Para kay Pasig City Mayor Vico Sotto, hindi nakaka-inspire at hindi normal ang mga kuwentong pagpapakita ng yaman ng mga kaaanak ng contractors na inuugnay sa maanomalyang flood control projects.
Hinamon ni Sotto ang publiko na labanan ang kultura ng paghanga sa pagpapakita ng yaman ng government officials at ng may kaugnayan sa tax-funded programs ng gobyerno.
Isa raw itong matibay na ebidensiya kung paano nagiging normal na sa Pilipinas ang corruption.
“Kailangan nga pansinin natin yung mga ganoong kuwento, mga ganoong pagkakataon.
"Gawin natin siyang hindi normal at gawin natin siyang hindi nakaka-inspire," pahayag ni Sotto sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News ngayong araw, August 28, 2025.
Paalala pa ng Pasig mayor: “As public officials, we have a code of ethics. Ostentatious display of wealth is also bad regardless of the source…
"Pero siguro yung mga nakita talaga natin na connected sa contractor, sila naman nag-post nun online, di ba? So, bigyan natin sila ng atensiyon kung gusto nila.
“Kailangan maging nakakadiri yung korapsyon. Kailangan hindi siya maging katanggap-tanggap.”
Read: Carla Abellana wonders about Discayas’ "luxury car haul"
sotto says we have to challenge the system
Ayon pa kay Sotto, tila nagiging normal na sa bansa ang mga pulitikong yumaman habang nasa kapangyarihan.
Saad niya: “I think, unfortunately, through the years, that’s really what happened. It’s become accepted, naging katanggap-tanggap siya sa ating lahat.
“If we want to fix this, kailangan aminin natin na at some level, all of us are guilty here.
"Hindi ibig sabihin na may natanggap tayo, pero ibig sabihin at some point, hinayaan natin. Pumayag tayo.
“I think that is the first step: to challenge that system, challenge that culture, basagin natin yun.”
Nilinaw ni Sotto na hindi masama ang pagiging mayaman.
Pero dapat daw alamin kung paano yumaman ang isang tao, at magtanong kung bakit kailangang ibalandra ang yaman sa publiko.
Read: Vic Sotto reacts to son Vico's "low quality" cellphone
Dagdag pa ni Sotto: “Wala namang masama maging mayaman kung galing yan sa maayos na paraan, pinaghirapan yan, pinaghirapan mo o pinaghirapan ng pamilya mo yan, wala namang masama.
“I guess with everything that is happening now, I think it’s all for the better. Napapaisip na tayo ngayon.
“Kapag may nakita na tayo na pinagmamalaki yung travels, luxury cars, sa yate nagpa-party, mapapaisip na tayo."
Sentro ng pambabatikos ngayon ng publiko ang pamilya nina Sarah at Curlee Discaya dahil sa pagyayabang nito ng kanilang mga ari-arian, kabilang na ang lagpas 40 luxury cars.
Nakaparada sa parking lot ng mataas at malawak na gusali ng St. Gerrard Construction, na pag-aari rin nina Sarah at Curlee sa Pasig, ang kanilang mga mamahalin at magagarang sasakyan.
Read: Carla Abellana wonders about Discayas’ "luxury car haul"
Isa rin sa binabatikos ngayon ng netizens ang singer at lifestyle vlogger na si Claudine Co.
Si Claudine ay anak ni Christopher Co, ang co-founder ng Hi-Tone Construction and Development Corporation.
Tiyuhin naman niya si Congressman Zaldy Co, ang chief executive officer ng Sunwest Group of Companies at dating chairperson ng House Committee on Appropriations.
Ang dalawang kompanya ay kabilang sa listahang inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na binigyan ng malaking kontrata sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Read: Claudine Co, binabatikos dahil sa pagbalandra ng lavish lifestyle
