PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Seth Fedelin "sobrang happy" about love team with Francine Diaz

Seth on Francine: "Kasama magtrabaho, kasama mapagod, kasama mapuyat."
by Melba R. Llanera
Published Aug 31, 2025
Francine Diaz appreciates Seth Fedelin's effort to show affection for her and her family
Seth Fedelin on Francine Diaz: "Kasama magtrabaho, kasama mapagod, kasama mapuyat."
PHOTO/S: @regalfilms50 / @starmagicphils Instagram

Kadalasan sa mga magka-love team ay umaaming naging sila kapag break na.

Kaya siniguro nina Francine Diaz at Seth Fedelin, a.k.a. FranSeth, na hindi nila itatago sa publiko kung saka-sakaling mauwi na sa totohanang relasyon ang samahan nilang dalawa.

Pahayag ni Seth: "Ako ang sasabihin ko lang, deserve niya na ipagyabang siya.

"Yes, sasabihin ko, if the right time comes, bakit naman hindi, di ba?"

Pagsang-ayon ni Francine: "It's a beautiful thing to be loved by someone and love someone. If the right time comes, puwede naman."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa sa nakaraang 37th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club sa VS Hotel Convention Center nung August 24, 2025.

Read: Rabiya Mateo, may bagong pag-ibig?

SETH FEDELIN ON REAL SCORE WITH FRANCINE DIAZ

Pero ano na nga ba ang estado nila?

Ani Seth, "Sa ngayon, sobrang happy namin. Yung 2024, sobrang saya, sobrang saya namin dahil dumoble ang blessings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung mga tao na nakapaligid sa amin, pinapanatili kaming safe, di kami pinapabayaan.

"Kung tatanungin niyo kami kung ano ang updates sa amin personal, masaya kami ni Francine, yun lang.

"Pinapahalagahan namin kung ano ang mayroon kami. Kung kami, kami."

Ano ang gagawin ni Seth kung saka-sakaling simulan na silang itambal sa ibang artista ng ABS-CBN na kadalasang nangyayari sa ibang mga love teams?

"Ngayon, sasagutin namin na hindi kasi hindi pa tapos ang FranSeth, yun lang ang sasabihin ko," paniniguro ng aktor.

Ka-tie ang BarDa o Barbie Forteza at David Licauco love team, ipinagkaloob sa FranSeth ang Power Duo Tandem award.

Labis ang pasasalamat nila sa karangalang natanggap.

"Unang-una, gusto ko lang maging totoo, ang isang love team, di madali," pag-amin sa amin ni Seth.

"Ang galaw ng isa, di pupuwedeng kargo ng isa, kargo ng dalawa.

"Di madali, magjging totoo na ako, pero nagiging madali siya kapag parehas kayo ng gusto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun ang pinagpapasalamat ko dahil nagkaroon ako ng isang kasama magtrabaho, kasama mapagod, kasama mapuyat.

"Palagi kong kausap sa lahat ng karakter na ginagampanan namin, sa lahat ng aral na tinuro niya sa akin.

"Yun, yun ang nararamdaman ko ngayon."

Read: Kathryn Bernardo excited to work with James Reid

Hindi nakalimutang pasalamatan ng Kapamilya actor ang Philiippine Movie Press Club (PMPC).

"Kayo, mga pamilyar na mukha, mga nakakasama namin, sobra akong nagpapasalamat dahil nakitaan kami ng hindi lang basta pakilig, para makita ng mga kabataan especially na kapulutan ng magandang aral.

"Gaya ng sinabi ko kanina, truly an honor na ma-recognize ng PMPC for this award.

"Ngayon, sa mga love teams or hindi man, parang bihira yung makitaan ng dedication sa ginagawa mo, yung pagmamahal mo sa trabaho, kaya sa bawat award, sa bawat ganitong event na pinupuntahan namin, di lang kami basta nag-aayos para kumuha ng parangal.

"Lahat ay reminder na pasasalamat din na okay naman pala ang ginagawa namin."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Franseth wins Power Duo at 37th Star Awards For Television
Francine Dianz and Seth Fedlein win Power Duo at 37th Star Awards For Television.
Photo/s: Star Music PH on Facebook

Dugtong ni Francine: "Blessed, mahirap makahanap ng someone or bestfriend in the industry, alam naman natin yun.

"Mahirap makahanap ng tapat na kaibigan sa industriyang ito,

"I have Seth by my side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa lahat ng journey na pinagdaanan namin, naging madali siya kasi kasama ko siya."

FRANSETH PROJECTS

Napapanood sina Seth at Francine sa seryeng Sins Of The Father ng Kapamilya network.

"Lahat kami sobrang happy namin dahil na-recognize yung show, lalo na ngayon na papunta na tayo sa exciting part ng show," masayang pagkukuwento ni Seth.

Maraming aabangan, maraming bagong karakter ang papasok, si Kuya Ge [Gerlad Anderson], maraming aabangan sa kanya.

"Hindi lang sa lahat ng bida, sa lahat ng cast. Ayoko pang sabihin, pero may aabangan talaga na kaabang-abang."

Para naman kay Francine: "Wala akong masabi, blessed kami, thankful kami sa buong production and, of course, sa Stat Magic family kasi inaalagaan nila kami.

"Dito masasabi namin, dito di lang kami basta nagte-taping, araw-araw may natutunan kami. Dito nag-matured kami."

Aabangan ang dalawa sa mga pelikulang She Who Must Not Be Named at sa Metro Manila Film Festival entry ng Regal Films, ang Shake, Rattle and Roll, ngayong December 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seth Fedelin on Francine Diaz: "Kasama magtrabaho, kasama mapagod, kasama mapuyat."
PHOTO/S: @regalfilms50 / @starmagicphils Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results