.

"Pero mas masakit pala pag nakikita mo in person, sobrang nakakaawa.

"Wala akong magawa. Wala akong magawa kundi mag-video. Hindi ko alam kung anong itutulong ko, and now I can't go home kasi I'm stranded here. Hindi pa rin humuhupa yung baha."

Matapos ang ilang oras ay nakauwi rin si Lexi at nag-post ito ng update sa kanyang TikTok account.

Nagpasalamat si Lexi sa mga residente ng Barangay Quirino, 2-C Pajo Street, Quezon City, dahil hindi raw siya pinabayaan ng mga ito nang maipit siya sa baha.

"I hope that the situation diyan po sa lugar ninyo will change. I hope na hindi na po maulit yung ganung kalala na baha at kahit na ganun yung sitwasyon sana may LGU na dumarating para tulungan kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Let us be aware, let us voice out. Let's not stay quiet, let's make everyone aware."

Nanawagan din si Lexi ng tulong para sa mga residente ng nasabing kalye para maibsan ang hirap na nararanasan ng mga ito.

DINGDONG BAHAN: "ANG BILIS BAHAIN NG METRO MANILA."

Sa social media rin naglabas ng himutok ang ex-Pinoy Big Brother: Gen 11 housemate na si Dingdong Bahan.

Ayon sa kuwento ni Dingdong ay pinasok ng baha ang basement ng building sa Mother Ignacia, Quezon City, kunsaan niya pinark ang kanyang sasakyan.

Ang masakit ay bagong bili lang ang kotse ni Dingdong na nabili niya may dalawang buwan pa lang ang nakararaan.

Dingdong Bahan
Photo/s: Dingdong Bahan (Facebook)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Humupa ang baha in just an hour but this building, inabot kami ng 6 hrs para lang i-pump out yung tubig?" sambit ni Dingdong sa caption ng larawan na pinost niya sa Facebook.

"Sobrang kapabayaan naman. Walang maayos na gamit. No admin. Walang maayos na assistance. Buti pa yung guards."

Dugtong pa ni Dingdong: "Kaya nakaka-bad trip talaga dito yung konting ulan ang bilis bahain ng Metro Manila."

Binanatan din niya ang mga contractor at pulitiko na hinihinalang kumita sa flood control projects.

"Tapos makikita mo ang mga pamilya nong mga contractor at mga pulitiko grabe ipakita yung mga expensive things nila. mahiya kayo!"

Dingdong Bahan
Photo/s: Dingdong Bahan (Facebook)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AMY AUSTRIA: "MAGHAPON AKONG HINDI KUMAIN."

Dahil naman sa baha ay hindi nakadalo ang beteranang aktres na si Amy Austria sa birthday party na dapat sana ay pupuntahan nito.

Kuwento ni Amy sa social media, walang madaanang kalye ang kanyang sasakyan sanhi ng baha at traffic sa maraming lugar.

Amy Austria
Photo/s: Amy Austria (Facebook)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakakalungkot. Biruin ninyo maghapon akong hindi kumain dahil sabi ko kakain ako dun sa birthday," lahad ni Amy na bakas sa mukha at boses ang pagkadismaya.

"Tapos nag-ayos ako, nag-make-up ako, nagbihis ako. Gutom na gutom ako. Excited ako na makarating dun tapos wala akong madaanan kasi dahil sa baha. So kailangan kong umuwi."

Pagpapatuloy ni Amy: "Tapos ngayon ang nadaanan ko na lang pauwi, meron ditong ayan oh, may barbecue si manang na tinitinda. Bili na lang ako ng barbecue tsaka ng tenga ng baboy na barbecue."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lexi Gonzales: "Nawala lahat [yung takot ko para sa sarili ko] nung nakita ko yung sitwasyon nila dito. Walang-wala yung problema ko sa problema nila..."
PHOTO/S: Lexi Gonzales TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results